CHAPTER 5- STICKY NOTE

31 1 0
                                    

"Omg ang pogi talaga niya" napatingin ako kay Shekiah ng sabihin niya yan. Nakita kong nakatulala siya sa kawalan habang nakangiti kaya napairap nalang ako. "Kaso hindi niya ako nakita" dagdag pa niya sabay pulupot sa braso ko.

"Kainis! Ikaw lang yung napansin niya" sabi niya habang napa pout kaya inirapan ko siya ulit. "Sayong sayo na siya bess huwag kang mag alala hindi ko type yung ganung lalaki" sabi ko piro tumawa lang siya.

"Joke beshy, sayo na lang siya tutal eh may 20 pa naman akong crush hehe" natawa nalang ako sa sinabi niya at agad kong kinuha yung bag ko at sabay kaming umalis sa room.

12:30 pm na ngayon kaya lunch time namin at sa canteen kami kakain. Habang naglalakad kami bigla kong naalala yung nangyari kanina kaya napapikit nalang ako dahil sa inis.

Nakakainis talaga! Paano ba naman eh pinagtripan niya ako tapos pumwesto pa siya sa harap ko at wala siyang ibang ginawa kundi titigan ako kaya hindi ko tuloy nalaman yung announcement kasi hindi ako nakapag focus.

"Look, She is the girl I was talking"
"You mean the girl who are trying to flirt our baby babes?"
"Yes! Siya nga"

Napatingin ako sa gilid nang madinig ko yung usapan nila. May tatlong babae na nakasuot na fit uniform at sobrang ikli ng mga palda nila. Agad naman nila kaming hinarangan sa daan at nakataas pa yung mga kilay nila habang tinitignan kami mula ulo hanggang paa.

"Walang duda, malandi ka talaga" sabi nang isang babae na mukhang leader nila kaya napataas ako nang kilay. "Excuse me? Are you refferring to me?" Hindi ko makapaniwalang tanong kaya natawa sila.

"Bakit? Sino ba sa atin ang mukhang uod na sobrang kati at nagawa pang magpapansin sa baby babes namin" sabi niya kaya natawa ako. "What? Ano ba yung pinagsasabi niyo, wala akong kinalaman diyan" sabi ko kaya naparolled eyes sila.

"Hoy! Tigilan niyo nga yung best friend ko!" Sabi naman ni Shekiah. Naks! bumaback up.

Aalis na sana kami nang hinigit nung leader nila yung buhok ko. "Huwag mo kaming tatalikuran!" Galit niyang sabi kaya agad ko siyang tinulak nang malakas kaya napaupo siya. "Don't you dare to touch me again! Hindi ako magdadalawang isip na patulan ka!" Banta ko sa kanya at agad na umalis. Kainis! Sino ba sila at may gana silang ganitohin ako.

"Beshy pasensya na hindi ako nakaganti sa kanila. Nabigla kasi ako eh" sabi ni shekiah piro tumango lang ako habang sinusuklayan yung buhok ko gamit yung kamay ko. "Inggit lang sila dahil ikaw yung pinansin ni fafa Even" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"You mean, inaway nila ako dahil lang sa lalaking yun?" Hindi ko makapaniwalang tanong at agad naman siyang tumango. "Actually silang tatlo yung tinatawag na GIRLFRIENDS dito sa University" sabi pa niya kaya napataas ako nang kilay.

"Huh? Girlfriends?" Sabi ko kaya natawa siya sabay lapit sa akin. "Lahat kasi nang pogi gusto nilang jowain o di kaya naging jowa na nila" sabi niya kaya nalito ako. "Ugh nevermind" sabi ko at agad na kaming pumasok sa Canteen.

"E-libre mo naman ako Shekiah nang sa gayun ay mabawasbawasan naman yung kamalasan ko" sabi ko kaya natawa siya. "Ayy ganun pala yun?" Sarcastic niyang sabi kaya napatawa nalang ako at iniwan siya sa counter nang canteen.

Agad akong umupo sa vacant seat at napatingin sa mesa. "12:40 na pala at nang dahil sa mga mahaharot na yun ay nasayang yung 10 minutes namin.

Agad namang dumating si Shekiah at nilapag yung order niya. Isang adobong baboy, kalderita at chapsoy yung ulam na binili niya tapos apat na cup na rice kaya napangiti ako nang malapad. "Tara chibugan na!" Sabi niya kaya natawa nalang ako at kinuha yung dalawang cup na rice at yung kalderita na siyang paborito ko.

"Yieee thank you talaga Bess. Love mo talaga ako" sabi ko kaya natawa nalang siya at patuloy na sumusubo nang pagkain.

"Hi girls" agad akong nabilaukan nang makita ko yung bwesit na lalaki na nasa harap namin ngayon. "Tubig!" Taranta kong saad kaya dali daling ibinigay sa akin nung lalaki na si Even yung tubig niya.

"Easy lang babe" sabi niya sabay himas sa likod ko kaya agad kong hinampas yung braso niya at natawa siya.

Agad siyang umupo sa tabi ko at nilapag yung cake na order niya. "H-hi Even! Ako nga pala si Skeiah Mendoza, single and ready to miggle" sabi ni Shekiah sabay ipit nang buhok niya sa tenga kaya binigyan ko siya eww-ka-dire-ka-girl-look kaya napa peace sign siya. "Joke lang hihi" sabi pa niya.

"Siya naman yung best friend ko, Hyacinth Nurene Alquez, 0930118---" hindi ko na pinatapos yung pagdadaldal ni Shekiah at agad kong sinubuan nang kanin yung bibig niya. Gosh! Sasabihin na niya yung cellphone number ko!...

Agad ko siyang tinignan nang masama kaya napa shut up siya. "Nice to meet you Shekiah" sabi pa nung lalaki na si Even at matapos nun ay naging tahimik na kami.

Agad ko nang minadali yung pagkain ko para makaiwas sa lalaking to na walang ibang ginawa kundi ang titigan ako habang kumakain.

Napatigil ako sa pagkain at tinignan siya nang seryoso kaya natawa siya. "Can you please stop staring me 'po'"pag eemphasize ko sa word na po sa kanya.

Nagtitimpi lang talaga ako sa lalaking to. Kung hindi lang siya anak nang may ari nang school na ito, kanina ko pa siya inupakan.

"And please stop flirting me 'po'" sabi ko pa kaya natawa siya. "I'm not flirting. I'm just being extra nice to someone who is extra attractive" sabi pa niya sabay kindat sa akin kaya napa rolled eyes nalang ako at agad na nagpatuloy sa pagkain.

Panay parin  ang tingin niya sa akin habang nag uusap sila ngayon ni Shekiah at kinikilig naman si Loka. "Eh hehehe pente ke se berthdey ke se sebede" sabi pa niya sabay ipit nang buhok niya sa tenga niya kaya natawa nalang ako dahil sa pabebe moves niya.

"Oo naman" sabi nung Even sabay tingin sa akin kaya pinandilatan ko siya ng mata at natawa sila sa ginawa ko.

Ting! Ting! Ting!

"Halika na Shekiah time na" sabi ko matapos marinig yung bell at agad na kinuha yung bag ko. "Sige Even mauuna na kami sayo huh" sabi pa niya kaya agad ko na siyang hinatak.




Agad kaming nakabalik sa room at sakto naman dahil wala pa yung teacher namim. Napatingin kami sa mga kalase namin na nagkukumpulan ngayon sa blackboard at kinikilig. Dahil isa kaming echoserang chismosa ay nakipag siksikan din kami para makita yung pinagkakaguluhan nila.

Nanlaki yung nga mata ko nang makita yun. My gosh! Yung blackboard namin puno nang sticky note tapos may nakasulat pa doon na para sa akin.

Hey! Ms Alquez,

     Last time I looked at my keyboard,I noticed that 'U' and 'I' are always together.

~Your Future♡

Gosh! O_O

THE GUY THEY CALLED, Mr. ProgrammerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon