Episode 4.2

3.5K 136 1
                                    

BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-

"Zen" is on the picture💕
Yung kaklase ni Reign na ininvite niya sa Sleepover nila Last Episode.

Reign's POV
9:00PM // Reign's Rooftop

Nandito kaming 4 sa taas at nagpapalamig. Si Rose, Louie, at si Zen na nagdala ng sandamakmak na pagkain at Ice Cream dahil nagce-celebrate na rin kami sa panalo niya sa Contest.

"Salamat sa libre, Zenaida ha!! Pinagpala ka talaga!" -Louise

"Wala yan. We need to party-party because i won! aHAAHAHA" Napaka-kalog talaga nitong babaeng to. Kaloka

Habang nasa gitna kami ng kainan, kinwento ko pala ang usapan namin ni Ridge kanina.

"Nga pala. Si Ridge. Pupunta sa Batangas." -Ako

"Whaat!??! AALIS NA SIYAA?!?! BAKIIIT😭" -Zen

"Tada! Pupuntahan niya lang Mama niya dun. Eh gusto kong sumama. Sama na kayo para masaya." -Ako

Nagtawanan ang tatlo at ako naman ay pakunot-noo na lang.

"Ikaw papayagan? HAHAHAHAH" -Rose

At dun ako nabadtrip HAHAHAHA. Kaloka tong mga to.

"Papayagan ko yan." at tumingin kami sa may pintuan. At nakita ko si Kuya Arceo

Nanahimik lang ako at pumunta na si Kuya sa may area namin kung saan kami nakatambay.

"Pwede ko muna makausap si Reign? Dun na lang muna kayo sa kwarto niya." -Kuya Arceo

Third Person View
Tumayo ang tatlo at pumasok na ito sa loob. Pero---

"Dito lang tayo. Gusto kong makita si Fafa Arceo😍" -Zenaida

"Gaga! Wala ka na talagang pag-asa jan kay Kuya Arceo." -Louise

"Oo nga. May jowa na yan eh." -Rose

At dun na ngumawa ng keme si Zen dahil crush niya si Arceo dahil sa angking kagwapuhan ni Arceo.

Reign's POV

"Bunso? Pansinin mo naman ako oh? Buong araw mo'ko dinedma." ang malungkot na saad ni Kuya Arceo.

"Kuya, pinapansin naman kita ha? Ikaw talaga." -Ako

"Tigilan mo'ko bunso. Alam kong nagtatampo ka dahil di ko sinabi na may Girlfriend na ko." -Kuya Arceo

Nanahimik lang ako at pinapakinggan ang mga sinasabi niya.

"At tsaka. Wag mong isipin na mawawalan ako ng oras sayo. Dahil kapatid kita. Pinili nga kita kesa kay Mama at Papa eh. At tsaka nandito pa rin ako para protektahan ka. Dumagdag lang naman ako ng poprotektahan eh. Pero di parin kita pababayaan. Kaya sorry na." at niyakap ako ni Kuya. Hays! Lab na lab ko tong kuya ko kahit nagtatampo ako

"Sorry din kuya. Nagtampo lang talaga ako." -Ako

"Okay lang. Mas naramdaman ko nga sayo na mahal mo kong kuya eh." -Kuya

"Mukha mo kuya. HAHAHAHA" -Ako

at nagtawanan na rin kami at nagulat ako biglang lumabas ang tatlo at natutuwa dahil okay na kami ni Kuya.

At nakita ko si Zen parang nababaliw na ewan. Di mapakali.

"Huy! Zenaida! Anyare sayo? Okay ka lang?" -Ako

"Eh kasi... Nalaman niyang may GF na si Kuya Arceo. Eh crush niya ku--" at tinakpan ni Zen ang bibig ni Rose.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH. Okay lang yan Zenaida. Mahal ka pa rin ng mga magulang mo." -Ako

At dun nanaman nage-eme eme si Zen HAHAHAHA

"Nga pala. Sabihan niyo si Pareng Ridge na wag na kayong magcommute bukas papahiram ko na lang kayo ng kotse sa kakilala ko. Siya rin magd-drive. O di kaya ako na ang kakausap." -Kuya Arceo

"Wow! Bigtime kuya ha? Pero salamat :)" at niyakap ko si Kuya at umalis na ito para magpahinga na.

Kami rin ay nagligpit at nagpahinga na sa loob ng kwarto ko at naghanda ng gamit para bukas. Sila Rose, Louise at Zen maaga aalis sa bahay para makaligo at makapagayos ng gamit.

Nasa kwarto na kami at nakahanda na kami sa pagtulog. Pero maya-maya, may tumawag sakin sa Messenger.

"Dzong! Si sir Mikko. Tumatawag." -Rose

Ako naman ay lumapit malapit sa cellphone ko. At nakita ko nga na tumatawag pa ito at gusto pang makipagvideo-call. Kaloka lang ha?

"Vide call daw, Reign. Grabe ha? Pati si Sir Mikko? HAHAHAHA kung sa bagay, Papi naman yan si Sir eh. Akin na nga." at hinablot ni Zen ang phone ko at sinagot niya ito.

"Hi sir!!!" -Zen

Lumabas na lang muna ako at sila na bahala kumausap jan.

Zenaida's POV
Wow naman!! May POV ako? Sulitin ko na to. HAHAHAHA Biruin mo?! Mas nauna pa kong nagkaron ng POV kila Rose at Louise at Ridge at Sir Mikko at Fafa Arceo? HAHAHAHAHA share ko lang.

"Ay ikaw pala yan, Ms. Zenaida. Si Reign? Asan? Bat ikaw sumagot?" -Sir Mikko

"Ah kasi sir.. ano... (Shet wala akong maisip na palusot) ano.. Tulog na po. opo. Tulog na." -Ako

"Ah ganun ba? Patingin nga? tas picturan mo para pagtripan natin." -Sir Mikko

Oh no!! Lagot!??!!?

"Ah eh, sir... , Bad yun. hehe. Anyways. Bat nga po pala kayo napatawag." -Ako

"Sasabihin ko sana sa kanya na sasama ako sanyo bukas. May kotse akong nahiram kay Tito. Ito gagamitin natin. a
Alam na ni Ridge. kayo na lang hindi. Kaya ako napatawag." -Sir Mikko

"Ganun po ba sir? Eh bat Video Call pa?" -Rose

"Ah.. ano kasi... Nagmamadali. Oo. Nagmamadali na ko. Kaya ko napindot. Sige bye na :)" at binaba na ni Sir Mikko ang call.

"Hmm... Ang weird ha?" -Louise

At biglang pumasok si Reign dala ang mga unan namin.

"Oh. Ano sabi ni Sir?" -Reign

"Ah, napindot niya lang daw. Nagulat na nga lang siya na may nagsasalita eh. Kaya tulog na tayo." -Ako

"Sige sige." at humiga na kami at nagpahinga.

Sorry bes kung di ko sinabi na si Sir yung kasama natin bukas. HAHAHAHAHAHA

Itutuloy...

My Teacher Sweet Lover (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon