Author's Note:
Im back guys! Grabe yung mga pangyayari sakin nung May 17-19 jusme! I've experienced a minor accident. Pauwi na kami at suddenly bumangga ang tricycle na sinasakyan namin ng friend ko. But we are fine and better na hehe. So here's the new episode! Enjoy❤ Episode 22-23 ang iuupdate ko today!!This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-Few weeks later...
Reign's POV
Nandito ako sa kwarto ng aking bagong tinitirhan. Isang buwan na kong hindi nagpapakita sa mga kaibigan ko at kay Kuya Mikko.Nandito ako sa kwarto at iniisip kung paano ko ipapamukha ang lahat ng baho nitong Angela na ito. Dahil nalaman ko nga na binayaran ni Angela ang ospital na pinag DNA test niya para maging positive lang ang anak nila ni Mikko.
Si Vince daw ang pinagutusan nito. Yung araw na kinuha ko si Vince, ay yun din ang araw na yun na inutusan siya ni Angela. Yung ospital pala ang kausap niya nang kidnapin ko siya.
Weeks later, nakuha na ni Vince ang dalawang copy dahil yung isa ay totoong resulta at yung isa ay para kay Angela.
Nasakin ang totoong resulta nung DNA test at ito ang panlaban ko sa hayop na yun. Alam kong di talaga mahal ni Kuya Mikko si Angela. Napipilitan lang ito dahil pag umayaw ito kay Angela, baka kung ano pang gawin niya sa trabaho ni Kuya Mikko.
Habang nagmumuni-muni ako dito, may tumawag sa phone ko. At pagkatingin ko, si Allen ito.
"Hello? Allen?" -Ako
"Uy, Reign! Ako nga! Antayin mo kami jan sa bahay niyo ha? Parating na kami ni Nikki." Ha?! Parating? Bat? Anmeron?!?!
"Ha?! Anmeron?! At tsaka wala ako sa bahay." -Ako
"Di mo alam?! Diyan ka nakatira malapit kila Mikko. May celebration daw sila Mikko at Angela. Dahil sa January daw, ikakasal na sila. Dahil nga may anak na sila. At pupunta kami sa bahay niyo para magpalipas oras dahil medyo maaga pa." At dun ako medyo nautal. So dahil sa buntis na si Angela, kasalan na pala ang tuloy.
"S--sige. Punta lang kayo dun. Nandun naman sila Ate Jamie eh" -Ako
"Eh ikaw? Pupunta ka ba? At tsaka nasan ka ba?" -Allen
Iniisip ko rin kung pupunta ako or hindi eh. Nahihiya pa rin ako eh. Lalo na sa mga kaibigan ko.
At tsaka, baka masaktan lang ako HAHAHAHA. Hello?!?! Kahit alam ko ang totoong resulta ng DNA, medyo masakit pa rin yung makita silang dalawa na nagc-celebrate dahil ikakasal na sila.
Mikko's POV
Flashback
"Mikko, The results just came in." Tumayo ako sa upuan ko at tumabi ako kay Angela para tignan ang resulta.Pagkabukas niya, agad kong tinignan ang final result. At medyo naano ako dahil POSITIVE ang lumabas. Ibig sabihin, anak ko ang dinadala niya.
Medyo natahimik ako dahil di ko akalain na magiging tatay na ko. Masaya ako dahil magkakaanak na ko. Pero masaya nga ba ko sa piling niya?
Pagkatapos malaman ng result, pumunta kami sa bahay nila para ipaalam sa pamilya ni Angela na ako ang tatay ng anak na dinadala niya.
Nang makarating kami dun, sinabi agad ni Angela ito at natuwa naman ang mga magulang niya. Pero ako hindi natuwa sa sunod na sinabi.
Pagkapanganak daw sa anak namin, ikakasal na kami. Kaya iuuna na daw ang party muna at icelebrate daw namin ito.
Kasal agad?! Ganun na ba kasiraulo ang mga magulang nito ni Angela? Di ba pwedeng hinay-hinay lang?!
BINABASA MO ANG
My Teacher Sweet Lover (BxB)
FanfictionSabi ng iba, normal lang daw ang magka-crush ng isang teacher. Pero paano kung ang nararamdaman mong crush ay nag level-up? Aamin ka ba dahil gusto mong magpaka-totoo o hahayaan mo na lang kasi bawal? Basahin ang kwento ni Reign at ang kanyang High...