Zyria's
"BOOOOM!!" Panggugulat sa akin ni Gavin, 'di ko siya pinansin at inirapan ko lamang siya.
*Plak!*
Napapikit ako sa inis. "Arrggg! Gavin naman eh!"
Binato niya ako ng face towel. "Punasan mo masyado ka kasing seryoso."
I pouted. "Si Keith kasi eh iniiwasan ako ilang linggo na siyang lumalayo sa akin after ng dramatic speech mo sa auditorium."
Tinitigan niya ako ng matagal. "Gusto ka niya, kaya 'yon gan'on kasi nalulungkot siya at nasasaktan dahil sa akin."
Hinampas ko siya ng hawak kong notebook. "Assuming! Kilala ko siya! nine years na kaming mag bestfriend at gaya mo ang tipo niya!"
"Uh oh? so it means---"
"Oo! type ka ni Keith!"
"Ilang taon kayo nang umamin siya sayong bakla siya?" Tanong sa akin ni Gavin.
"Twelve years old kami nang umamin siya sa aking bakla siya naging magbestfriend kaming simula noong eight years old kami." Sagot ko naman sakaniya.
"Hindi kaya..."
Base sa mga tingin niya alam ko ang iniisip niya. "Hindi! imposible 'yang iniisip mong demonyo ka!"
"Wala namang imposible sa taong nagmamahal eh para hindi ka ma-bother may surprise ako sayo."
I sighed heavily. "Ano na naman 'yang pakulo mong 'yan?"
"Easy Witch," Nilagyan niya ng blindfold ang mata ko saka ako inalalayan papunta kung saan.
Matapos ang ilang segundong paglalakad namin tumigil kami ewan kung saan 'to, "We're here."
"Nasaan---"
*Splash!*
"Nasa secret hot spring tayo alisin mo na 'yang blindfold mo."
Marahas kong tinanggal ang blindfold ko saka siya inirapan. Tama bang ihulog niya ako sa "secret hot spring" niya ng may blindfold?
Masarap sa katawan 'yong tubig, nakaka-relax at maligamgam 'yong tubig tapos may fountain sa gitna ng hot spring.
Umahon ako sa tubig pero pagkaahon ko niyakap ako ni Gavin kaya nahulog kaming sabay sa hot spring niya.
"Ano naba-bother ka pa ba?" Tanong ni Gavin sa akin, iling lang ang sagot ko. "Hindi lahat ng bagay dapat sabihin minsan kailangan mo na lang manahimik."
Ilang segundo kaming nagkatitigan naputol ang titigan naming dalawa ng sabuyan niya ako ng tubig ni Gavin sa mukha. "Natulala ka na naman sa kagwapuhan ko." Pagyayabang niya sa akin.
"Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo!"
Pumunta ako sa kabilang dulo at hindi ko alam na nakasunod pala siya sa akin. "Waaaaah! tama na! hahahaha ayoko na!" Kiniliti ako ng demonyong si Gavin nasa likod siya kaya pagharap ko sakaniya ilang inches na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.
Nagtitigan lamang kaming dalawa. Naputol lang ang titigan naming dalawa ng tumikhim si nanay. "Mga anak gabi na pasok na tayo sa loob?" Nabigla kami sa sabi ni nanay kaya parang napaso kaming dalawa ni Gavin at lumayo kami sa isa't isa.
Makahulugan akong tinignan ni nanay. "Sumunod na kayo lunes na bukas at may pasok pa kayo." Dagdag ni nanay bago kami tinalikurang dalawa.
Hindi kami makatingin sa mata ng isa't isa kaya mas pinili kong tingnan ang noo niya. "Ah.. t-tara na? ayy m-mali! mauuna n-na pala a-ako sumunod k-ka na l-lang."
Kaya nagmamadali akong umahon sa hot spring at tumakbo palayo sakaniya habang hagod hagod ko ang dibdib ko dahil sa mabilis na kabog ng puso ko.
Nakakakuryente 'yong mga kiliti niya kanina parang nahihiya na akong lapitan siya.
Hindi 'to pwede! hindi mo siya pwedeng magustuhan Zyria dahil gusto rin siya ni Keith!
