Episode 18

2.3K 91 2
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-

Reign's POV

Nasa labas ako ng Directress' Office at inaantay ko na lang si Ate Ann. Kinakausap kasi siya ni Ms. Cruz eh.

Si Ate Ann ang tinawag ko dahil ayokong umabot ito kay Kuya Arceo or kay Lola. For sure, galit na galit ito sakin.

At habang nagaantay ako dun, dumating si Sir Mikko at di ako pinansin at pumasok ito sa Directress' Office.

So feel ko, kasalanan ko nanaman ang insidenteng ito. Nakatulala lang ako sa labas at iniinda ko pa rin ang kaba ngayon.

Mikko's POV
Nang malaman ko ang mangyari kay Angela at Reign. Agad akong pumunta sa Directress' Office.

At nang makarating ako dun, nakita ko si Reign na nagaabang sa labas ng office. Di ko ito pinansin at agad akong pumasok sa loob.

Pagkapasok ko sa loob, nagulat ako dahil nandito si Ann. Kaya kumulo nanaman ang dugo nito.

"Mr. Rodriguez. Good you're here. Tje guardian of Mr. Castro would like to talk to you. But excuse me first, I'll check Angela first." Umalis si Ms. Cruz at dun na ko sumabog kay Ann.

"Anong ginagawa mo dito!? Bat ikaw ang pumunta?!" -Ako

"Ako ang pinapunta ni Reign dito. May angal? At tsaka kausapin mo yang saltik mong girlfriend. Di na nakakatuwa. Nasuspend tuloy ng 2 araw si Reign dahil sa hayop na yan! At sa Lunes pa magsisimula. Ang galing diba?! -Ann

"Eh kasalanan din ni Reign yun. Kinalaban pa niya eh! At tsaka kung makasindak ka kay Angela akala mo kung sino kang nakakaalam ng kwento ha? Hoy! Bago ka makisali, siguraduhin mong belong ka sa usaping ito." -Ako

"Wag kang pakampante na saling-pusa lang ako sa usaping ito, Mikko. Dahil kapag sinampal ko ang lahat ng katotohanan sayo, baka lumuhod ka pa sa harapan ni Reign para humingi ng tawad sa kanya." -Ann

"Haha. Bat ako hihingi ng tawad sa kanya? Eh una sa lahat, wala akong ginawa sa kanya. At bukod pa dun, di naman na kami nagu-usap eh." -Ako

"Wow! Ang pride natin, Mikko! Grabe! Sobrang taas! Di ko ma-reach. Hoy! Gumising ka nga! Sana narerealize mo ngayon ang sitwasyon. Na iyang babae mo ang may dulot ng gulong ito. GAGO!" Kinuha ni Ann ang bag niya at naglakad patungong pintuan.

Huminto ito malapit sa pintuan at may sinasabi bago umalis.

"Sabihin mo ko kapag handa ka na malaman ang 'katotohanan' na isasampal ko sayo. Or much better, si Reign ang kausapin mo." Lumabas ito ng Directress' Office at ako'y medyo nalito sa mga sinabi ni Ann?

So all this time, alam niya ang nangyayari kay Reign? At alam niya ang lahat? Kilala ko si Ann. Kahit galit ako jan, di ko nakakalimutan ang galaw nito.

At kita ko sa mga mata niya na nagsasabi ito ng totoo o hindi. Kaya ba iniiwasan ako ni Reign simula nung outing, ay may kinalaman na dito si Angela?

Lumabas ako ng Directress' Office at kita ko si Ann at Reign naglalakad. Nakaakbay si Ann kay Reign at si Reign ay nakasandal ang ulo kay Ann.

----------------

Third Person View
Nasa rooftop si Reign, Jamie, at Ann. At kasalukuyang inaantay nila si Rose, Zenaida, Louise, Gee, at Kianna.

Naglalakad na sila Zenaida patungo kila Reign, at habang naglalakad ang mga ito, ay nakasalubong nila si Mikko.

Pero plain ang mga mood nito nang huminto si Mikko sa kanila.

My Teacher Sweet Lover (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon