This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-Reign's POV
(4 days after Batangas trip)Nandito ako sa History class namin at wala si Rose ngayon dahil nilalagnat matapos ang trip namin sa Batangas.
Kaya ito ako, nganga-- walang kausap. At ngayon yung teacher namin sa History12 ay naga-announce ng project namin. Haist! Project.
Ayon sa kanya, Trio daw bawat group ang kailangan niya. At gagawa daw kami ng 3DModel na naglalarawan ng isyu ng bansa.
"Yung mga absent sa subject ko, tatlo din naman sila, sila na lang magkagroup. The rest na present, kayo kayo ang groupings." -Maam Den
Jusko! So di ko ka group si Rose?! Anuebayaaaan. So sino makakagroup ko...
"Sakto! Ito si Reign oh! Uy tayong tatlo magkagrupo." Tinignan ko kung sino yun at utang na loob naman oh.
Si Migz at si Rafael. Ang dalawang bulakbol ng batch namin. Argh! Bat sila pa?
"Hehe... ka--kayo? Ba--bakit?" -Ako
"Ayaw mo ba? Edi s---" -Rafael
"Ay di naman sa ganun. Gusto ko magkaron ng grades kaya need ko rin ng kagroup. Basta magpart--" -Ako
"Aalis kami mamaya. Ikaw na lang mamili ng kailangan. Ito ambag oh." At inabot nila ang 400. Tag 200 sila dun.
"Ako lang bibili?!?! Andami nitong materials na to! Ako lang!?" -Ako
Di na sila kumibo at biglang nagbell, hudyat na ito ng uwian. So bilihan time na. Jusko! Andami nito ako lang mag-isa.
Naglalakad ako sa hallway, at naisipan kong tawagan si Ridge. Pero not available ito. Haist! Ako lang talaga mag-isa bibili.
Nasa labas na ko para mag abang jeep. At wala sa oras, biglang may bumusina sa likod kaya nagulat ako.
"Nakakatawa yun, sir?" -Ako
"Oo bakit? At tsaka nasa labas na tayo ng school oh. Bat sir pa din?" -Kuya Mikko
"Gusto ko eh. Bat ba?" -Ako
"Nga pala. Susunduin ka ba ng Kuya mo? Sabay na lang kita? Tar--" -Kuya Mikko
"Ah eh, hindi pa ko uuwi kuya eh. Pupunta pa ko sa Mall. Bibili ako ng materials for group project" -Ako
"Ah ganun ba? Eh pero teka. Bat ikaw lang bibili? Eh group nga diba?" -Kuya Mikko
"Aalis daw sila Migz at Rafael eh. Eh sila kagrupo ko. Nice diba?" -Ako
"Hay nako. Yun pa ang nakagrupo mo. Hahaha. Tara! Samahan na lang kita. Sakay ka na. Para makatipid ka rin sa pamasahe." -Kuya Mikko
Ngumiti na lang ako at sumakay na ko sa Motor niya at umalis na kami.
Nakahawak ako ngayon sa bewang niya at medyo nakadikit ako sa likod niya at naaamoy ko ang bango ng likod niya. Grabe! Ang bango!
"Huy! Magtira ka ng amoy sa polo ko. Inuubos mo na eh. Hahaha." Ay sh-- naramdaman ni Kuya yun? Kahiya. Juskooooooo.
Mamaya lang ay nasa parking na kami ng Mall pinaparking lang ni Kuya ang motor niya.
Nakapasok na kami sa mall at patungo kami sa Mall. Buti na lang kasama ko si Kuya Mikko ngayon. Grabe ang pasasalamat ko dito.
Habang naglalakad kami, nakita kong may tinitignan si Kuya na babae. Tinignan ko rin ito. Maganda siya, Medyo maliit, at mahaba buhok.
"Si.. si Ann nga! Hala.. Uhmm-- Reign, pasensya na. Nandito si Ann ngayon eh. Siya lang mag-isa. Samahan ko siya ha? Pasensya na talaga.." -Kuya Mikko
BINABASA MO ANG
My Teacher Sweet Lover (BxB)
FanfictionSabi ng iba, normal lang daw ang magka-crush ng isang teacher. Pero paano kung ang nararamdaman mong crush ay nag level-up? Aamin ka ba dahil gusto mong magpaka-totoo o hahayaan mo na lang kasi bawal? Basahin ang kwento ni Reign at ang kanyang High...