"Ohh~ Ikaw ah! Napaamo mo na pala si Jacintobabes," panunukso ni JM.
"Hindi naman siya hayop para paamuhin. At kung ako sa iyo ay titigilan ko na ang pagtawag sa kaniya ng kung ano-anong palayaw," paninita ko naman.
"Grabe, ano kaya reaction niya 'pag na-kwento natin 'yong mga nangyari?"
"Sino ang iyong tinutukoy, Sam?"
Wala naman nang iba na kailangan pang makaalam sa kaganapan. Kinagabihan ay itinuloy ko na kanina ang pagsasalaysay sa nangyari kung bakit nagpupuyos ang pangulo.
Simula nang makalabas kami sa silid ni Inay, hanggang ngayong pumapanaog kami sa hagdan, patuloy lamang sila sa pangangantyaw sa akin at kay Ginoong Jacinto. Nangangamba na nga ako dahil napakalakas ng kanilang tinig, marahil ay marami nang nakarinig sa kanilang pinagsasasabi. Kararating ko pa lamang dito galing sa panig ng mga Magdalo at kung ano-ano na ang nangyayari, hindi na ako magtataka kung marami ang maiinis sa akin.
"Eh, malalaman mo next time. By the way, ba't ganyan ka magsalita? 'Di ka ba nahihirapan?", pagsabat naman ni Jm.
"Huwag mo nang ibahin pa ang paksa ng usapan, Adolfo."
"Adolfo? Gregorio tawag ko kay Jm 'pag lumalabas kami."
"Ano ba talaga ang iyong ngalan?" nagugulumihan kong tanong.
"Bakit ka muna ganiyan magsalita?"
"Hindi ba at kayo ang dapat tanungin? Bakit ganiyan ang inyong pananalita? Hindi ba kayo natatakot na mapagbintangan wala sa tamang pag-iisip? O kaya nama'y-", lumapit ako sa kanila at bumulong. "mayroong makatuklas na kayo ay hindi nanggaling sa panahong ito."
"Simula ngayong araw na ito, tayo ay magkakaroon ng pagsasanay," suhestiyon ko sa kanila. Mahirap na kung mapapahamak sila dahil lamang sa mga kataga. Tila walang respeto sa iba, at napakakaswal. Kung sakaling makaharap nila ang mga mararangya o ang mga umaabuso ng kapangyarihan, nakatatakot isipin kung ano na lamang ang mangyayari sa kanila.
"Ayoko, hassle," mabilis na pagtanggi ni Jm.
"Aalis kami eh," pagpapalusot naman ni Sam.
"At saan naman ang inyong paroroonan?"
"Totoo kaya, 'di ba Jm? Tanungin mo pa si Emilio. Aalis talaga kami ngayon."
"Magandang umaga Binibining Sam, Binibining Riona, at Ginoong Jm. Ang aming pupuntahan ay isang maliit na barrio lamang, sa Banlat. Nais mo ba na kami ay samahan, Binibining Riona?" Napalingon ako sa aking likuran, at nahinto ang aking mata sa lalaking pababa pa lamang ng hagdan. Napakaraming nangyari kahapon na para bang panaginip na lang ang naganap sa hardin.
"Magandang umaga rin po," walang ganang sagot nila Sam at Jm.
"Magandang umaga rin sa iyo, Ginoong Jacinto. Kung mayroon man akong maitutulong sa inyo, oo po, ako ay sasama sa inyong patutunguhan."
"Kung gayon ay kumain na kayo ng almusal, ihahanda ko lamang ang mga kakailanganing dalhin ng Maypagasa."
"Hindi ka ba kakain muna ng iyong agahan?" pag-aalok ko.
"Nauna na kami ng Pangulo at Lakambini, kasabay ang inyong Kuya. Mauuna na ako," saad nito atlumabas na.
"Bakit Jm din ang kaniyang tawag sa iyo? Sinabi ninyo ang tunay ninyong pangalan? Hindi ba sila magtataka kung bakit ito kakaiba?"
"Oo po? Upo ka teh?" Sa halip na sagutin ang aking mga katanungan, nang-asar lamang siya at tumakbo na papuntang komedor.
"Ang opo ay nanggaling sa pinagsamang oo at po!" pahabol ko sa kaniya. Bumaling naman ako sa aking katabi at muling nagsalita.
BINABASA MO ANG
Sa Harap ng Pulang Bandila
Fiksi Sejarah#1 in HISTORICAL FICTION 11/02/20 March 25 2019 - on going Isang pangkaraniwang estudyante na namuhay sa nakaraan. Babaeng nagmula sa kasalukuyan ang napadpad sa yugto ng himagsikan. Naroon lamang upang masaksihan ang bawat kaganapan, ang mga k...