Episode 32

2.1K 80 1
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-

4 days left...

Reign's POV
Nasa Directress' Office ako ngayon at malalaman ko kung pasado ba ang grades ko last month. And sa awa ng Diyos, pumasa naman.

Pero bago pa man ako lumabas ng office, kinamusta ako ni Ms. Cruz. Masarap kausap si Ms. Cruz sa totoo lang.

Ang usapan naman namin ay naging masaya at nakakenjoy naman kaya okay lang na magtagal dito. At tsaka ayoko pumasok sa subject ngayon. Recitation eh.

Nagpaalam na ko kay Ms. Cruz at lumabas na ko ng office. Pagkalabas ko ay patungo na ko sa room ng klase ko.

Habang patungo ako dun, nakita kong may 3 lalaki na pinapalibutan ang isang lalaki.

Sa uniform nila, Senior High School ang tatlo tas isa Junior High lang. Hay nako! Mga bully nanaman.

Ako si bida-bida, to the rescue ako sa mga inaapi. #superhero.

"Grade 8 lang yan oh! Papatulan niyo pa?" Napatingin ang tatlo sakin at tumawa.

Kakapal ng mukha ng mga to nakakainis. Kaya pinaalis ko na si 'bata' at ako humarap sa tatlo.

"Epal ka talaga noh? Bat mo pinaalis yung bata? Eh natapon niya yung pagkain namin eh. Dapat niya lang bayaran." Tinignan ko ang sahig at natapon nga ang tinapay at inumin ni koya.

"NATAPON-so di niya sinasadya. At tsaka kung bayad lang pala habol mo, bat NIYO kailangan palibutan? Itong dalawang to-" at tinuro ko ang dalawa na nasa likod niya.

"Kung makapalibot kayo sa bata akala niyo kayo yung nawalan ng pagkain. Kayo ba? Kayo ba?" At kita ko sa mukha nilang hindi na natutuwa sa inaasta ko.

Kinuha ko ang wallet at binigay ko ang 50 pesos baka umiyak na yung nawalan ng pagkain eh.

"Keep the change. Alam kong sobra yan. Pero sayo na. Ilibre mo yung 2 mong tuta." Umalis ako pero hinablot nila uniform ko. Gosh! Ang hirap kong plantsahin to eh?!

"Hoy pandak! Anong grade mo na ba at ganyan ka umasta?" Abay siraulo pala ito eh! Grade 12 na ko hinayupak tong mga to ha?

"F!Y!I! Grade 12 na ko, okay?! Kaya wag kayong ano-ano jan. Magkalevel lang tayo, okay?" At naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak sa kwelyo ko.

"Eh yun naman pala eh. Pwede natin tong banatan-" at maya-maya ay biglang may sumulpot sa likod namin.

"Tsk! Tsk! Hay nako mga estudyante dito. Akala ko nagbago na." Binitawan nila ako at sabay kaming apat lumingon sa nagsalita.

At nagulat ako na si Sir Mikko ito. Naalala ko nanaman ang una naming pagkikita. Haist... it brings back memories.

"Bumalik na nga lang kayo sa mga klase niyo bago umabot to kay Ms. Dadag. Bilis na." Agad umalis ang tatlong ulupong at ako ay inayos ko ang uniform ko at uma-

"Reign? Wait lang." Sabi nito bumalik na daw? Ngayon wait lang. Ano ba talaga??

Huminto ako at humarap sa kanya nang nakangiti. The usual kong expression kapag haharap ako sa teacher kahit walang nakakatuwa. HAHAHAHAHA

"Hindi ka ba nila sina-" okay ito nanaman si Sir Mikko. The old Sir Mikko. Concern, Caring, Sweet- tama na...

"Okay lang po ako sir. Kaya wala na po kayong dapat ika-alala pa. Una na ko sir-" akmang aalis na ko, pero biglang hinawakan ni Sir Mikko ang kamay ko. At medyo naistatwa ako dun...

My Teacher Sweet Lover (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon