Chapter 4

15 0 0
                                    

Zyria's

...nagulat ako sa nakita ko.

"What are you doing here in my bedroom?" Malamig niyang tanong sa akin, nagkasalubong na din ang makakapal niyang kilay.

"S-Sorry Gavin! N-Namatay kasi yung shower sa k-kwarto ko, s-salamat pala at b-bye!" Utal-utal kong pahayag at dali-dali akong lumabas sa kwarto niya kaya lang...

*BLAAAG!*

"Ouch.." Daing ko sa sobrang sakit ng pagkalagapak ko sa sahig, hinimas ko ang pang-upo kong bahagi at basa iyon inamoy ko at amoy vanilla extract.

"WHAT ARE YOU WAITING FOR?! LEAVE NOW!" Nagulat ako sa sigaw ni Gavin kaya agad akong napatayo mula sa pagkakalagapak sa sahig.

Kaya lang muli akong lumagapak sa sahig, saan ba galing 'tong vanilla extract na 'to?!

"I SAID LEAVE NOW! CAN'T YOU UNDERSTAND ME?!" Muli niyang hirit kaya gumapang na lang  ako palabas sa kwarto ko.

***

Himas-himas ko ang pang-upo kong bahagi habang papaakyat sa terrace dala ang pagkain ni Gavin na Oreo and kitkat trifle, pang limang utos niya na 'to sa akin.

"Heto na po ang pinag uutos niyo." Mahina kong sabi sakaniya.

Ngumiti siya sa akin. "Oh thanks, please give me Carabao milk butterscotch pudding, Strawberry and banana cream trifles, Baked strawberry tart, Mango tapioca and coconut milk, Crepes suzette, Mango crepe, and Cheese panna cotta with strawberries."

Napanga-nga ako ng literal sa pinag-utos niya. "Balak mo bang magpakamatay?"

Mariin niya akong tinignan at doon lang nag sink in sa isip ko kung ano 'yong sinabi  ko.

"I SAID GIVE IT TO ME!" Bulyaw niya na naman sa akin.

"R-Right away!" Agad kong sabi at kumaripas ako ng takbo pababa sa kusina para kuhain ang mga gusto niyang kainin.

***

"Kumpleto na po 'yong mga pagkain na gusto mong kainin." Sabi ko habang hinihingal sa pagod, ikaw ba naman magpabalik-balik sa kusina ng ilang beses.

Ngumisi siya. "Awe, busog na pala ako! I'm full, eat all of this." He stood up at smiled evilly to me.

Napanganga ulit ako ng literal. "Ayoko namang mamatay sa diabetes!"

"Susunod ka o---"

"OO NA! SUSUNOD NA AKO!"

"Sinisigawan mo ba ako Zyria Montefalco?!" Asik na naman sa akin ni Gavin. Bakit ba siya laging galit sa akin?!

"Oo na PO, susunod na PO ako, kakainin ko na PO."

He smirked. "'Yon naman pala eh! eat all of this, tandaan mo nakikita kita kahit malayo ako." At umalis na siya dito sa terrace.

***

Alas-sais na ng gabi at nandito ako sa kusina kasama si nanay, magluluto siya ng adobo para sa ulam namin ngayong gabi.

"'Nay, ayoko na po dito." Malungkot kong sabi, naikwento ko kay nanay 'yong mga ginawa sa akin ni Gavin lately.

She smiled. "Ano ka ba! Kayanin mo dapat, tiis-tiis lang pagpasensiyahan mo na."

"Syempre naman 'nay, para sa pangarap ko magtitiis ako." Pagod akong napa-ngiti.

Tumango-tango si nanay. "Tama, gan'yan nga! tini-test ka lang n'on ni Gavin kung hanggang saan ang kaya mo kaya dapat ipakit mong 'di ka matitinag."

"Pero bakit kaya siya gan'yan nanay?"

Tinignan ako ni nanay at makahulugan itong ngumiti sa akin. "Kapag kaibigan mo na siya maiintindihan mo na siya pero ngayon hindi mo pa talaga alam, kaya walang nakakatagal sakaniyang katulong kasi kinakawawa niya kahit ako din noong una sinubukan niya din ang inabot niya sa akin sermon aba hindi ko siya hahayaang ipagpatuloy ang gan'ong ugali niya."

Natawa ako sa paraan kung paano magkwento si nanay. "Talaga 'nay? Natakot  po ba siya sainyo? Anong itsura niya 'nay?"

"Sino ba namang hindi matatakot sa tabas ng panenermon ko?" At sabay kaming natawa ni nanay sa sinabi niya.

"Pero nasaan po pala ang mga magulang ni Gavin?"

"Business matters." Napalingon ako sa sumagot sa tanong ko, it was came from Gavin.

He looked at me coldly. "Follow me, excuse us tita."

Agad akong sumunod sakaniya sa rooftop ng mansion niya. "Bakit Gavin? May gusto ka bang sabi---"

Bigla niya akong binuhusan ng itlog, tapos harina, tapos vanilla extract. Mahilig ba talaga siya sa matatamis? pati ba naman ako ibe-bake niya? jusko!

"Bakit mo ba 'to ginagawa sa akin?" Malumanay kong tanong sakaniya habang pinupunasan ang mukha ko. Sobrang lagkit!

"Una sa lahat wala kang karapatang alamin ang family background ko o kahit anong tungkol sa akin! Sino ka ba sa inaakala mo?!" Bulyaw niya sa akin, bakit ba siya galit na galit?

"Gawin mo na lahat ng gusto mong gawin, ano? may iuutos ka pa ba?"

"Drink this." Inabot niya sa akin ang isang baso tinanggap ko 'yon, maanghang siya katas pala 'yon ng sili pero sorry I love spicy!

"Oh? Ano pang iuutos mo?" Tanong ko, maanghang siya pero kaunti lang and I don't need water.

Lumapit siya sa akin at binuhusan ako ng patis. "Oh ano pa? wala na ba?"

Binato niya ako ng itlog sa mukha. "Done, now leave and clean this mess." at iniwan niya ako sa rooftop.

Maingat akong pumasok sa kwarto ko, baka kasi makita ako nanay tiyak na puputak na naman ang bunganga n'on. Dumiretso ako sa kwarto ko, tinitigan ko ng ilang minuto ang itsura ko. "Coward dies a thousand times, but soldier die once." Iyan ang sabi ng paborito kong guro sa asignaturang ingles.

Isang oras akong naglinis ng katawan, ang baho ko naman kasi dahil sa patis na 'yon tapos ang baho pa ng amoy ng itlog nakakasuka.

Sa ngayon, nakabihis na ako at sinusuklay ko ang kulot kong buhok sa harap ng salamin natigilan ako ng makarinig ako ng katok sa pintuan agad ko itong binuksan akala ko si Gavin pero si nanay pala.

Malungkot siyang ngumiti sa akin. "Ano? kaya mo pa ba? kasi kung hindi na aalis na tayo dito ngayon din Zyria kaya sabihin mo sa akin."

Tumawa ako. "Ano ka ba naman 'nay! Kaya ko pa!" Nagkunwari akong humikab. "Sige na 'nay, inaantok na po ako! good night nanay! love you!"  at sinarado ko na ang pintuan.

Kaya ko pa, kinaya ko, kakayanin ko 'to.

Hindi na pala ako nakakain ng hapunan, hindi na ako nag abalang bumaba sa salas. Gusto ko na lang itulog 'tong sakit ng loob ko.

---

Sunshine_Sassy

Having You Beside Me (FT series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon