Zyria's
Three years later..
"Anaaak! gising na! mahuhuli ka na sa klase! ano ba mag-aaral ka pa ba?!" Ang sigaw ng nanay kong gumising sa natutulog ko pang kaluluwa.
"Limang minuto pa mama! Teka lang! Sandali lang!" Pabalik kong sigaw, mula rito sa magulo kong kwarto, magulo kong buhay.
"Alas otso y media na! alas nueve ang pasok mong babae ka!" Muling sigaw ni mama.
"Hindi 'yan mag--- waaaaaaaah! malilate na ako!" Bulalas ko habang nagmamadaling hinagilap ang twalyo ko at nagmamadaling pumasok sa cr ng...
*Blaaaaag!*
"Ano ba 'yang kagagahan mong bruha ka?" Natatawang tanong sa akin ni nanay habang tinutulungan akong makatayo.
"Ayos lang ako 'nay.." Natatawang tugon ko lang sakaniya. "Bakit kasi may vanilla extract dito nanay?"
"Natapon ko yata kanina habang ginigising ka eh, maligo ka na at mag-almusal ka na sa baba bilisan mo ang kilos mo Zyria Montefalco!"
Napakamot na lamang ako sa ulo ko habang natatawa. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa cr ng...
*Blaaag!*
***
"You're thirty minutes late! get out! now!" Ito ang sumalubong sa akin, ang sigaw ng professor ko.
Bagsak ang balikat ko ng lumabas ng classroom ng...
Naihilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko nang mabangga ako ng isang lalaki at nahulog ang mga dala kong libro pero hindi man lamang ako tinulungan.
Madiin akong tumingin sa lalaking 'yon. "Salamat ha? ang gentledog mo!" at padabog kong pinulot ang tatlo kong makakapal na libro.
"Welcome miss." Tugon ng lalaki kaya napatingin ako sakaniya.
Kinuha ko ang isa kong suot na black shoes at binato 'yon sakaniya. "Nakakabanas kang ulupong ka!"
"Una at huli sa lahat miss kasalanan mo 'yon kasi nakita mo ng hallway haharang harang ka sa daan." at sinipa niya ang isang pares ng black shoes ko pabalik sa akin.
"ANG GENTLEDOG MONG ANIMAL KA---"
"MISS MONTEFALCO! LOWER DOWN YOUR VOICE!" Sabay sabay na sigaw sa akin ng tatlong professors na nasa labas ng tatlong classrooms.
Napangiti ako ng pilit. "S-Sorry po."
"Kung gusto mong magsisigaw wag dito! doon ka sa field!" Sermon ng isang professor.
"Nakakaistorbo ka miss Montefalco!" Napapahilot sa sintido na sabi ng isa namang propesor.
"Late nga 'to ma'am and sir eh kaya pinalabas ko, nagalit siguro kaya nagsisigaw sa daan." Maarteng sabi ng professor ko na nagpalabas sa akin kanina.
"Sorry po..." Nakayukong sabi ko habang humihingi ng paumanhin.
Sinermunan muna nila akong tatlo bago sila bumalik sa mga classrooms nila.
Naihilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko. "Gaaah! 'yong mga terror professors ko 'yon sa tatlong main subjects ko." Halos maiyak na sabi ko.
Naupo ako sa isang bench kung saan malayo sa mga silid aralan.. kung saan malaya akong makapagdadrama.
"Ang malas ko ngayon.." Naiiyak kong bulong sa sarili ko.
Ipinatong ko ang mga libro ko sa kandungan ko, ipinatong ko ang siko ko sa mga librong 'yon.. sinalo ng mga palad ko ang dalawa kong pisngi.
BINABASA MO ANG
Having You Beside Me (FT series #1)
Teen Fiction"Hindi dapat iikot ang kasiyahan mo sa iisang bagay, iisang dahilan, at iisang tao kasi lahat nagbabago, baka 'yong nagpapasaya sayo ngayon baka 'yon naman 'yong magpaiyak sayo, baka 'yon naman 'yong dudurog sayo." Naalala ko ang sinabi sa akin ni D...