This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
Mikko's POV
Masyadong marami ang gawain ngayon dahil sa paparating na party namin ni Angela dito bago ikasal sa America.
Hindi naman gan'to karami ang mangyayari kung di kami sa ibang bansa magpapakasal eh. Pero nanjan na kaya ano pa ba ang magagawa ko.
Nandito kami ngayon ni Angela sa ospital at pinapacheck-up namin ang kondisyon ni Baby. Baby Girl ang dala ni Angela ngayon.
"Mr. Rodriguez, malapit nang manganak si misis. Kaya dapat maging ready na kayo anytime. And the —" Hindi ba parang sobrang bilis naman ng development ni Baby?
Parang nung nakaraang buwan lang umamin sakin si Angela na buntis ha? Baka siguro na-late lang sakin sinabi dahil siguro, akala niya hindi ako maniniwala.
Nung una, oo. Di ako naniwala. Pero nang makita ko ang DNA Test na positive, naniwala ako.
"Okay po ba Mr. Rodriguez? Bumalik na ko sa wisyo ng banggitin ng doktor ang apelyido ko.
"Ahm.. yes po, Doc." -Ako
"Bawal ma-stress si Misis ha? At tsaka maging handa na always." Tumango ako kay Doc at lumabas muna ako saglit ng kwarto at aantayin matapos ang usapan ni Dok at Angela.
Nakaupo ako sa labas at walang magawa. Kapag gan'tong oras, sanay akong makipagusap sa mga co-teachers at nagchecheck ng activities.
At habang nasa gitna ako ng kawalan, bigla akong nabalik sa wisyo nang may dumaan na lalaking naka-pula sa harap ko at patungo sa kwarto.
Parang namumukhaan ko nga ang lalaki eh. Pero binalewala ko yun. Tumigil ito sa pintuan at may nilagay na papel sa lapag ng tapat ng pintuan.
At bago ito umalis ay nagtext at biglang umalis ng para bang kabayo kung makagalaw. Oh diba? Sa sobrang boring dito sa ospital, pati ibang tao pinapakielaman ko na?
At maya-maya ay tinawag na ko ni Doc dahil tapos na ang test ni Angela na ginawa.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Reign's POV
"Mabuti naman at nagising ka na, Kianna. Alam namin masakit ang mahiwalayan. Pero wag naman yung ganon." Nandito na kami sa ospital at kausap namin si Kianna ngayon.
"Hehe. Sorry pinag-alala ko pa kayo. Pero thank you din dahil nanjan kayo at binibisita niyo ko. Mga ate at kuya ko. Hehe" Naging malapit na rin si Kianna samin lalo na sakin dahil siya lang ang close ko nung outing ng school.
At habang nagkakatuwaan kami dito, ay may nagtext sa phone ko at agad ko ito tinignan.
Labas ka jan sa pintuan ng kwarto.
Sender : 0917+++++++
Siya nanaman?! Ano ba kailangan nito sa'kin? Agad akong lumabas at pagkatapak ko sa lapag ay naramdaman ko ang papel kaya kinuha ko ito.
Pagkabukas ko ay agad ko itong binasa. At habang binabasa ko ito ay mas lalong dumagdag ito sa mga pinagsasabi niya.
Sa biyernes, susunduin kita ha? Maghanda ka ng maaga. Wag mo kong bibiguin!
BINABASA MO ANG
My Teacher Sweet Lover (BxB)
FanfictionSabi ng iba, normal lang daw ang magka-crush ng isang teacher. Pero paano kung ang nararamdaman mong crush ay nag level-up? Aamin ka ba dahil gusto mong magpaka-totoo o hahayaan mo na lang kasi bawal? Basahin ang kwento ni Reign at ang kanyang High...