This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you
-Allen Castillo on the picture💛
-
Reign's POV
6:00PM // Reign's HouseNandito ako sa kwarto ko at kakatapos ko lang mag-ayos ng kwarto para sa aming Sleepover nila Rose, Louise, at si Zen.
Sinama ko na ang kaklase kong si Zen dahil gusto niya daw magsaya dahil nanalo siya sa contest na sinalihan niya sa online. Ito ay art contest. Di daw makapag celebrate sa bahay nila dahil erpats niya daw ay maarte. HAHAHA
Nakahiga ako ngayon at nakatingin sa kisame. Habang nakatulala ako, naisip ko ang pagu-usap namin ni Sir Mikko.
Flashback...
LunchTime (Episode 3)"May boyfriend ka na ba?" -Sir Mikko
Nasamid ako ng very light dun dahil sa tanong. HAHAHAHA.
"Nice question, Sir ha? HAHAHAHA pero sir wala pa po" -Ako
"Mabuti kung ganun..." -Sir Mikko
Eh? ansama naman nito? ano? ayaw niya ba kong lumigaya sa buhay? Masaya naman ako kay Lola, Kuya Arceo, at sa mga kaibigan ko, pero iba pa din pag may jowa. HAHAHA
"Ansama mo naman sir. Ayaw mo ba kong lumigaya?" -Ako
"Di naman sa ganun HAHAHAHA. Wag muna sa ngayon. At tsaka kapag meron ka na tas sinaktan ka, nandito ako para gantihan yun." ang maangas na saad ni Sir Mikko. Huwaw naman! kinilig naman ako dun.
"Wow HAHAHA salamat sir ha? Grabe naman ang protective mo" -Ako
"Haha. Wala yun. At tsaka wala kasi akong kapatid at matagal ko nang hinihiling kay mama na gumawa ng kapatid kaso hindi na umabot. Haha." -Sir Mikko
Bat parang nalungkot ako nang sabihin niya na kapatid ang turing niya. Hays! Self teacher yan ha wag malande.
"At tsaka, wag na sir tawag mo sakin pag nasa labas. Kuya na lang." -Kuya Mikko.
"Sige po. Kuya Mikko." -Ako
At nagtawanan lang kami pagkatapos nun.
End of flashback...
Habang nakatulala ako, biglang may pumasok sa kwarto ko. At si Lola iyon na nakangiti.
"Apo? Pwede ba tayong mag-usap?" -Lola
Umayos ako ng upo at ngumiti ako sa kanya at tumabi ito sakin.
"Balita ko nagtatampo ka daw sa kuya mo? Dahil ba to kay Jamie?" -Lola
Tumango ako kay Lola.
"Kasi naman lola, di man lang nagk-kwento. At tsaka di na niya ko magbibigyan ng time dahil si Ate Jamie na ang bago niyang pagtutuunan. Si Ate Jamie na yung hahatid-sundo niya at lalabas sa mall kapag libre siya." -Ako
"Bunso, hinding-hindi magagawa sayo ni Arceo yan. Ng kuya mo. Alam ko yan dahil ikaw ang pinili niya kesa sa mga magulang mo. Tandaan mo yan. Kaya di ka niya makakalimutan." yan di ang sabi sakin ni Rose eh.. siguro nga tama yan.
BINABASA MO ANG
My Teacher Sweet Lover (BxB)
FanfictionSabi ng iba, normal lang daw ang magka-crush ng isang teacher. Pero paano kung ang nararamdaman mong crush ay nag level-up? Aamin ka ba dahil gusto mong magpaka-totoo o hahayaan mo na lang kasi bawal? Basahin ang kwento ni Reign at ang kanyang High...