Episode 3

4.6K 161 11
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-

Rose Perez on the picture💕

-

Reign's POV
8:30PM // Reign's House

Nandito na ko sa kwarto ko at kakatapos ko lang gumawa ng assignment sa English12. Grabe medyo dugo-dugo ang mga tanong pero laban lang.

Nakahiga na ko ngayon at nagpapaantok na lang ako. Nagp-phone lang ako. Facebook. Twitter. Instagram. Ganern. Habang nags-scroll ako sa Twitter, may nag pop sa notification.

Facebook:
👤+ Mik Rod added you on Facebook.

"Huh? Mik Rod? Sino ka?" wika ko sa sarili ko. Tinap ko yun at automatic na nagpunta ito sa Facebook.

Medyo matagal ang pagloading ng pic ha. Pero nakaload na yung info. Kaya chineck ko yung mga friends.

At laking gulat ko na Mutual Friends ng mga kaklase ko at si Kuya Arceo. Hmmm?

Binalik ko sa taas at nagulat ako na si Sir Mikko pala ito. HAHAHAHAHA Ang jeje kasi ng pangalan. HAHAHAHA

Inaccept ko na lang ito dahil teacher ko naman siya at baka may mga announcements ito at imessage ako/kami.

Pagka-accept ko sa kanya, ay stinalk ko ito. At nakita ko sa album niya na magkaibigan na talaga sila ni Kuya Arceo matagal na.

At nakita ko rin ang mga profile pictures nito at kitang kita naman sa picture ang hilig niya sa pagluluto at ang kagwapuhan niya siyempre.

(A/N : Malandi ka nanaman Reign)

At habang nags-swipe ako sa mga pics niya, aksidente kong nalike ang picture niya. At yung pic na yun ay nasa Gym pa JuskoPoRudeeeee!!!!

"Taragis!!!!" at in-unlike ko ang picture niya. Jusko kinabahan ako mga Dzong-Dzai!!

Inexit ko na lang ito sa FB at pinatay na ang phone ko.

Nasa State of Shock pa rin ako sa nagawa ko. Kasi naman eh!! Paano kung onl-- *TING*

Oh my gosh! May nagmessage!! takte!! agad kong binuksan ang phone ko at nakita ko ang Chat Head sa phone ko...

"SI S-SIR MIKKOOOO?!?!?!?!" -Ako

Pumunta ako sa Messenger na mismong app muna para tignan ko ang message niya.

                           Messenger
Mik Rod

Stalk pa. HAHAHAHAHA

J

usko po!! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Online pala siya HUHUHUHU ayoko na!! Sirang sira na ang reputasyon ko.

Di ko na siya nireplyan at pinatay ko na ang phone ko at WiFi ng phone ko para wala na magno-notify.

Pinikit ko na ang mata ko at natulog akong may kahihiyan HUHUHUHUHU.

Kinabukasan...

Finally FRIDAY na ngayon at kasalukuyang nagaayos ako aking sarili para pumasok. Pagkatapos ko ay lumabas na ako sa kwarto ko.

Inaantay ko na lang din si Rose dumaan sa bahay namin dahil sabay kaming papasok ngayon. Kasalukuyang  6:30 pa lang kaya kumain muna ako ng tinapay.

Nagtataka ako dahil wala si Kuya. Di pa gising. Nakita ko naman si Lola na nakabihis pang Zumba.

"Bunso, magzu-zumba lang kami ni Tess ha? Yung Kuya mo tulog pa kaya mauna ka na. Baka di rin pumasok yan ngayon." -Lola

My Teacher Sweet Lover (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon