This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-Reign's POV
Saturday ; 6:30 PMNandito kami ngayon sa terminal at babalik na sila Mama sa barrio. Haist! Mami-miss ko sila. Sana sa bakasyon, magtagal sila dito.
Mga 30 minutes pa bago umalis ang bus, kaya nasa labas muna sila at naguusap-usap. Habang ako naman ay nandito sa may bench at nahiwalay sa kanila dahil di na kasya.
Habang nakikinig sa kanta at nags-scroll lang ng newsfeed sa Facebook. At bigla akong nagulat dahil si Justine tumabi at nakangiti. Hmmm? Finally. Nakangiti ito bago umalis.
Simula kaninang umaga kasi di yan nakangiti eh. At tsaka dinededma lang ako. Sa side ko, oo medyo nakakalungkot. Di ako sanay na di niya ko pinapansin noh?
"Sorry ha?" Napatanggal ako ng earphones at pinaulit ko ang sinabi niya. Kahit narinig ko naman. HAHAHAHA. Mannerism ko yung ganun e.
"Sabi ko sorry. Alam kong nabigla kita kahapon. Pero trust me, totoo ako, Reign. At tsaka kung iisipin mo yung kay Ikay, wa—" -Justine.
"Okay lang. Nag-usap na rin kami ni Ikay tungkol dun. Kaya wala kang dapat ika-sorry." Natawa lang siya sa sinabi ko at medyo nagiging awkward ang aura ngayon...
Hangga't sa hinawakan ni Justine ang kamay ko at napatitig sa mga magandang mata niya at nagsalita ito.
"Wag kang matakot na tumawag sakin kapag may problema ka ha? Reign, alam kong palaban ka. Pero di sa lahat ng panahon, kaya mong lumaban mag-isa. Nandito lang ako, Reign. Gagawa ako ng paraan." Seryosong sabi sakin ni Justine.
Nakaramdam ako ng kilig dun dahil naramdaman ko sa kanya ang sincere at sweetness. Napangiti na lang ako sa kanya at niyakap ito.
"Thank you—Justine." At gumanti ito ng yakap. Hangga't sa tinawag siya nila Mama dahil aalis na ang bus.
Nagpaalam na kami sa kanila at aasa ako na babalik sila muli dito para magsama-sama kami.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.6 days before Mikko's Flight.
Monday ; 5:30 A.MM
onday na at back to school na ulit ako. Tapos na ko sa plano kong nagpagulo lang talaga ng buhay ko. Pero okay lang dahil habang nawala naman ako sa schools, na-email naman sakin ang requirements para mapasa ang month(s) na yun.
Nag-almusal na ko at kasabay ko si Kuya Arceo dahil papasok na rin ito. At si Lola naman ay maaga rin nagising, As usual. Dahil may zumba sila.
Pagka-kain ko, ay naligo na ko dahil 7:30 ang unang klase ko. Kaya agad akong umakyat pagkakain at naghanda na.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Bye Kuya!" Nandito na ko sa eskwelahan at grabe! Na-miss ko to. Pumasok na ko at patungo ako ng Office para i-submit ang requirements.
At habang naglalakad ako, may tumawag sakin. Si Mama ang tumawag sakin. Hmm? Ang aga ha?
"Hello Mama—" at hindi ko natuloy ang mga sasabihin ko nang marinig ko ang boses na pamilyar sakin.
BINABASA MO ANG
My Teacher Sweet Lover (BxB)
FanfictionSabi ng iba, normal lang daw ang magka-crush ng isang teacher. Pero paano kung ang nararamdaman mong crush ay nag level-up? Aamin ka ba dahil gusto mong magpaka-totoo o hahayaan mo na lang kasi bawal? Basahin ang kwento ni Reign at ang kanyang High...