I. Salukoy

1.1K 157 116
                                    

"Wahhh! Bagsak na naman! Mahal na mahal talaga natin ang isa't-isa eh. Gumagawa ng paraan para magkita kahit hindi tayo magkaklase," pag-angal ko kay Sam. Kakatapos lang ng Math namin at ang saklap nga naman ng buhay, as usual bagsak sa summative ang ate niyo.

"In short, sabay na naman tayo sa remedial?" Taas-kilay na tanong niya, tila ba'y tanggap na ang kapalaran naming dalawa.

"Tumpak!" Sigaw ko at ipinaglapat pa ang kamay.

"Nakakatakot ka, alam 'yon? Tuwing break sinusugod mo talaga ako, para kang gangster na nag-aabang sa gate. Ang pinagkaiba lang ay sa corridor ka nag-aabang, wala ka ba talagang ibang kaibigan?"

"Sam, ikaw lang naman ang engot kong kaibigan," natatawa kong tukso sa kaharap.

"Hoy! Sino nagsabing kaibigan kita?! Eh! At least nga mataas ka sa Filipino, at saka close pa kayo ni Sir Errol." Si sir Errol, ang student-teacher namin sa Filipino. Sobrang bait, ultimo anghel mahihiya sa kaniya. Ang kaso nga lang, medyo mahinhin din. Dinaig pa si Maria Clara.

"Lah! Puro Noli at El Fili nga lang pinag-uusapan namin! Isang beses lang na naging off topic, yung tungkol sa pamangkin ko. At saka sa chat lang kami nag-uusap, hindi nga ako nagrerecite, sa reporting niya lang naririnig boses ko."

Nagsagutan na kami ni Sam at wala rin namang pakialam ang aming mga kapwa estudyante dahil sanay na sa ganitong bangayan namin.

"Ako nga 'di ko pa siya nachachat."

"Ay nako Sam! Ewan ko sa'yo, mabait 'yon si sir. Kahit hindi Noli ang pag-usapan niyo, nagrereply siya."

"Oo na, oo na, bumili ka na ng lunch mo!"

"Lah! Ayaw mo akong samahan?"

"Maglalaro pa ako ng badminton."

"Adik ka Sam."

"Baliw ka naman!"

"Mangkukulam"

"Tomboy"

"Balakajan!" Magkasabay naming sigaw.

"Mukha kang engot," natatawang sabi ni Sam.

"At least mukha lang, ikaw engot na talaga." Sinimangutan niya naman ako dahil nautakan ko siya.

"Oh? Bakit nag-aaway yung dalawang engot?" Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses  ng isang lalaki.

"Sinong engot?!" Pagsusungit ni Sam at humalukipkip paharap sa kung sino mang Poncio Pilato ang sumingit sa aming debate.

"Oh! JM bakit ka napadpad dito? Hindi ba sa kabilang ibayo pa ang school ninyo? Ang layo naman ng narating mo," gulat kong tanong sa kaniya.

"Masama lumipat ng school?" Sarkastiko niyang turan habang iniikot ang mata. Ginagaya ang pagtataray ni Samantha, na nakapagpatawa sa loob-loob ko.

"Hindi, kasi ikaw ang masama. Teka- nakalipat ka na dito?" Hindi man lang kami sinabihan, akala mo hindi kaibigan.

"Mukha ba akong si flash? Magpapasa pa lang ako ng form, nag-trespass lang ako sa building niyo."

Sa Harap ng Pulang BandilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon