Episode 8

2.8K 111 1
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-
(Ang nakaraan...)
"Bunso. May bisita tayo oh..." -Lola

"Lola, busy po ako. At sino po--" at nang makita ko ang BISITA, Medyo nawala ang pagod ko. Ewan ko ba kung bakit?

"Hello?" -Sir Mikko
-----------
Reign's POV
"Ay--- Sir! Kayo po pala. Ano po sadya niyo?" -Ako

Nakatingin lang ito sakin at di ako kinikibo. So ano kausap ko? Pipe? Ganon?

"Sir??" -Ako

"Huuuy!! Sir?" Hala! Kung nakakamatay ang titig nito, malamang, kanina pa ko nilalangaw dito.

Hangga't sa naalala ko ang usapan namin KAPAG nasa labas na kami ng campus... Haist! Daming dama.

"Ano sadya mo, KUYA?" As in inemphasize ko talaga yung Kuya kasi ang ARTE niya eh. Kainis!

"Hinahanap ko kuya mo. May itatanong lang sana sa kanya. Eh kaso sabi ni Lola wala daw siya. At ikaw lang daw. Kaya pinuntahan na lang kita." -Kuya Mikko

"Wala siya dito. Bye na kuya. Manggugulo ka lang dito. Im busy ri--" -Ako

"Tutulungan kita." Di na o nagpaumpik tumpik. Lumapit agad ito sakin at nagdikit na rin ng kung ano ano.

Nakakahiya tuloy dahil tumulong pa siya sa paggawa mg project namin. Pero mukhang nage-emjoy naman 'to.

Bakas naman sa mukha niya eh. Nakangiti oh habang ginagawa yung dikit dikit. Baliw diba?

Ako natawa na lang ako ng patago at pinagpatuloy ko na lang ang gawain ko para matapos na kami.

Makalipas ang isa't kalahating oras na paggawa ng project...

"Ayun! Natapos din. Haist! Kapagod. Salamat nga pala, Kuya ha? Nakakahiya naman..." -Ako

"Haha. Wala yun. At tsaka bumabawi rin ako sayo dahil iniwan kita sa Mall nung bibili ka ng materials." Awow. May paganon pa pala si Kuya HAHAHA.

"Wow naman! Hahaha. Kumain ka na ba? Gusto mo kain tayo?" -Ako

"Tara kainan tayo😏" -Kuya Mikko

Teka ang panget naman pakinggan yung KAINAN TAYO juskoo. Napadilat ang mata ko at siya rin.

"I mean tara kain tayo. Hehe. Treat ko na. Tara?" -Kuya Mikko *with matching kamot-batok*

Nagpaalam kami kay Lola at sumakay na ko sa motor niya at tumungo na kami sa Mcdonalds. Kaso medyo malayo to samin dahil wala namang McDo malapit sa Subdivision namin.

Nang makababa na kami sa McDo, ay pumasok na kami para makaorder. At habang nago-order kami, naghahanap na ko ng upuan.

At habang naghahanap ako ng mauupuan, may nakita akong pumasok na babae.

Ay teka!! Parang familiar ang dating niya. Yung itsura niya at yubg buh--- Si ano yan ha!?!?! Teka nakalimutan ko pangalan...

At lumapit ito kay Kuya Mikko at si Kuya Mikko naman ay napangiti ng sobra. At di ko namalayan na nakatingin na pala sila sakin.

"Ah eh-- Ito oh may upuan na tayo :)" -Ako

At agad lumapit yung girl. Teka di ko matandaan yung name niya... Jusko... Baka kilala niya ko tas aki hindi...

"Ay hello :). Ikaw pala si Reign diba? Palagi kang nak-kwento ni Mik sakin eh. Nakakatawa ka daw kasi. ANN nga pala." -Ann

Ay oo nga pala. Ann nga pala pangalan niya. Cashier sa Department Store ang trabaho daw nito sabi ni Kuya Mikko.

My Teacher Sweet Lover (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon