Chapter 12

7 0 0
                                    

Zyria's

Nandito ako ngayon sa rooftop ng school namin actually kaming dalawa lang ni Keith. Kaming dalawa lang ang tao dito.

"K-Keith? ilang araw mo na akong hindi pinapansin, g-gusto mo ba si Gavin?" Nauutal kong tanong sakaniya.

Bumuntong-hininga siya. "I always make sure na nandiyan ako sa tabi mo whenever you need someone but I realized iba naman pala 'yong kailangan mo at hindi ako." Tumawa siya ng pilit para pagaanin ang emosyon niyang nararamdaman. Lalaking lalaki ang boses niya, nakakapanibago.

"W-What are you talking about K-Keith?" Naguguluhang tanong ko sakaniya pero umiling lamang siya.

"Alam mo kung anong natutunan ko sayo? 'yon 'yong kahit napapasaya kita hindi pa rin pala ako magiging enough para sayo, 'yong tipong kahit anong gawin ko si Gavin pa rin naman ang kakailanganin mo 'di ba? gan'on naman palagi 'di ba?"

Tumulo ng kusa ang mga luha ko at hindi ako nag-abalang pahirin ito. "A-Ano bang s-sinasabi mo Keith? i-ikaw? nahulog? sa a-akin? K-Keith naman eh! s-stop this prank p-please."

"Sana nga kaya kong itigil 'to Zyria, s-sana nga kaya ko kasi alam mo hindi ko na kayang kumawala sayo kahit na alam kong hindi ako  ang mahal mo." Tumulo na rin ang mga luha niya, pinahid niya ito pero rumagasa pa rin ang mga sariwang luha niya.

"Alam kong hindi tanong ang I love you pero bakit kapag iniiwasan mong sagutin nasasaktan ako? gan'on ba 'yon kahirap ibigay sa akin Zyria? you know what I really hate destiny kasi pinagtatagpo nila 'yong mga taong hindi naman para sa isa't isa." Tumingala siya sa kalangitang may bahid na ng kulay kahel. "P-Para tayong liriko sa isang kanta o kaya para tayong tulang malayang pinagtagpo ngunit hindi magkatugma 'yong tibok ng mga puso."

"K-Keith! stop that shit! just g-go straight to the point---"

"MAHAL KITA ZYRIA MONTEFALCO! ALAM KONG HINDI DAPAT PERO MAHAL KITA! NAHULOG AKO SAYO!" Iyan ang isinigaw niyang nagpatahimik sa akin. Tila gumuho ang mundo ko sa ginawa niyang pag amin.

"Oo! tama 'yong narinig mo! mahal kita Zyria! ilang taon kong itinago sayo 'yong totoong ako! nagpanggap akong bakla para makalapit sayo kasi alam kong hindi ka makikipagkaibigan sa akin kung lalaki ako! hindi ako bakla pero ginawa ko lahat para lamang makalapit sayo! I did everything para lang makapasok ako sa mundo mo but I realized I can't have you kasi kahit anumang gawin ko it will always be him.. it will always be Gavin."

"I-I didn't know.. I am v-very sorry K-Keith---"

"Stop, don't say sorry," He stopped and smiled at me. "Kasi kasalanan ko namang nahulog ako sayo kahit na alam kong hindi mo ako sasaluhin."

Lumapit siya sa akin, he cupped my face. "I know you love him at hindi mo kailangang mamili sa aming dalawa kasi handa akong magpaubaya para lamang hindi ka mahirapan at para lamang maging masaya ka kahit na ikasasakit ko ito." Niyakap niya ako ng mahigpit at hinagkan niya ang noo ko. "Hindi mo kailangang sabihin kasi nakikita ko naman ito sa kislap ng mga mata mo, be happy Zyria hindi na kita papahirapan pa, I am willing to give up this feelings just to make you both happy."

Kumalas na siya sa yakapan namin at tumalikod na sa akin. "I-Iiwan mo na ba ako Keith?" Tanong ko sakaniya.

Nanatiling nakatalikod siya sa akin. "Give me some time and space I need some break, babalik ako.. babalik ako kapag nakaya ko na." And with that he walked away from me.

Napaupo ako sa sahig ng tuluyan na siyang mawala, napayuko ako at humikbi na lamang para maibsan ang sakit na nararamdaman ko ng may masilayan akong isang pares ng sapatos na nakatayo sa harapan ko.

Tumingala ako at nakalahad sa akin ang kamay niyang may panyo. "Stop crying, I hate seeing you cry kasi ang pangit na nga ng araw ko mas lalong papangit pa dahil sayo." Pabiro niyang sabi pero alam kong pinapagaan niya lang naman ang damdamin ko.

Inabot ko ang panyong nasa kamay niya. "Salamat." Tipid kong sabi at naupo rin siya sa sahig, katabi ko.

He sighed. "It look like that you're in a great chaos." He said while looking up above the blue sky.

Hindi na lamang ako umimik sa sinabi niya. Sapilitan niya akong iniharap sakaniya sisigawan ko sana siya kaya lang kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. I just closed my eyes at in-enjoy ang mga oras na iyon.

Ilang minuto niya akong niyakap bago siya kumalas sa yakapan namin. "Love hurts big time." Tumayo siya at tinulungan niya rin akong tumayo. "But falling in love is a wonderful ride you could ever experience." At ngumiti siya sa akin.

"Thank you sayong demonyito ka." I told him nagulat na lamang ako ng hagkan niya ang noo ko.

Keith's

"Mahirap mag let go pero mas mahirap kung pipiliin mo pang mag stay kahit hindi naman ikaw 'yong kailangan nung tao." Hugot ng isa sa mga tropa kong si Darryl.

"Alam naming masakit 'yan bro kaya iiyak mo na lang kasi wala naman tayong super powers na makakatulong sa atin para makontrol natin 'yong sakit nararamdaman natin." Payo din sa akin ng tropa ko pang si Neil.

Inakbayan ako ng ate ko. "Ayos lang 'yan Keith, kapag sobrang sakit na isipin mong tayo 'yong dalawang sperms na nanalo kaysa sa mga kapatid pa nating sperms." Humagalapak sa tawa ang tatlo kong kaibigan simula bata na sina Neil, Darryl at Dave, sila 'yong mga nakasaksi sa lahat ng ginawa ko para lamang makalapit sa batang Zyria na 'yon.

Kung hindi ko lang pasan ang mundo ngayon siguro humagalpak na din ako ng tawa dahil sa sinabi ni ate pero feeling ko pagod na pagod ako to the point na hindi ako makatawa. Kung hindi lang sobrang sakit baka mas nangibabaw 'yong tawa ko kaysa sa mga tawa ng tatlong kaibigan ko.

Kaya imbis sumali sa food trip nila I decided na magkulong na lang sa kwarto. Ni-lock ko ang kwarto kasi alam kong pagtitripan ako ng mga kaibigan kong loko kasama pa ang demonyo kong ate.

Humilata ako sa kama ko ng tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag text sa akin, kinuha ko ito sa bed-side table at binasa ko ang text niya.. text ni Zyria.

Bumalik ka kaagad ha? maghihintay ako sa pagbabalik mo, I'll be always here ♡

Nagtype ako ng irereply ko para sakaniya kaya lang binura ko agad ito, kahit na gustong-gusto ko kailangan kong pigilan ang sarili ko kasi kapag nagreply pa ako aasa na naman ako sa wala.

I'll be back soon for now I wanna build myself up. Masakit man isipin pero lalayo na muna ako.

I am willing to give up this feeling just to make them both happy even though it will make me fall apart into pieces.

---

Sunshine_Sassy

Having You Beside Me (FT series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon