Chapter 14

4 0 0
                                    

Zyria's

Makalipas ang ilang araw, matapos ang kaarawan ni Gavin...

Napadaan ang sa kwarto ni nanay at nakabukas ng kaunti ang pintuan ng kwarto niya. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila ni tita Ginna.

"Salamat Ria sa pag-aalaga sa anak ko." Pasasalamat ni tita Ginna sa aking ina.

"Ano ka ba! para saan pa't naging mag kaibigan tayo saka tayo-tayo lang naman ang magtutulungan eh, wala 'yon Ginna." Masayang usal ni nanay.

"Ria kami na ang bahal sa pagkokolehiyo ni Zyria sa Tuazon University namin siya pag-aaralin at balak naming..."

Anong balak nila?

"Balak niyong ano?" Nagtatakhang tanong ni nanay.

"Balak naming dal'hin si Gavin sa US." Ang sagot ni tita Ginna na nagpaguho sa mundo ko, ewan ko ba pero nagsisi akong sana hindi na lang ako nakinig sa usapan nila. "Kayo na muna ang bahala dito sa mansion ha? babalik naman kami pagka-graduate ni Gavin."

Half-Filipino at Half-American ang tatay ni Gavin na si tito Melvin habang si tita Ginna naman ay purong pilipina.

"Isang buwan na lang pala aalis na kayo paniguradong malulungkot sina Zyria at Gavin nito." Nalulungkot at nag-aalalang pahayag ni nanay.

"Sigurado nga dahil alam naman nating nasanay na sila sa presenya ng isa't isa." Pagsang-ayon ni tita Ginna sa sinabi ni nanay.

"Naku kung alam niyo lang ang kaibigan lang naman ni Zyria sa school nila ay isa at si Keith lang 'yon tapos dahil lumipat kami dito dumami ang kaibigan niya at dahil 'yon kay Gavin, wala ngang kaibigang babae si Zyria eh 'di ko alam kung bakit." Naikwento ko kasi sakaniya na si Keith lang ang kaibigan ko simula bata hanggang ngayong malalaki na kami.

"Kaya paniguradong malulungkot ang dalawang 'yon pag nalaman nila 'to."

"Bakit? hindi pa ba alam ni Gavin ang tungkol dito sa plano niyong dalahin siya sa US?" Tanong ni nanay sa sinabi ni tito Melvin.

"Oo na alam na ni Gavin at hayaan na lang nating siya na mismo ang magsabi kay Zyria." Sagot ni tito Melvin.

"Mabuti pa nga." Sumang-ayon si nanay sa sinabi ni tito Melvin.

"Naku jusko magiging masaya ako kapag nagkatuluyan silang dalawa." Kinikilig na sabi ni tita Ginna.

"Hindi naman malabong mangyari 'yon pero wag na muna nating pag-usapan 'yan Ginna kasi masyado pang bata ang mga anak natin para diyan." Natatawang usal ni nanay sa usapan nila.

"Pasensya ka na Ria nae-excite lang kasi akong magkatuluyan sila." Nagtawanan silang tatlo dahil sa sinabi ni tita Ginna.

Marahan at maingat akong lumayo sa pintuan ng kwarto ni nanay at nagtungo ako sa bakuran para maglabas ng sama ng loob.

Tumambay ako doon ay itinampisaw ang paa ko sa maligamgam na tubig. Sa secret hot spring ni Gavin.

Nakatungo lamang ako dahil nalulungkot ako sa nalaman ko. Alam na pala ni Gavin pero bakit hindi niya man lamang sa akin sinasabi?

"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala." Pag agaw niya sa atensyon ko. Naupo siya sa tabi ko at itinampisaw niya ang paa niya sa maligamgam na tubig.

Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Kinain kami ng katahimikan nang muli siyang nagsalita. "Tambayan mo na din ba 'to?" Pero hindi pa rin ako nagsalita.

"Something's strange.. masyado kang tahimik." Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya ng sabihin niya ito.

*Plak!*

Binasag niya ang itlog sa ulo ko. "Hey! bakit ba ang tahimik mo? ano bang problema ha? talk to me Witch! mababaliw na ako dito oh!" at niyugyog niya ang balikat ko.

"Walang problema! pag galit ka ba pinipilit kitang magsalita?! 'di ba hindi naman?" Inis kong singhal sakaniya. Nagulat siya sa inasta ko kahit din naman ako nagulat sa sarili ko kasi ito ang unang beses na pinagtaasan ko siya ng boses.

"Just simply spill it!" Ganti niya din sa akin. Naiinis na rin siya.

Nginitian ko siya ng sarkastiko. "Ano ba kita? Ano ba tayo?"

Ilang segundo niya akong tinitigan. "I'm your friend." Sagot niya sa akin. Ang bobo mo talaga Zyria alam mo naman na ang sagot pero nagtanong ka pa! o ano ka ngayon? 'di ba nasasaktan ka?

Your friend... dalawang salitang dumurog sa akin. Eh ano 'yong halik na 'yon? don't tell me trip niya lang ako?

One thing that hurts about friendship is simply itself especially when you both fall in love with each other.

"Magulo ang isipan ko ngayon, ayoko ng kausap." Tumayo na ako at tahimik na nilisan ang lugar. Napatingala ako sa terrace at nandoon sina tita Ginna, tito Melvin at si nanay. Napayuko na lamang ako at doon na kumawala ang mga sariwang luha ko sa mata.

Feeling ko kasi trinaydor ako. Hindi ko alam. Alam na nila ako na lang pala 'yong hindi.

"Okay class dismiss!" Anunsyo ng guro namin sa Filipino.

Napabalik lang ako sa wisyo ko ng nakalabas na sa pintuan ang guro namin. I spaced out. Naalala ko lang kasi 'yong nangyari weeks ago.

Mabilis ng nagdaan ang bawat at ngayon ay Marso na. Ilang araw na lang magtatapos na ang buwang ito. Gagraduate na kami ng high school! Saktong kasabay ng birthday ko ang graduation ko double celebration.

Matapos ang pag-uusap namin ni Gavin sa bakuran na 'yon hindi na ulit kami nag-usap hindi ko alam kung umiiwas din ba siya pero ako aaminin kong oo umiwas na ako sakaniya.

Halos isang buwan na kaming ganito, 'yong tipong dati halos hindi kami mapaghiwalay pero ngayon halos hindi na kami magtinginan. Kapag makakasalubong ko sa pasilyo ang grupo niya kasama siya umiiwas ako at lumilihis ng daan. Hangga't maaari ayokong makausap ang mga kaibigan niya lalo na kung nandiyan siya.

Ganito namin kasi talaga akong tao.. sa kahit anumang sitwasyon hahanap at hahanap ako ng butas para makaiwas, para makalayo, para makatakas.

"Ganiyan ka naman kasi talaga Zy sa ilang taon ng pagkakaibigan natin kilala na kita, instead of facing your fears you're hiding beneath of it and why are you so afraid of falling in love with him? nagpaubaya na nga ako 'di ba? why can't you both just admit and face your feelings for each other?" Malumanay na sabi ni Keith. Nakakapanibago lang kasi lalaking-lalaki na siya ngayon eh.

"Keith naman eh bago kasi sa akin 'tong feelings na 'to that's why it is so strange for me." Naguguluhan kong tugon sakaniya.

"Simple lang 'yan, mahal mo ba siya?" Isang tanong na nagpakabog sa puso ko.

"H-Hindi ko alam basta ang alam ko nasaktan ako nang sabihin niyang magkaibigan lang kami." Malungkot kong sagot sa katanungan niya.

"You're too numb baka mahal mo nga 'yon si Gavin." Naka-ngiting sabi sa akin ni Keith.

Napa-face palm ako. "Naguguluhan ako Keith! ang gulo ng sitwasyon namin! I can't get it!"

He patted my shoulder. "No Zy.. hindi magulo ang sitwasyon niyo you both are just afraid to admit your feelings kaya nahihirapan kayong dalawa eh." Napatingin ako sakaniya dahil sa sinabi niya. "Parang connecting of dots lang 'yan just easy pero dahil takot kayong umamin hindi niyo maikonekta 'yong mga dots kaya mas lalong gumugulo ang mga bagay-bagay."

He stood up. "Why can't you both just be brave?" Then he left me hanging with his question.

---

Sunshine_Sassy

Having You Beside Me (FT series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon