Zyria's
"Congratulations for the both of you! you both made us proud!" Masayang bati sa amin ni tita Ginna.
May kaunting salu-salo para sa graduation namin ni Gavin at kaunting handa rin para sa birthday ko. Ayoko sanang maghanda kaya lang nag pumilit si Gavin.
Nagkukwentuhan sina nanay at ang mag asawang Tuazon nang hilahin ako ni Gavin palabas sa mansion nila at dinala niya ako sa hot spring niya.
Nakakalungkot mang isipin na ang alis nina Gavin ay bukas na.
"Happy birthday, Witch." Bati niya sa akin at ipinaghila niya ako ng upuan.
May table for two doon na puno ng pagkain, alam niyo kung anong mga pagkain? EGG SALAD, EGG SANDWICH, EGG PIE, BACON AND EGG MUFFIN! puro may egg!
"For the nth time Gavin? seriously?" Napapairap kong sabi sakaniya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo doon at pumunta sa hot spring, itinampisaw ko doon ang mga paa ko habang niyayakap ako ng malalamig na hampas ng hangin.. gabi na rin kasi nasa alas otso na ang oras.
"For you.." Inabot niya sa akin ang isang medium size box.
Naguguluhan akong tumingin sakaniya. "Ano na naman 'to?" Takhang tanong ko sakaniya.
"Just open it." Natatawang utos niya.
"Umayos kang demonyo ka baka pagtitripan mo na naman ako ha!" Pagbabanta ko sakaniya pero mas lalong natawa lamang siya dahil sa inasta ko.
Binuksan ko 'yong box at halos umusok ang ilong ko dahil sa nakita kong laman nito. "Ano naman 'to Gavin?! aan'hin ko 'tong nga sapot at lapat na 'to ha? pinagtitripan mo talaga ako 'no?!" Inis kong sabi sakaniya at ibabato ko na sana palayo ang box pero pinigilan niya ako.
"Halungkatin mo kasi! inuuna mo kasi 'yang bunganga mo!" Tumawa na naman siya pagkatapos niyang magsalita.
Kinapa ko nga ang loob ng box na 'yon at may nakapa akong keychain na korteng bahay at may susi ito, hindi ko alam kung tama ba ang naiisip ko pero kinabahan ako sa kutob ko. "G-Gavin don't tell me---"
"Binili ko ang buong lupa at pina-renovate ko ang buong bahay para sayo." Naka-ngiti niyang inabot sa akin ang isang malaking envelope.
Nanginginig ang mga kamay ko ng abutin ko mula sa mga kamay niya ang brown envelope at binuksan ko ito, halos lumuwa na ang mga mata ko ng malaman kong sa akin pala nakapangalan ang buong lupa't pati ang bahay. "A-Akin na ba talaga si---"
Tumawa siya, "Oo nga sayo na si Patpot binili ko ang buong lupa at ako na rin mismo ang nagpa-renovate ng buong bahay na 'yon."
Hindi ko alam kung anong gagawin ko wala akong mapagsidlan ng sobrang saya at tuwa. Sobrang daming blessings ang dumadagsa sa buhay namin ng nanay ko.
Sa sobrang daming emosyon ang nararamdaman ko niyakap ko na lang si Gavin at tuluyan na akong napaiyak. Hindi naman ako iyakin dati eh pero simula nang makilala ko si Gavin kahit maliliit na bagay basta tungkol sakaniya iniiyakan ko na.
"Salamat Gavin.. maraming maraming salamat.. hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para mabayaran ko lahat ng naitulong mo sa amin ni nanay." I said between my sobs.
Sinapo niya ang pisngi ko at pinahid ang luha ko. "Kung tutuusin kulang pa 'tong mga ginawa ko sayo kasi hindi lang naman 'yong mga mata ko 'yong pinasaya mo kundi 'yong buong mundo't buong pagkatao ko."
Hinampas ko ang dibdib niya. "Nakakainis ka talaga! aalis ka na nga lang papaiyakin mo pa ako eh! ang dami mong pakulo para paiyakin ako eh! heartless ka talaga!" Umiiyak kong sabi sakaniya habang hinahampas siya.
BINABASA MO ANG
Having You Beside Me (FT series #1)
Teen Fiction"Hindi dapat iikot ang kasiyahan mo sa iisang bagay, iisang dahilan, at iisang tao kasi lahat nagbabago, baka 'yong nagpapasaya sayo ngayon baka 'yon naman 'yong magpaiyak sayo, baka 'yon naman 'yong dudurog sayo." Naalala ko ang sinabi sa akin ni D...