"Argh! NAKAKAINIS KA TALAGA!" Inis kong saad habang nakatingin sa salamin. Naisip ko kasi yung nangyari kanina. Hindi ko makaya lalo na't pinagtritripan niya lang ako kaya pumunta muna ako dito sa Cr para pakalmahin ang sarili ko.
Napapikit nalang ako at agad na nag-inhale at exhale. Nang kumalma na ang sarili ko ay napagpasyahan ko na ring lumabas.
Nagsisimula na rin ang opening program na ginagawa nila. Hindi ko parin nakikita si Shekiah dahil na sa taas pa ito.
Napatingin ako sa paligid. Sobrang ganda talaga ng design ng venue na ito. Feeling ko tuloy na palasyo ito and we're attending for a Royal Ball.
"Ops! I'm sorry!" saad ko ng aksidenting may makasalubong ako sa daan. "I'm sorry. I didn't see you--- oh? Astrid, its you" napatingin ako dito at nagulat ako ng makitang si Emman pala ito. He's wearing a black tuxedo at bagong gupit din siya. I almost unrecognized him.
I study his face, how his eyes light up when he smiles and how he brushes his fingers through his hair when he started to talk to me.
"You look... Perfect" ani niya na siyang nagpawala sa puso ko.
Gosh! Why I'm feeling like this?
"Hyacinth!" naibaling ang tingin ko sa sa gawi nina Claire ng tawagin ako. Siya yung kaklase namin na co-scholar ko din. Nakita kong na sa isang table sila kasama sina Hannah at mga kaibigan nito na ssg member din.
"Iwan muna kita dito, I need to go" ani uli ni Emman at agad na umalis kaya nakangiti nalang ako habang sinusundan siya ng tingin na ngayon ay nagaasikaso sa mga bisita.
"Hyacinth! Psst! Yuhooo!" pagtatawag ulit sa akin ni Claire kaya napilitan nalang akong lumapit sa kanila.
Napaiwas ako ng tingin ng makita kong nandoon din yung bwesit na lalaking yun na si Calixtrou aka "Mr. Programmer" kuno at yung dalawa niyang kaibigan na programmer din.
"Yow" umakto akong ngayon ko palang sila na papansin. Nakita ko yung pagismid nina Hannah sa akin. Ganyan talaga sila. Hindi ko maintindihan kung bakit sila nagkakaganyan.
"Dito ka nalang umupo" offer pa ni Claire sa upuan na nasa tabi ni aka Mr. Programmer kaya umiling nalang ako. "No need, may pwesto na din naman ako doon. Salamat nalang---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang higitin ni Calix yung kamay ko papaupo sa tabi niya.
"Dito ka lang. Shekiah ordered me to take care of you while she's not around right now" saad niya habang nakaakbay sa akin kaya agad ko siyang siniko. "Ano ba! Kanina ka pa ha! Makakatikim ka talaga ng suntok sa akin!" Pagbabanta ko sa kanya kaya natawa nalang siya sa akin at ganun din yung mga kasama niya.
"Arte arte pa, papayag din naman" dinig kong bulong ni Hannah ng umayos akong umupo sa tabi ni Calix. Napatingin kami sa kanya. Palihim ko nalang
inirapan. Kontrabida."Hi! I'm Harvy Rodriguez" pakilala nung lalaking naka upo sa tabi ni Calix habang nakangiti sa akin. May piercing din ito sa kanang tenga niya. Hmm? Playboy again.
"Wynston Reyes at your service, madame" saan naman nung isa at umakto pa sa harap ko kaya pilit nalang akong ngumiti sa kanila. "Hyacinth" pakilala ko din. I'm not that kind of rude naman para hindi magpakilala sa kanila.
"Ang ganda mo talaga Hyacinth" bulong sa akin ni Claire habang nakangiti. Busy din silang lahat sa pakikipag usap sa katabi nila.
"Asus nang eechos ka na naman. Ikaw nga tong blomming" saad ko kaya natawa nalang siya. Nakasuot din siya ng pink na dress na siyang bagay lang sa kanya kahit na may nerd glasses siya.
BINABASA MO ANG
THE GUY THEY CALLED, Mr. Programmer
RomantikEvery people has their ideal man. Yung tipong mabait, matapang, matalino, talentado, gentleman, makadiyos, at higit sa lahat yung gwapo. Lahat ng yun ay nandiyan na kay Calixtrou Flinn Montefalquez, ang perfect guy kung ituring ng mga kababaehan and...