Episode 34

2.6K 89 1
                                    

Author's Note :
Hello guys! This chapter will be the last chapter before the 'Sweet Finale'!! Di ko inexpect na matatapos ko ito! Marami na kong nireject na gawa ko at ito lang ang tumagal! Thank you sa 700+ na nagbasa. Silent reader ka man or hindi, thank you!!

.
.
.

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-

Mikko's POV
"S—Sir Mikko! Napadaan p..o kayo?" Napangiti lang ako dahil nauutal utal si Reign. Hay nako Reign! Nakakamiss kang kasama.

"Napadaan ako dahil iaabot ko lang yung invitations niyo para sa Friday. Sana makapunta kayo. Lalo ka na?" Tinignan niya ko at tsaka kinuha ang invitations.

"Makakaasa ka po sir." At nang marinig ko yun ay para bang sumigla ang mood ko.

Na-miss ko talaga tong si Reign. Ilang buwan kaming di nagsama gumala, kumain, at nagusap tungkol sa mga bagay-bagay.

"Aasa ako ha? Baka di ka naman pumunta..." pagkasabi ko nun, ay natawa si Reign

"Haha— Hello? Sir??? Ako ba eh may di tinupad sa mga usapan natin? Wala naman diba? So chill ka lang..." Medyo natamaan ako dun pero okay na rin sakin yung ganto. Kasi sa ganyang paraan ko nakikita si Reign bilang si Reign na nakasama ko noon.

Si Reign na sinamahan ako sa brokenhearted days ko, Si Reign na umiintindi sakin kahit na ako ang nakakatanda, Si Reign na gagawin ang lahat para sa kaibigan niya.

"O siya, sir. Mauna na po ako. At ma--" -Reign

"Wait lang!" At nabigla siya dahil sumigaw ako. Kasi nabitin pa ko sa usapan namin eh. Nabitin ako dahil na-miss ko siya.

"Ano po yun, Sir?" -Reign

"Ahmm... pwede na ba natin pag-usapan yung kung ano ang meron satin?" Nakatitig lang sakin si Reign at hindi alam ang gagawin. Maski ako. Kinabahan din ako.

Bumuntong-hininga si Reign at tsaka nagsalita. "Sir, sa totoo lang, mas naging okay na ang situation natin yung ganun na lang tayo eh. Akam mo yun?" Pinakita niya yung daliri niyang magkadikit pero pinaghiwalay niya ng medyo malayo. In short, distansya ang kailangan at dapat samin.

"At tsaka gusto kong maging masaya ka na lang sir. May anak ka na at asawa. Ikakasal ka na sa Ibang bansa." -Reign

"Anong kinalaman ng pagkakaibigan natin dun?" At dun ulit nanahimik si Reign.

"Ang point ko lang naman dun sir is, may sarili ka nang mundo. Si Angela sir! Siya na ang bestfriend mo. Kung dati, ako ang nasasabihan mo ng problema, ngayon siya na. Kapag bored ka, si Angela at si Baby ang sasama sayo. Ganun lang yun. At tsaka isa pa po sir, alam mo namang may alitan kami ni Angela eh. Kaya mas maayos kung didistansya na lang ako." -Reign

"So ibabale-wala mo na lang yung mga pinagsamahan natin?" Nalungkot ako sa sinabi niya. Akala ko magiging maayos ang pagsasamahan namin.

"Hindi sa ganun sir! Distansya lang. At tsaka may limitations lang. Pero we are still friends! Kasi yun yung kailangan natin ngayon sir." -Reign

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil sobrang nalungkot ako na hindi na talaga maibabalik ang dati.

"Sir, mas okay na rin yung distansya tayo. Dahil napapagod na ko sa mga nangyayari sa buhay ko." Tinignan ako ni Reign na para bang bigat na bigat ang loob.

Hindi ko masisisi si Reign. Simula nung naging matalik na kaibigan kami, nasasangkot na siya sa kung ano-ano.

"At tsaka sir, pagbigyan niyo naman ako kahit isang beses lang... kahit isang beses lang." Yumuko ako dahil ayokong nakikita si Reign na naluluha o naiiyak.

My Teacher Sweet Lover (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon