Episode 20

2.4K 103 4
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-

Mikko's POV
Gusto ko pang habulin si Reign kas ang bilis niya maglakad at gusto ko rin siyang bigyan ng sariling oras.

Di ko akalain sa ganung trato ko sa kanya, ay mahuhulog pala siya sakin. Oo. Aaminin ko, espesyal si Reign sakin dahil nga kapatid ang turing ko sa kanya.

Lahat ng mga sinabi niya sakin ay tumagos sa puso ko. Lalo na yung sinabi niya kaya di ko nararamdaman at napapansin dahil siya lang ang umiintindi saming dalawa.

Umuwi ako nang parang napakabigat ng pakiramdam ko. Di ko akalain na sa ganung trato ko kay Reign, ay nagiba pala ang tingin niya sakin.

Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit siya umiiwas? Dahil ayaw na niyang maramdaman ang piling na pinaparamdam ko sa kanya?

Natapos ang araw ko na may bigat, lungkot, at pagsisisi.

---------------

Reign's POV
Di ako nakatulog ng maayos dahil sa nagawa ko kay Sir Mikko. Di ko alam kung tama ba ang ginawa ko kagabi or hindi.

Basta ang alam ko, nakakaramdam na ko na iiwasan niya ko kaya okay na sakin yun dahil ayoko na ng ganto.

Yung babantaan ka ng isang tao na may power sa eskwelahan. Yung feeling na may jowa ka dahil sa taong nagbibigay ng motibo. Ayoko na ng ganun.

Naligo na ko kahit na sobrang antok ko pa. Dahil kailangan ko din pumasok dahil last day na rin ng suspension.

Pagkabihis ko, kumuha lang ako ng tinapay at umalis na. Wala akong gana kumain ng matagal kaya kumuha ako ng tinapay na lang.

-------------------

Third Person's POV
Nageencode na si Reign at ginagawa na niya ang kanyang trabaho dahil nga suspended ito. Habang gumagawa ito, nakakaramdam ito ng hilo.

Pumasok ang librarian at tinawag si Reign dahil magpapatulong.

"Reign?" -Librarian

"yes po maam..." -Reign

"Patulong naman ako maglagay ng libro sa shelves oh." Tumayo si Reign at lumapit ito sa Librarian at nagsimula na maglagay ng libro.

At habang naglalagay ng libro, nabitawan ni Reign ang libro at bumagsak ito sa sahig.

"Hala iho... TULOOONG!!" Ginigising ng Librarian si Reign pero walang malay ito. Hangga't sa dumating ang guard at binuhat si Reign papuntang Clinic.


Nasa clinic na si Reign at chineck na ito ng School Nurse at School Doctor.

"Bumaba ang dugo nito. Puyat to siguro?" -Ate Indang (School Nurse)

"Oo nga eh. Tignan mo naman ang mata. Grabe ang ano oh" -Doc Edwin (School Doctor)

Sinara ang bintana dahil natutulog pa si Reign. Lumabas ang doctor at nurse para makapagpahinga si Reign.

Nasa klase si Mikko ngayon at may sasabihin sana ito nang biglang kumatok

"I'll give you 20 min---" Di na natuloy ni Mikko ang sasabihin nang kumatok si Ate Indang.

"Sir? Ikaw po ba adviser ng section na ito?" -Indang

"Ako nga. B--Bakit?" -Mikko

"Kasi yung estudyante niyo po, nahimatay. Nasa clinic po siya ngayon." -Indang

My Teacher Sweet Lover (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon