CHAPTER 6- SAVED

25 1 0
                                    

"Teka? Ok na ba yung mga flags na gagamitin nang every Grade levels?" Tanong ni Hannah na siyang SSG president namin kaya agad akong napailing.

Friday ngayon at hito kaming mga SSG officer nag-aayos ng mga banner at flags para sa intramurals na darating which is sa next friday. Lahat kami na nandito ay excuse sa mga klase namin ngayon.

"Gosh! Tara ayusin na natin yung mga flags para masabit na!" Tarantang sabi niya kaya agad kaming sumunod sa kanya.

Hawak ko yung banners ng mga seniors habang yung iba naman ay hawak yung ibang banners ng mga Juniors.

"Hey Hyacinth, ako nalang ang aayos sa banners na yan tapos hanapin mo nalang si Emman para siya yung magsabit ng mga banners" utos sa akin ni Hannah kaya agad akong nagulat. "Teka ako nalang ang gagawa nito at iba nalang ang utusan mo sa pagpapatawag kay Emman... hindi kami close nakakahiya" sabi ko piro tinaasan niya ako ng kilay.

"Bakit kailangan niyo pa bang maging close para mautusan kitang ipatawag siya?" Mataray niyang sabi kaya napa-ismid nalang ako. "Kung isumbong kaya kita kay Mrs. Dean para matanggal ka sa scolarship---"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. "Oo na hito na!" sabi ko sabay rolled eyes sa kawalan at agad ng naglakad papuntang Business and Management building para hanapin si Emman na siyang Vice President namin.

Agad akong umakyat sa 2nd floor  dahil doon ang mga rooms ng mga 2nd year college. Pagkadating ko doon ay hinanap ko agad yung room 31 at kumatok sa pinto at agad naman itong bumukas at tumambad sa akin si Mr. Dino na siyang professor nila.

"Yes, what can I do to you miss?" sabi niya kaya napalunok muna ako bago sumagot. "Uhm... s-sir kailangan po kasi ng mga SSG officer si Mr. Emman" sabi ko kaya agad niya itong tinawag.

"Sige... you can go now Mr. Levasquez, don't worry you are excuse" sabi ni sir kaya agad na siyang lumabas. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya habang naglalakad pababa ng building. Gosh ang awkward.

"Nasaan sila?" Malamig niyang tanong sabay lingon sa akin kaya napatigil ako dahil sa gulat. First time niya kasi akong kinausap. "H-ha? Uhh ano...  nasa o-open field sila" gosh! Kinakabahan talaga ako.

"You're Hyacinth right?" Sabi niya pa kaya wala ako sa sarili na napatango. Mabuti nalang at nakadating na kami sa open field nitong university kaya hindi na naging awkward ang atmosphere.

Agad na niyang kinuha yung mga banners at nagsimulang isabit ito sa itaas. "Uy Hyacinth, pinapatawag ka ng Dean natin... something important daw" sabi ni Claire sa akin na siyang scholar student din dito kaya agad akong napatango at nagsimulang maglakad papuntang office.

Pagkadating ko sa office agad akong kumatok at agad ng pumasok.

"Hello po... nandiyan po si Mrs. Dean? Pinapatawag niya daw po kasi ako" sabi ko sa mga faculty teacher.

"Are you Ms. Alquez?" Tanong saakin ng babae na sa tigin ko ay assistant ng Dean. "Yes po.. ako po si Ms. Alquez" sabi ko kaya agad niya akong tinignan mula ulo hanggang paa.

"Pumasok ka nalang sa Dean's Office" sabi niya sabay irap sa akin kaya napataas ako ng kilay. Luh inaano ko ba siya?

Agad akong pumasok sa Dean's Office at halos lumuwa yung mga mata ko ng makita ko ang isang lalaki na nakangisi sa akin habang nakataas yung paa niya sa table.

"Hi" nakangising sabi ni Even kaya aalis na sana ako ng dali-dali siyang tumayo at pinigilan akong buksan ang pinto at agad niya akong ikinulong sa mga braso niya.

