Episode 26

2.3K 92 0
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-

Day after christmas...

Reign's POV
Ala-una ng hapon ay nakatunganga ako dahil inaantay ko ang tawag ni Vince. Ang sabi niya sakin last week ay naghahanda na si Angela at Mikko para sa kasal nila.

At siguro yun na ang oras para makita ni Kuya Mikko na mali ang pinili niyang babae. Ayokong masira ang pagmamahalan na meron sila, kung meron, pero gusto ko maging totoo ang lahat ng bagay.

At habang di pa tumatawag si Vince, ay naisipan kong batiin si Kuya Arceo ng Merry Christmas. Kaya pumunta ako kay Mama para hiramin ang phone niya.

Arceo's POV
Nanonood kami ni Jamie ng TV at maya-maya ay may tumawag sa telepono ko. Inabot ito ni Jamie at nakita ko tumatawag si Mama sakin.

"Mama! Merry Christmas po" -Ako

"Merry Christmas kuya..." at napaayos ako ng upo maski si Jamie ay nagulat sa ginawa ko.

"B---Bunso?!" -Ako

"Oo kuya! KUYAAA miss na kita!!!" -Reign

"Miss na din kita... akala ko di na kita makikita o maririnig eh... mag-ingat ka palagi ha?" -Ako

"Opo kuya. Ako pa ba! Si Ate Jamie?" Inabot ko kay Jamie ay maski siya ay gusto rin kausapin si Reign.

"Bunso! Miss na kita! Merry Christmas!" -Jamie

At nagusap sila ng medyo matagal at di ko na alam ang pinag-uusapan nila. Hangga't sa magpaalam samin si Reign at magpapakita daw siya malapit na. Panginoon, iligtas niyo po ang kapatid ko sa gagawin niya...

Third Person View
Pagkababa ni Reign ng tawag ay nakangiti ito habang nakatingin sa labas. At saktong lumabas si Justine sa kwarto niya at nakita si Reign ng ganun.

Nilapitan niya ito at tinawanan ng malakas at dun bumalik sa wisyo si Reign.

"Muntanga nakatulala HAHAHAHAHA----" -Justine

"Pake mo? Eh sa masaya ako ngayon eh. May magagawa ka ba?" -Reign

"Hmmm, wala. Eh teka! Sino ba kasi yang nagpapasaya sayo? Si Mikko noh? Hay nako! Mar---" -Justine

"FYI, Hindi po si Mikko ang dahilan. Si Kuya Arceo kasi tinawagan ko kaya ako masaya. Dahil nakausap ko na rin ang mahal kong kuya :)" -Reign

"Palusot mo, bulok. At tsaka ganyang ngiti, dahil sa kuya? Im--" -Justine

"Mas bulok ka. At tsaka oo ganto ako kasaya pag-kausap si Kuya kasi napapasaya ako ni Kuya Arceo. Di tulad ng IBA, sinisira ang araw ko at wala pang bilang sa mundo ko." -Reign

"Hmm.. sa bagay wala naman talaga akong bilang sa mundo. Ni wala pa nga akong napapatunayan kila Nanay eh. Salamat sa pagpapaalala ha?" Lumabas si Justine at si Reign naman ay sinundan si Justine.

"Uy Justine.. sorry na!!" -Reign

--------------

Hindi na alam ni Reign kung san pumupunta si Justine dahil hindi naman ito taga-dito.

"Uy! Sorry naman na eh... di ko naman sinasadya. Jus---" Napahinto si Reign dahil sa huminto rin si Justine at hinarap ito si Reign na naiirita.

"Ano ba!? Kanina ka pa sorry ng sorry?! Di ako galit sayo, okay?!?! At tsaka bat ka ba sunod ng sunod!?" -Justine

"Eh san ka ba kasi pupunta...? At tsaka akala ko lang naman galit ka..." -Reign

"Wala ka na dun kung san ako pupunta. Umuwi ka na nga!" Umalis si Justine at naiwan si Reign kung san sila nag-usap.

My Teacher Sweet Lover (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon