This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-Reign's POV
3:00 // Mall FoodcourtNasa food court kami ni Kuya Mikko at Ate Ann. Nang makita kasi namin siya, inaya niyang kausapin si Kuya Mikko...
Flashback...
"Pwede ba tayo mag-usap ng maayos, Mik?" Nakiusap si Ate Ann sa kaibigan niya na yun muna ang magcounter sa kanya.
Nang makalabas na si Ate Ann, aktong aalis na si Kuya Mikko pero hinawakan ni Ate Ann ang kamay ni Kuya Mikko
"Hayaan mo kong mag-explain oh..." -Ate Ann
Medyo na a-awkward ako sa nangyayari kaya naisipan kong umalis na lang dahil di talaga dapat ako makinig sa gan'tong usapan.
"Ate Ann? Kuya Mikko? Mauna na m---" -Ako
"HINDI. Dito ka lang sa tabi ko. Tayo ang magkasama ngayon." Medyo natakot ako sa tono ni Kuya Mikko dun.
"Oo, Reign. Wag ka na umalis. Okay lang naman din eh." -Ate Ann
End of Flashback.
Kaya nandito ako kasama nila. Kung di ako pinigilan, nasa bahay na sana ako ngayong oras na to.
"Mik, di ko intensyon na saktan ka. Humahanap lang ako ng tiyempo kung pa'no ko sasabihin sayo yung dapat kong sabihin sayo kahapon.." -Ate Ann
"At tinyempo mo pa talaga na sira araw ko? Nananadya ka ba?" -Kuya Mikko
"Di ko naman alam na sira yung araw mo nun eh. At tsaka magtiwala ka sakin. Mahal naman kita eh. Kaso hanggang kapatid lang talaga ang turing ko sayo." -Ate Ann
"Lahat naman ng niligawan ko puro kapatid lang turing sakin eh. Nakakainis." -Kuya Mikko
"Mik, Boyfriend Material ka, tandaan mo yan. Di porket inaayawan ka ng isang tao, eh susuko ka na. Sadyang di mo pa panahon." -Ate Ann
"Mabuti sana kung isang tao lang umayaw sakin eh. Andami na eh." -Kuya Mikko
Hindi nakasagot si Ate Ann sa huling sinabi ni Kuya Mikko kaya nanahimik onti.
"Mik, magalit ka sakin hanggang kelan mo gusto. Basta kung handa ka na ibalik yung closeness natin gaya nung Highschool, sabihin mo lang." -Ate Ann.
"Marami na kong kaibigan. Di na kita kailangan." Tumayo si Kuya Mikko at naiwan kami ni Ate Ann ng tameme.
Si Ate Ann naman ay medyo naluluha. I feel Ate Ann, masakit nga naman ang mareject. Na feel na niya ang ginawa niya niya Kay Kuya Mikko.
"Ate, mauna na rin po ako. Pasensya na po talaga ha?" -Ako
"Wala kang dapat ika-pasensya, Reign. Naintindihan ko si Mik. Sobrang sakit amg nagawa ko sa kanya. Dapat di ko na siya binigyan ng chance kung alam ko naman sa sarili ko na wala talaga." -Ate Ann
Tama nga naman si Ate Ann, sana di na niya binigyan ng chance mung wala talagang mangyayari.
"Reign. Bago ka umalis, sana ingatan mo si Mik. Ikaw ang nasa tabi niya ngayon. Wag mo siyang iiwan at hahayaan gumawa ng kalokohan. At tsaka ikaw ang bukambibig nun. Tiyak na importante ka sa kanya. Kaya intindihin mo muna yung mood niya. Yun lang. Pasensya at salamat." Umalis na si Ate Ann at naiwan akong nga nga.
HEP! Bat ako naiwan dito?! Kasama ko si Kuya Mikko ha?! Hala!
Kinuha ko yung isang set na binili ni Kuya Mikko kanina. At pucha! Ang bigat. Pinilit kong buhatin ang box kahit ang bigat.
BINABASA MO ANG
My Teacher Sweet Lover (BxB)
FanfictionSabi ng iba, normal lang daw ang magka-crush ng isang teacher. Pero paano kung ang nararamdaman mong crush ay nag level-up? Aamin ka ba dahil gusto mong magpaka-totoo o hahayaan mo na lang kasi bawal? Basahin ang kwento ni Reign at ang kanyang High...