"Hoy! Manyak ka no?! Ano ba! Umalis ka nga sa harap ko!" Bulyaw ko sa kanya kaya napatawa siya sabay balik sa upuan niya. "Sit here Ms. Alquez" utos niya sa akin kaya napataas ako ng kilay.

"At bakit naman kita susundin ha!" Sabi ko kaya sumeryoso yung mukha niya. "Its up to you kung ayaw mo akong sundin... well ako lang naman ang nagsusustento ng scholarship mo" may bahid na pagbabanta na sabi niya sa akin kaya napalunok ako.

Agad siyang tumawa ng tumawa ng makita niya yung reaksyon ko. "Chill Ms. Alquez, I'm just kidding" sabi niya kaya agad akong umupo.

Tahimik lang ako na nakaupo sa harap niya habang nakayuko at ang tahimik talaga naming dalawa.

"You have no idea how fast my HEART races when I see you" sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit niyo 'po' ba ako pinatawag dito?" Pagiiba ko sa usapan at pag eemphasize ko din sa word na 'po' kaya napangiti siya.

Agad na may kunatok at pumasok sa loob ang isang delievery boy na may dalang madaming pagkain. "I know you are hungry... kaya kumain ka muna" sabi niya at agad na binuksan yung mga pagkain na nasa lunchpack.

"A-ahh hindi ako gutom" sabi ko sabay alis ng tingin sa pagkain. My gosh! Nakakagutom. "I know you are..." nakangiti niya sabi sabay subo ng lasagna. Gosh! Inaakit ako ng pagkain.

"Sge na kumain kana... we're friends right?" Sabi niya kaya napailing iling ako habang nakapikit. Pilitin mo pa ako pleaseeeee....

"Kakain ka o kakainin kita?" Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin niya yun kaya agad siyang natawa. "Just kidding" sabi pa niya kaya napairap nalang ako sa kanya. Hmp! Bastos!

"Kumain ka na..." pangungulit niya piro umiling ako. "Ayoko nga!" Sabi ko piro agad siyang tumingin sa aking ng seryoso. "Your scholarship..." pagbabanta niya kaya napairap nalang ako. "Oo na gutom talaga ako!" Sabi ko sabay subo ng pagkain kaya napangiti siya habang nakatingin sa akin.








4pm na ng makalabas ako sa Dean's Office at tumakas lang talaga ako, mabuti nalang maytumawag sa phone ni Even kaya nakahanap ako ng pagkakataon para makatakas. Hayst kakainis talaga yung lalaking yun.

"Ang tagal mo namang bumalik" reklamo sa akin ni Hannah at nasa tabi naman niya yung mga kaibigan niya na sina Syra at Fiona. "Sorry may inasikaso lang" sabi ko kaya umirap lang siya.

"Ikaw nalang magsabit ng isang banner na nakalimutan kanina" sabi niya kaya nagulat ako. "Teka Hannah, hindi ko kaya" sabi ko kaya pinandilatan niya ako.

"Anong hindi mo kaya! Yun na nga lang ang maitutulong mo nagrereklamo ka pa!" Sabi niya kaya napaismid nalang ako. "Oo na!" Inis kong sabi at agad na silang umalis kaya naiwan akong magisa dito sa open field.

Agad kong kinuha yung banner ng mga Athletes at nagsimula na akong umakyat sa lader. Gosh! I'm afraid of heights pa naman.

"Huwag kang tumingin sa baba Hyacinth" sabi ko habang nakapikit at pilit na inaabot yung laylayan mapagkakabitan ko nitong banner.

Nagsimula na ring manginig yung paa ko hanggang sa nagpagewang gewang na yung lader kaya agad na akong nag panic kaya sa di inaasahan natapilok ako at nahulog. Huhuhu help me please.

Napapikit nalang ako habang  hinihintay yung pagbagsak ko sa semento. Piro after 1 minute wala parin akong nararamdaman na pagbagsak.

"I got you"
"I got you"

Napamulat ako ng madinig kong sabay na sabi yun ng dalawang tao. Nagulat ako ng makita kong sino sila.

"Calix?"
"Even?"

Gosh! Dalawa sila ang sabay na sumalo sa akin!

THE GUY THEY CALLED, Mr. ProgrammerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon