This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-Reign's POV
Nandito ako sa kwarto ngayon at sila ay kumakain na. Ayokong sumabay dahil di talaga ako makapaniwala sa sinasabi ni Justine...Flashback...
"Justine!? Magkapatid tayo! Kaya p—" -Ako
"Hindi tayo magkapatid, Reign! Di naman ako niluwal ni Nanay eh. Ikaw ang tunay niyang anak. Bago lang niya kaming pamilya!" Hindi ako makasagot dun dahil narealize ko na, oo di pala kami magkapatid talaga.
"Pero imposibleng pumatol ka sa katulad ko. Gwapo ka. Mabait. At straight ka pa sa tubong bakal na sobrang hirap palambutin." -Ako
"Oo. Lalaking-lalaki ako. Sayo lang naman ako ganto eh. Ewan ko nga ba bat ako nagkaganto? Kaya nga naiinis ako kay Mikko eh. Ang sweet mo kahit ang sungit mo. Tapos matulungin pa. Pero di ka pa rin nagustuhan." -Justine
"Pero Justine..." -Ako
"Ay—Bat nga pa ako umamin sayo, eh yung Mikko pala ang gusto mo. Sayang, napahiya lang ako..." -Justine
"Justine! Teka—" at di na ko pinansin ni Justine simula nung oras na yun hanggang ngayon kaya di na ko sumali sa hapunan nila.
End of flashback.
Nagdesisyon akong lumabas ng kwarto at magpahangin sa labas. Paglabas ko sa kwarto, inaya ako ni Mama kumain. Pero tumanggi ako at lumabas na muna.
Papunta pa lang ako sa gate biglang kay kumatok, kaya ako na rin ang bubukas nun. At laking-gulat ko...
"IKAY?! RIDGE?!" -Ako
"REIGN?!" -Ridge & IkayBat sila magkasama? Oh my gosh! Hindi kaya...
"Dito ka pala nakatira?" -Ridge
"Oo. Pansamantala. Diba nga, kwento ko sayo. Hindi ako taga-dito." Aba! Mukhang may nabingwit si Ridge na dayuhan dito? HAHAHAHA
Kahit boyish ang bruha, maganda 'to, wag kayong aano-ano dito! Baga matalbugan lang ang beauty niyo dito.
"Ahh— teka nga! Sino si Ikay na sinigaw mo, Reign?" Huh?! Hindi niya kilala si Ikay?! Nagbago nanaman ng pangalan ang bruhang ito.
"Sino si Ikay? Ayan oh!" At tinuro ko si Ikay at si Ikay ay natawa na lang ay si Ridge naman ay nagtaka.
"Palayaw ko yung Ikay. Irene talaga pangalan ko hehe.." at tumingin ng masama si Ikay sakin HAHAHAHA
"Ang cute nga ng Ikay eh."-Ridge. At kinilig si Ikay at kitang-kita naman sa ekspresyon niya jusko.
"Alam niyo? Samahan niyo na lang ako. Libre ko. At tsaka kwento niyo kung paano kayo nagkita." -Ako
"Sige— pero di ba tayo hahanapin ni Tita Ruth? Gabi na eh." -Ikay
"Hindi yan. Malapit lang naman yung kainan dito eh. Kaya tara na." Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kainan at for sure, mahabang kwentuhan to.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-Nandito na kaming tatlo sa paborito kong tapsilugan kasama si Ikay at Ridge nga. Dumating na ang order namin kaya nagsimula na kaming kumain.
"So kwento mo na kung paano kayo nagkita." -Ako
"Okay ganto kasi yan. Naaalala mo yung sinabi ko sayo? Yung araw na bago ka umalis sa barrio?" -Ikay
"Oo. Yung gusto mo si Justine dati?" -Ako
BINABASA MO ANG
My Teacher Sweet Lover (BxB)
FanfictionSabi ng iba, normal lang daw ang magka-crush ng isang teacher. Pero paano kung ang nararamdaman mong crush ay nag level-up? Aamin ka ba dahil gusto mong magpaka-totoo o hahayaan mo na lang kasi bawal? Basahin ang kwento ni Reign at ang kanyang High...