Author's Note:
Sa lahat ng sumabaybay ng story ko maraming-maraming salamat po sa inyo! Sa tumangkilik kay MIKKO at kay REIGN. Sa sumabay sa kabaliwan ni ZENAIDA at ROSE. Sa mga nagalit kay ANGELA at VINCE. Salamat po! Sana sa susunod ko pong istoryo eh, subaybayan niyo rin po.This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-The Day before Mikko and Angela's
Flight (Party)Reign's POV
Nasa eskwelahan kami ngayon at breaktime namin at kasama ko sila Rose, Zenaida, Louise, Ridge, Kianna, at si Gee.Ngayon lang nagparamdam samin si Gee dahil naging busy ito sa mga schoolworks.
Nandito kami sa canteen at pinaguusapan ang aking letter na natanggap.
Hindi kasi nila alam na nagtake ako ng online scholarship sa isang teacher's school sa U.K. Last November ko tinake yun at nawala na rin sa isip ko yun dahil sa mga ganap na nangyari sakin.
Hindi ko nga alam na papasa ako dun dahil nahirapan din ako sa mga question na binigay. At hindi lang siya basta sagot ang ibibigay, essay form pa dzai!
"So itetake mo ba yung opportunity na yun?" Malungkot na tanong sakin ni Rose.
Sa totoo lang, gustong-gusto kong i-take yung opportunity na yun dahil gusto kong makapag-aral dun. Eh kaso naalala ko ang promise namin ni Rose na sabay kaming gagraduate at magtuturo sa isamg school.
"Siguro... kasi dream school ko yun eh. At tsaka di ko rin inexpect na makakapasa ako dun." -Ako
"Sabi nga nila... Expect the unexpected diba?". Sa bagay, tama nga naman si Gee dahil hindi rin namin mapepredict ang pamgyayari.
"Eh teka nga— diba nung pinupush kita jan sa school na yan, sabi mo nakakatakot mapag-isa sa ibang bansa kaya ayaw mo rin itake yun?" Oo. Totoo yung sinabi ni Rose.
Hindi pa kasi ako sanay na mawalay kay Kuya Arceo at kay Lola. Pero simula nung nasanay na ko na mapagisa. Dun na rin tumatag loob ko.
"Basta, dzong ha? Wag mo kaming kakalimutan. Mamimiss ka namin!" Ang drama naman nito! Niyakap nila ako at ako ay nagpayakap na lang.
Napakaswerte ko talaga sa mga kaibigan ko. Di lang nila ako pinasaya, sinamahan pa nila ako sa laban na aking hinaharap.
Masaya ako dahil nirerespeto nila ang desisyon ko kaya sobrang nagpapasalamat ako sa kanila.
Third Person View
Nasa bahay ni Angela si Mikko at naghahanda na ang mga tao dun dahil ngayong gabi na ang Pre Wedding Party bago lumipad ng Amerika si Mikko at Angela.Hinahanda na ni Mikko ang kanyang susuotin mamaya habang si Angela naman ay inaayusan na ng kanyang H&MUA.
Habang ang Lola ni Mikko ay inaayusan na rin ganun din ang Mama ni Angela.
.
.
.
.
.
.
.Sa isang bakanteng lote, nandun si Vince kausap ang pamilyar na mukha dito sa storya. Si Jose at Gab na naging pariwara na simula nang malayo kay Gee at sumama kay Angela dahil sa pera.
BINABASA MO ANG
My Teacher Sweet Lover (BxB)
FanfictionSabi ng iba, normal lang daw ang magka-crush ng isang teacher. Pero paano kung ang nararamdaman mong crush ay nag level-up? Aamin ka ba dahil gusto mong magpaka-totoo o hahayaan mo na lang kasi bawal? Basahin ang kwento ni Reign at ang kanyang High...