"What the heck?!" malakas kong usal. Hindi ko alam kung magugulat ba muna ako o magagalit dahil ang ingay nila o magtataka dahil nandito rin sila o matutuwa dahil may kasama na ako o matatakot dahil baka malaman ko na walang paraan upang bumalik. Ewan! Hindi ko na alam!
Sabay na lumingon sa akin ang kaninang nagbabangayan.
"Rio?!"
"RIO!!"
Niyakap nila ako nang mahigpit na para bang gusto talaga nila ako sakalin. Kahit ako ay napayakap na rin oabalik dahil sa galak na aking nadarama."Sandali! Hindi ako makahinga."
"Lazaro! Aguirre! Hinaan niyo ang inyong tinig. Nakagagambala na kayo sa pagpupulong. Kanina pa ako labas-masok upang kayo'y paalalahanan. Ilang ulit ko ba kayong kailangang pagsabihan bago-" Napatigil siya sa pagsasalita nang magtagpo ang aming mga mata. Maging ako ay hindi maintindihan kung bakit tila napaka-nostalhiko ng aking pakiramdam nang masilayan ang ginoong papalabas ng pinto. O baka dahil narito ang aking mga kaibigan mula sa modernong panahon kaya siguro ganoon ang aking nararamdaman.
"Sungit naman," sabay na pakli nila Sam at Jm saka kumalas na sa pagkakayakap.
"Sino siya?" bulong ko sa kanila. Napatingin ulit ako sa lalaki kanina nang marinig ko siyang tumikhim. "Kaibigan niyo ba ang binibini?" tanong niya sa dalawa.
"Bakit? Interesado ka?" pang-aasar ni Jm.
"Bawal! Akin lang si Rio," saad ni Sam at muli akong niyakap.
"Shh!" sinita ko sila at binulungan, "Paulina Ramirez pangalan ko sa panahong ito."
Ipinagsawalang-bahala ng lalaki ang tukso nitong mga kaibigan ko. Bumaling siya sa akin at halata ang pagkairita at ang pagsusumamo sa kaniyang mukha. "Binibini, paumanhin sa aking ipinakitang asal. Kung maaari ay manghihingi ako ng pabor sa iyo. Maaari mo kayang mailayo itong dalawang aso mula sa lugar na ito sapagkat kanina pa nakagugulo ang likha nilang ingay."
"Ayos lang naman po, ginoo."
"Sungit talaga ni tanda," wika ni Sam.
"Kaya nga, ganiyan talaga kapag walang katalik," pangangantiyaw rin ni Jm at sabay silang bumungisngis.
"Hoy bunganga niyo!" paninita ko at parehong tinampal-tampal ang kanilang labi. Napatindig kami nang marinig ang pagbagsak ng pinto.
"Grabe, ang bastos niyo naman. Nagalit tuloy si Kuya. Sino ba 'yon?" tanong ko.
"Hayaan mo siya, 'di na mahalaga 'yon. More importantly, ano kwento mo 'teh?" pagtataray ni Sam sa kaninang lalaki at halos umikot pa ang mata.
"Teka, saan pupunta si Jm?" Napansin ko kasi na naglalakad siya papunta sa kaliwa.
"Ghost hunting sa gubat, aratz!" Hindi na siya ngahintay sa sagot namin at dali-daling kumaripas.
"Saglit! Huwag ka humiwalay," natataranta kong sambit at hinabol na siya, kasunod ko naman si Sam.
"Wait, let's speak in English."
"Ayoko nga, bakit muna?" Huminto si Jm haang nag-aabang sa sagot ko.
"You're so KJ talaga Jm like, oh gosh why you so panira mood? Ho ho," pang-aasar ni Sam at umarte pang ginagaya ang isang tanyag na personalidad.
"Geh Sam conyo pa, konyatan kita eh."
"JM, coitus meaning ng konyat," paninita ko sa kanya.
"Weh?!" Sabay silang napalingon nang sabihin ko ang totoong kahulugan ng salitang iyon.
"Anyways Sam, Jm, I asked you to speak in English because someone's listening to us."
Nanlaki ang mata ng babae at tinanong ako, "Eh? Dare desu ka?"
BINABASA MO ANG
Sa Harap ng Pulang Bandila
Ficción histórica#1 in HISTORICAL FICTION 11/02/20 March 25 2019 - on going Isang pangkaraniwang estudyante na namuhay sa nakaraan. Babaeng nagmula sa kasalukuyan ang napadpad sa yugto ng himagsikan. Naroon lamang upang masaksihan ang bawat kaganapan, ang mga k...