ALAS-KUWATRO pa lamang ay nagising na ako kahit inaantok pa talaga, ang ingay ba naman kasi. Kanina pa ako may naririnig na lakad nang lakad. Malapit pa itong silid sa hagdanan kaya siguradong maraming dadaan.
Sa totoo lang ay wala akong karapatang magreklamo sapagkat nakikitira lang ako sa kanila. Masama ugali ko kapag nagising nang hindi pa sapat ang tulog. Nagiging demonyo ako. Kahit anong subok kong matulog ulit, 'di ko na talaga kaya.
Kung kagabi, kisame ang tinititigan ko, ngayon naman ay ang malaking orasan. Siguro ganito talaga ang oras ng gising ng mga tao sa panahong ito, napakaaga.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya binuksan ko na lang ang bintana sa kwartong 'to. Bumungad sa akin ang napakalamig na simoy ng hangin. Napayakap ako sa aking sarili. Daig pa ang lamig noong nagpunta ako sa Baguio dati. Hindi biro ang lamig, kakaiba talaga ang epekto ng climate change. Kung ikukumpara sa kasalukuyan, na naka-aircon sa pinakamababang temperatura sa buwan ng Disyembre, mas mainit pa rin kaysa sa nararamdaman ko ngayon. Ibig sabihin ba ay talagang sirang-sira na ang mundo sa kasalukuyan?
Napag-aralan namin noon na industrialization ang pinakamalaking contributor sa Greenhouse gases emission na siyang nakasisira sa Ozone layer. Kung pagkasira ng mundo ang epekto ng makabagong teknolohiya, mas pipiliin ko pa ang simpleng pamumuhay, gaya na lamang ng mga tao sa panahon ito. Medyo madilim pa sa labas ngunit marami-rami na silang mga nagbabanat ng buto.
Ay! Oo nga pala! Ngayon nga pala ang kaarawan ni Aguinaldo. . . . Ngayon ko lang na-realize, marami nga pa lang mga Aguinaldo dito, kaya hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kaniya. Ayoko naman na Emilio lang, kasi parang walang respeto. May halos sampung taon nga kaming pagitan.
Isa pang realization, ang gaganda at ang gagwapo ng itsura nilang magkakapatid. Hindi katulad namin, yung ate at kuya ko ang titino ng itsura. Pagdating sa akin, parang inampon lang o baka naubusan lang ako ng ganda dahil ako ang bunso.
Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko, tapos buong araw pa ako nandito. Kaso ang tanong, buong araw nga lang ba? Baka mamaya, habang buhay na pala ako mananatili sa panahong ito. Hindi. Hindi dapat ako panghinaan ng loob. Ako lamang ang mag-isa rito. Ako lamang ang makatutulong sa aking sarili kung kaya't kailangan ko talagang magpakatatag. Tanging sarili lamang ang masasandalan, mula noon hanggang ngayon. Wala namang ipinagbago.
Nagpasya akong bumaba na lang at maghanap ng hardin, kasi mababaliw na ako kung magkukulong lang ako sa silid. Pagkabukas ng pinto ay nakita ko agad si Aguinaldo-marami nga pala sila, si Emilio, na pababa ng hagdan. Lumingon agad siya sa akin na parang may third-eye siya at na-sense niya agad ang presensya ko. Nginitan niya ako at nagbatian ng magandang umaga. Inanyayahan niya ako na mag-agahan sa kumedor.
Nagdadalawang-isip ako kung babatiin ko ba siya ng happy birthday. Baka naman magtaka siya kasi kakakilala lang namin, biglang alam ko na agad ang mga impormasyon tungkol sa kaniya. Mapapagkamalan pa ako na may masamang balak.
Pagkababa namin, ewan, parang ang weird lang kasi nagbabatian lang sila ng magandang umaga. Baka naman hindi talaga March 22 ang birthday ni Aguinaldo, baka wrong info lang ang pinaggagawa ng mga historyador. Kasi, wala namang bumabati sa kaniya, pati pamilya niya hindi siya sinasabihan ng maligayang kaarawan. O baka naman, galit sila kay Agui-Emilio, naawa tuloy ako sa kaniya. Gusto ko tuloy siya batiin, kaso paano kung mali nga, napahiya naman ako.
Pagkatapos naming kumain, nakita ko ulit si Aling Natividad(?), isa pang tao na hindi ko alam kung paano ko tatawagin. Tinulungan ko siyang magligpit ng plato. Ngunit tumanggi lamang ito."Naku iha, salamat, ako na ang bahala dito."
"Sige lang po, salamat nga po pala. Pasensya na po kung pinaalis ko kayo kahapon, hanggang ngayon po kasi naguguluhan pa rin po ako. Saka Lina na lang po ang itawag niyo sa akin."
BINABASA MO ANG
Sa Harap ng Pulang Bandila
Historical Fiction#1 in HISTORICAL FICTION 11/02/20 March 25 2019 - on going Isang pangkaraniwang estudyante na namuhay sa nakaraan. Babaeng nagmula sa kasalukuyan ang napadpad sa yugto ng himagsikan. Naroon lamang upang masaksihan ang bawat kaganapan, ang mga k...