Episode 19

2.3K 99 2
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-

Reign's POV
Grabe ang saya ng binyag ni Baby Achilles. Kakatapos lang namin kumain at nagkakantahan na sila Zenaida.

Sila Ate Jamie, Ate Ann, at Ate Nikki naman ay naguusap sa kabilang table. Kami naman ni Allen ay nagbabantay kay Baby Achilles.

Andami ngang chika ni Allen sakin. Kinwento niya ang insidenteng nangyari kaya nabuo si Baby Achilles.

"Alam mo? Napakswerte ko dito kay Baby Achilles? Ewan ko kung bakit eh. Basta siya nagdala ng kasiyahan sa buhay ko. Dinagdagan pa niya." -Allen

"Swerte talaga 'tong si Achilles noh? At tsaka wag ka ngang mahiyang ipakilala samin si Baby Achi. Naalala ko nung una ulit nating pagkikita. Kaya late mo na sinabi sakin si Baby Achilles." -Ako

"Hehe sorry.. kasi napangunahan ako ng kaba. Baka majudge niyo ko eh. Lalo na't nag-aaral pa kami ni Nikki. Tas may baby na kami." -Allen

"Jusko naman Allen! Mukha ba kong judger? Grabe ha? Haha. At tsaka Expect the Unexpected nga diba? Support lang naman ako sayo eh." -Ako

"Salamat ha? Wag kang mag-alala, kapag may problema ka, nandito kami nila Nikki na susuporta din sayo." Niyakap ako ni Allen at gumanti rin ako. Napakaswerte ni Baby Achi at Ate Nikki kay Allen. Grabe.

Mikko's POV
Nandito kami sa parang isang venue ni Angela. Nagpasama siya sakin dahil may pupuntahan daw siya.

Bumaba na kami, at dala ko ang binili naming gift para sa baby. Binyag daw kasi ng anak ng kaibigan niya eh.

Kaya pumasok kami. At laking gulat ko nandun sila Reign. Magkayakap sila Allen at Reign nung oras na yun.

Nang matapos silang mag-akapan, ay nakita nila kami maski sila Jamie at mga kaibigan ni Reign. Parang nagtataka ba sila na nandito kami.

"C-congratulations, Nikki!" Lumapit si Angela at niyakap si Nikki. Pero si Nikki ay nagtataka kung bat nandito si Angela.

Parang nakakaramdam ako ng mali. Invited ba tong si Angela? Parang nagtataka talaga ang mga tao dito eh.

Niyakap niya rin si Jamie pero pinglas agad ni Jamie ang kamay nito. At dun naman nagulat si Angela.

"Jamie? Grabe ka... didn't you miss me?" -Angela

"At ang kapal ng mukha mong itanong sakin yan, huh? You want an answer?" -Jamie

"Yes :)" -Angela

"NOPE. I don't miss you. At tsaka i don't miss a person who is so-called 'kabit' ng bayan" -Jamie

"Wow! And you still believe na ako pa rin ang sumira sa relasyon ng pinsan mo pati si Mark? How stupid you are, Jamie?" Nakita kong pinadala ni Allen sa Mama niya ang baby niya ata yun.

"Eh nakita nga namin diba? Nasa condo kayo nak---" -Nikki

"Di ako yun okay!? Baka ka body --figure ko lang yun. Okay?!" -Angela

Di ko alam kung san ako kakampi sa oras na to. Parang totoo ang sinasabi nila tungkol kay Angela.

"Di nga ikaw. Pero we tried to call you, nagring ang phone mo sa bed but you did'nt pick up kasi tulog ka!!" -Jamie

Kinakabahan si Angela sa mga paratang sa kanya ni Jamie. At si Jamie kita mo sa kanya na galit siya.

Nagulat ako nang tumakbo si Angela sakin. At nararamdaman kong takot na siya sa pangyayari.

"Can you please stop blaming me? At tsaka di naman talaga ako ang kabit eh. Alam niyo ba kung sino ang kabit? ITO!" At tinuro niya si Reign na ikinagulat ko. At pati si Reign nagulat na nanonood lang sa gilid.

My Teacher Sweet Lover (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon