This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-Third Person View
(Sabado ng Umaga matapos ang party ni Mikko at Angela)Isang araw makalipas matapos ang party at di pa rin nahahanap si Reign. Nasa bahay nila Reign sila Arceo, Jamie, Rose, Zenaida, Vince, Ridge, Ann, at Gee.
Nauna na sila Allen at Nikki nung gabi pa dahil sa anak nilang si Achilles. Si Kianna naman ay sinundo ang girlfriend niya kagabi.
"Sana ligtas si Reign, panginoon..." hindi pa rin tumitigil sa pagiyak si Lola Marie dahil sa nangyari kay Reign.
"Lola, magpahinga na po muna kayo. Wala na kayong maayos na tulog. Kayo rin. Dun muna kayo matulog ss kwarto ni Reign para mamayang hapon maghahanap tayo." -Arceo
Sinamahan nila Rose si Lola Marie sa kwarto ni Lola Marie para makatulog na ito.
Si Arceo ay nalulungkot pa rin dahil sa pagkawala ng kanyang kapatid. Kaya si Jamie ay niyakap ito at tuluyang naiyak na si Arceo.
"Babe, nasa ligtas yang si bunso. Wag ka na umiyak." -Jamie
"Hindi ko man lang naprotektahan ang bunso ko eh... kaya naiinis ako sa sarili ko." Ang emosyonal na saad ni Arceo kay Jamie.
Hinagod nito ang likod ni Arceo dahil di pa rin tumitigil sa pagluha si Arceo. Kita talaga natin sa emosyon ni Arceo na sobrang lapit niya talaga kay Reign.
-----------
"Hmmmm..." Medyo gumagalaw na si Reign pero masakit pa rin ang ulo nito. Pumasok si Justine sa kwarto na tinutulugan ni Reign.
At nakita ni Justine na gumalaw na si Reign at nagising na ito kahit papano, kaya sumigaw ito ng malakas.
"MAMA!! PAPA!! NAGISING NA SI BUNSO!!" At nagulat naman si Reign sa sigaw at mas nagulat pa ito nang makita niya si Justine na nakahubad ang itaas.
"S--Sino ka?! Nasaan ako?!" -Reign
At agad naman pumasok si Nanay Ruth at Tatay Naldo at agad lumapit si Nanay Ruth kay Reign.
"M--Mama?!" -Reign
"Anak! Gising ka na" maluhang sinabi ni Nanay Ruth kay Reign. Di rin makapaniwala si Reign na kasama na niya ang nanay niya muli.
"Ayos ka lang ba?! Wala bang masakit sayo?!" -Nanay Ruth
"Mama, im okay na medyo. At tsaka wag niyo na pong itanong kung bat ako naganun kahapon kung san niyo man po ako nakita." -Reign
Niyakap ni Nanay Ruth si Reign ng mahigpit dahil namiss niya ito ng sobra. Kumalas si Reign sa akap at ipinakilala naman ni Nanay Ruth si Reign sa bagong pamilya nito.
"Ah mga pala, Bunso. Si Tatay Naldo. Bago kong asawa. At si Justine, anak ni Naldo." -Nanay Ruth
"Hello po, Tatay Naldo. Magandang umaga po :)" -Reign
"Magandang umaga din sayo. Sana nakapagpahinga ka ng maayos dito. Tara kumain na tayo. Naluto naman na yung almusal eh." -Tatay Naldo.
Ngumiti lang si Reign at biglang umubo ng peke itong si Justine at nakuha niya ang atensyon ni Reign, Nanay Ruth, at Tatay Naldo.
"Wala man lang bang good morning sakin? Bunso?" At dun nagulat si Reign dahil sa tawag ni Justine sa kanya.
"WOI! Si Kuya lang ang tatawag saking bunso! Kaya stop calling me BUNSO! At isa pa! Walang Good sa morning lalo na sayo! Sumigaw ka pa naman ba dito habang naalipungatan ako.." -Reign
BINABASA MO ANG
My Teacher Sweet Lover (BxB)
FanfictionSabi ng iba, normal lang daw ang magka-crush ng isang teacher. Pero paano kung ang nararamdaman mong crush ay nag level-up? Aamin ka ba dahil gusto mong magpaka-totoo o hahayaan mo na lang kasi bawal? Basahin ang kwento ni Reign at ang kanyang High...