Mister Kupido anong ginawa mo?! sa dinami-dami ng mga lalaki bakit sakaniya ko 'to nararamdaman? what the heck? bakit sa demonyong 'yon pa?!
***
Matapos naming maghapunan dire-diretso akong nagtungo sa kwarto ko ng hindi tumitingin kay nanay at kay Gavin. Nakakahiya!
*Knock! Knock!*
"Pasok 'nay."
"I can't sleep Honey girl." Malungkot na sabi ni Gavin.
Nakatalikod ako sa pintuan kaya nang lingunin ko siya sobrang nahihiya ako. "S-Susunod na lang ako may hinahanap p-pa ako." Pagdadahilan ko sakaniya.
Kinuha ko sa drawer ko ang baby powder ko. Pag harap ko sakaniya nakaupo siya sa kama at mataman akong tinititigan. "T-Tara na sa k-kwarto mo?"
"Nah, I wanna sleep here." Humikab siya at nag-inat bago nahiga sa kama ko ng nakadapa.
Nilagyan ko ng baby powder ang likod ni Gavin. "Kung gusto mo akong hubaran magsabi ka maghuhubad ako."
Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Gago ka talagang demonyo ka! umayos ka nga kung 'di ka aayos sisipain kita palabas ng kwartong 'to!"
"Joke lang 'di ka naman mabiro Honey girl."
I gently caressed his hair at kinantahan ko siya ng malumanay na kanta.
Nang mapansin kong mukhang tulog na siya malaya kong tinitigan ang mukha niya.
"Nakakainis ka ng demonyo ka ba't mo laging pinapakabog at pinapabilis ang tibok ng puso ko? super hero ka ba?" Bulong ko habang hinihimas ng maingat ang buhok niya.
I sighed. "Ilang buwan na tayong nagkakasama dumaan na ang pasko at bagong taon dalawang buwan na lang gagraduate na tayo ng high school malapit na ang february sixteen magbibirthday ka na sana magustuhan mo ang regalo ko." I smiled to myself.
Marahan kong pinisil ang napaka-tangos niyang ilong. "Sorry ha? first time kong maramdaman ang kakaibang kabog nitong puso ko kaya 'di ako familiar sa feelings na 'to, gusto na ba kita? or worst mahal na yata kita? sa totoo lang ayoko sa strange feelings na 'to, it makes me afraid."
Matapos kong magsalita binalot kami ng katahimikan, mabibigat na ang pag hinga niya senyales na nakatulog na nga siya ng tuluyan. Naramdaman ko na lang din na bumibigat na rin ang mga talukap ng mata ko senyales na hinihila na ako ng antok. Humiga na ako ng maayos sa tabi ni Gavin, kinumutan ko siya at naglagay ako ng unan sa gitna naming dalawa.
***
KRING! KRING! KRING!
Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko kinapa ko ito at pinatigil sa pag-iingay.
Kinapa ko ang tabi ko wala ng tao, nagmulat ako ng mga mata ko. Tumayo ako at dumiretso sa cr ng kwarto ko pag harap ko sa salamin may note na nakadikit doon...
bumilis na naman ang kabog ng puso ko sa kaba.
"Why are you afraid of falling in love with me? :<"
Iyan ang nakasulat sa sticky note na nakadikit sa salamin. Kinabahan ako ng bongga dahil sa nabasa ko.
Kumabog ang puso ko dahil sa kaba dahil kilala ko kung kanino ang sulat na ito. Prinsipeng demonyito, ano ba 'to? Bakit ka ba ganyan?
Napahawak ako sa dibdib ko, mabilis ang kabog, nakakakaba.
---
Sunshine_Sassy
BINABASA MO ANG
Having You Beside Me (FT series #1)
Teen Fiction"Hindi dapat iikot ang kasiyahan mo sa iisang bagay, iisang dahilan, at iisang tao kasi lahat nagbabago, baka 'yong nagpapasaya sayo ngayon baka 'yon naman 'yong magpaiyak sayo, baka 'yon naman 'yong dudurog sayo." Naalala ko ang sinabi sa akin ni D...