5 am na ng umaga ng magising ako. Agad akong nagtimpla ng kape at agad na naligo. Kailangan kasi naming makarating agad ng 6 am sa school dahil may Visitors raw na darating na mag oobserve sa amin.
Agad akong nagbihis at nag-ayos. Inipit ko rin yung buhok ko at naglagay ako ng liptint dahil ang putla talaga ng lips ko. Naglagay rin ako ng pulbo at pagkatapos noon ay agad na akong naglakad papuntang school.
5 minutes before mag 6 ng makarating ako sa room namin. Lahat ng mga kaklase ko ay nakaayos at may mga janitor rin na naglilinis.
"Good morning beshy!" Bati sa akin ni Shekiah at agad kaming nag beso. "Good morning din sayo" sabi ko at agad nang naupo.
"Alam mo ba na mga foreigner yung visitor natin?" Tanong niya sa akin habang nakangiti ng malapad. Oh no, alam ko na ang ganyang ngiti niya. Ibig sabihin may natitipuhan siya sa isa sa mga visitors namin.
Agad kong pinitik yung noo niya kaya napa pout siya sa akin. "Naku Shekiah, tigil tigilan mo yang kalandian" sabi ko sa kanya kaya napa irap siya.
"Crush lang naman eh!" Maktol niya kaya natawa nalang ako. Kahit kailan talaga hindi siya nauubusan ng crush.
"Good Morning Class" bati ni Ma'am Tan na siyang adviser namin. "Good Morning Ma'am Tan!" bati namin at agad na kaming umupo.
"So today we have 5 visitors from America, South Korea, China and Australia" sabi ni maam kaya naghiyawan yung iba naming kaklase including Shekiah.
"Including the son of the owner of this University. Kaya sana magpakabait kayo at ipakita niyo ang aking talino ninyo" sabi ni maam kaya maslalo silang naghiyawan.
"Omg! I'm so exited to meet him"
"Oo nga girl! First time natin siyang makikita for how almost 8 years na pagaaral natin dito"Napatingin ako sa usapan ng mga kaklase namin. I didn't know what their name is, basta ang alam ko kasali sila sa cheerleader club.
"By the way may I call on Ms. Alquez" sabi ni ma'aam kaya napatayo ako. "Bakit po maam?" Tanong ko.
"Pinapatawag ka pala ng Dean Office ngayon" sabi niya. "Sige po ma'am" sabi ko. Aalis na sana ako ng tawagin ako ni Shekiah kaya agad ko siyang tinignan at sinenyasan na *mamayanatayomagusaplook".
Pagkalabas ko sa room agad na akong pumunta sa Dean's Office. Scolarship lang kasi ako kaya may responsable ako sa paaralan at yun ay sundin ang mga utos ni
Mrs. Garcia nq siyang Dean dito.Pagkarating ko sa Dean's office agad akong kumatok at bumukas naman ito agad.
"Good Morning po Ma'am" bati ko sa kanya kaya agad siyang ngumiti. May edad na rin si Mrs. Garcia at sa tagal kong nag-aaral dito ay itinuring ko na siya na parang ina.
"Ibigay mo tong Files kay Ms. Shen sa A-L's Hotel. Sabihin mo na nakapaloob diyan yung schedule ng mga visitors natin at kunin mo din yung isang files na hinihingi ko sa kanya. Sabihin mo rin na e-prepare na yung mga rooms na gagamitin ng mga Visitors at siguraduhin na walang may papalpak" sabi ni Mrs Garcia kaya agad akong napatango. "Sige po Ma'am" sabi ko at agad nang umalis.
Agad akong naglakad papuntang college bulding na kong saan katabi lang ng A-L's Hotel or Anderson Luxeise's Hotel. Malayo palang ako ay tanaw na tanaw ko na agad yung likod ng hotel na sobrang taas at laki. 8th floor kasi ito at mapapansin mo agad na tanging mga mayayaman lang ang kayang mag stay sa ganitong hotel.
Pagkarating ko sa college building, agad akong naglakad patungo sa A-L's hotel na kung saan may pinto sa likod nito kaya agad akong pumasok.
Pansin ko na karamihan sa mga employee ay busy kaya agad akong nagtungo sa counter na kung saan nandoon si Ms. Shen, ang Hotel management dito.
"Ok po sir. I will assist" dinig kong sabi ni Ms. Shen sa isang lalaki na nakasuot ng white polo habang may frape siyang dala.
"Hello po Ms. Shen" nakangiti kong saad sa kanya kaya naagaw ko ang atensyon nila. Nakita ko na bago humarap sa akin si Ms Shen ay nag bow muna siya sa lalaki na kausap niya kanina at doon ko na pansin na foreigner pala ito.
"Ito po pala yung Files na ipinabibigay ni Mrs. Garcia. Nakapaloob daw diyan yung mga schedule ng mga Visitors natin tapos sabi din niya na yung files raw na hinihinga niya ibigay mo raw po sa akin" sabi ko kaya napatango siya.
"Ah pinapasabi din niya na e-prepare na yung mga room ng mga Visitors at siguradohin daw na walang papalpak" sabi ko.
"Ok sge, kukunin ko lang yung files at maghintay kalang dito" sabi niya kaya napatango ako. "Excuse me sir" sabi niya at nag bow muli sa lalaki at agad na umalis.
Naiwan kaming dalawa sa counter kaya napatingin muna ako sa paligid at hindi maiwasan ang mamangha dahil sa ganda ng hotel na ito. May napakalaking chandleir rin na nakasabit aa gitna ng hotel kaya ang bongga talaga.
Pagtingin ko sa kaliwa na pansin ko na nakatingin yung lalaki sa akin kaya napataas ako ng kilay. "Bakit? Bakit ka nakatingin sa akin?" Tanong ko piro hindi siya sumagot kaya natawa ako.
"Ah oo nga pala foreigner ka kaya hindi mo ako maintindihan" sabi ko sabay tawa ulit.
Nakatingin parin siya sa akin piro ngayon nakangiti na kaya nagflip hair ako. "Alam ko naman na maganda ako kaya huwag mo na akong titigan ng ganyan" sabi ko sabay tawa.
Mukha kasi siyang tanga. Alam kong hindi niya ako maintindihan kaya pinagtritripan ko muna siya.
"Naku ikaw talaga baka matunaw ako" pagbibiro ko sabay ngiti. Nagulat nalang ako ng lumapit siya sa akin kaya kinabahan na ako.
"Oo miss maganda ka. Sa sobrang ganda mo nabihag mo agad yung puso ko"
Oh no! Totoo ba to?! N-nagtatagalog siya?! Sh*t nakakahiya! lamunin sana ako ng lupa!
BINABASA MO ANG
THE GUY THEY CALLED, Mr. Programmer
RomanceEvery people has their ideal man. Yung tipong mabait, matapang, matalino, talentado, gentleman, makadiyos, at higit sa lahat yung gwapo. Lahat ng yun ay nandiyan na kay Calixtrou Flinn Montefalquez, ang perfect guy kung ituring ng mga kababaehan and...