Zyria's
At Refresh's Hotel
"Zyria? ikaw na ba 'yan? dalaga ka na ah? kamusta si Ria?" Sunod-sunod na sabi ni tita Ginna, ang nanay ni Gavin.
"Ayos naman po si nanay pero si Gavin po hindi."
Nagkatinginan ang mag asawang Tuazon dahil sa sinabi ko. "Kamusta na ang anak namin? nagloloko pa rin ba siya? I missed him so much." Naiiyak na sabi ni tita Ginna.
"Sa ilang taong wala po kayo lagi po siyang top achiever sa klase nila, inaalagaan po at binabantayin namin siya ni nanay ng maayos." Masayang sabi ko sakanila. "Pero gusto ko pong sabihin sainyo ang totoong pakay ko kung bakit po ako nandito." Pag amin ko sakanila.
"Spill it out hija, ano ba 'yon ha?" Wika ni tito Melvin, ang tatay ni Gavin.
"Pasensya na po pero tungkol po ito sa anak niyong bunso na si Gabriella na namaalam na years ago." Magalang kong sabi sakanila. "Nang iniwan niyo po si Gavin dito sa Pinas ng mag-isa naging malayo po siya sa mga tao at nanirahan po siya sa mansion niyo ng mag-isa at pinaparusahan po ni Gavin ang sarili niya tuwing birthday ni baby Ella, kasi namatay po si baby Ella noong birthday niya po 'di ba? sinisisi niya po ang sarili niya." I lowered down my head as a sign of respect for them.
Tuluyang naluha ang nanay ni Gavin at inalo naman siya ng asawa niyang si tito Melvin. "Almost ten years po niyong iniwan mag-isa ang anak niyo at gusto ko lang pong sabihin na dapat po hindi niyo isisi kay Gavin 'yong nangyari kay baby Ella kasi wala naman pong may gusto nung nangyari eh at kung nandito man po si baby Ella tiyak na malulungkot ito ng sobra."
Hinawakan ko ang kamay ni tita Ginna. "Madalas pong sabihin sa akin ni Gavin na mayroon siya ng lahat ng bagay na gugustuhin niya pero wala siyang pamilya at hindi niya maramdaman ang kasiyanan, no amount of money can buy family and happiness kaya sana po habang may oras pa sana iparamdam niyo sakaniyang mahal niyo siya at sana maalala niyo pong may anak pa kayo at si Gavin iyon." Ngumiti ako ng tipid sa mag-asawang nakaupo sa harapan ko, tumayo na ako at nagtatakha silang tumingin sa akin. "Uuwi na po ako iyon lang po ang pakay ko kung gusto niyo po ng tulong just call me." At nilapag ko ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang phone number ko.
Tumayo din ang mag-asawa. "Salamat Zyria ha? naliwanagan kami kahit papaano hayaan mo at bibigyan natin ng magandang kaarawan si Gavin ngayong nalalapit niyang kaarawan." Malapad akong napa-ngiti dahil sa sinabi ni tito Melvin.
I am very happy na naki-cooperate sila. Thank you God. Thank you so much.
Napangiti ako ng maalala ko ang pinag-usapan namin ng mga magulang ni Gavin. Today is his birthday.
Patago akong napangiti. Naka-set up na ang mansion nila, nakapatay ang lahat ng ilaw at marami ang handa na nasa dining table. Dito kami natipong lahat sa salas. Hawak ni tito Melvin ang party popper at hawak naman ni tita Ginna ang malaking banner kung saan may nakalagay na 'Happy Birthday my dearest son!' at may nakaprint na pictures.
Narinig namin ang busina ng kotse ni Gavin hudyat na nandito na siya kaya nag ready na kaming lahat.
"Tita Ria? Witch? bakit walang ilaw? hey---"
Biglang nagbukasan lahat ng ilaw at kasabay nito ang, "SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY!!!" Sigaw naming lahat.
"M-Mom? D-Dad?" Tumulo ang luha ni Gavin kahit kami naiyak din kasi alam naman namin kung ano 'yong pinagdaanan niya. Almost ten years siyang iniwan ng mga magulang niya at hindi man lamang siya nito dinadalaw at ito na lang ulit ang unang beses na muli silang nagkita-kita.
BINABASA MO ANG
Having You Beside Me (FT series #1)
Teen Fiction"Hindi dapat iikot ang kasiyahan mo sa iisang bagay, iisang dahilan, at iisang tao kasi lahat nagbabago, baka 'yong nagpapasaya sayo ngayon baka 'yon naman 'yong magpaiyak sayo, baka 'yon naman 'yong dudurog sayo." Naalala ko ang sinabi sa akin ni D...