CHAPTER 21- TROUBLE

12 0 0
                                    

[THIRD PERSON POV]

Umalingaw-ngaw sa buong kabahayan ang sunod-sunod na mura ng boss nila sa mga tauhan nito.

Galit na galit ito dahil sa pangalawang pagkakataon ay nabigo na naman sila na kunin yung tape sa babae.

"Tang*na naman! Ang dami dami niyo tapos hindi niyo nakuha!" sigaw pa nito at napahawak nalang sa sentunido nito dahil sa sobrang inis.

"Umalis na kayo dito at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko sa inyo! Alis!" sigaw nito kaya agad na nagsilabasan yung mga men in black nito na ngayon ay puno ng pasa ang mukha.

Pagkalabas ng mga yun sa opisina ng boss nila ay siya ring pagpasok ng isang babae.

"Anong nangyari doon Kuya?" Tanong ng babae na medyo kay edad na din habang nakatingin sa kuya nitong may edad na din na ngayon ay nagsisindi ng sigarilyo.

"Yung ebidensya hindi pa din nakukuha" saad nito na siyang ikinatawa ng babae.

"Anong ebidensya?" Tanong nito habang nakatingin sa kapatid niya. "Yung tape evidence na nangyaring crimen sa Cebu" simpleng saad nito kaya napawi  ang ngiti sa mukha ng babae at napalitan ito ng gulat. Muntik pa itong matumba, mabuti nalang at nakahawak ito sa mesa.

"Ano?! Bakit mo hinayaan na mawala yun?! Makukulong ka!" saad ng babae kaya napatawa yung lalaki at hindi makapaniwala sa sinabi nito.

"Mukhang nakakalimutan mong ikaw yung may pakana ng lahat na ito" saad nito kaya napatigil yung babae.

"Kapag madawit ako ay kasama ka na din, kaya gumawa ka ng paraan para mabawi natin yun" saad nito kaya nanginig na sa sobrang takot yung babae.

Hindi niya inakala na yung naging desisyon niya noon na matagal na niyang nililimot ay mauungkat na ulit sa ganitong panahon.









[HYACINTH POV]

"Matagal niyo na palang gustong mahuli ang malaking sindikato na to?" Tanong ko kay Harvy habang nagpupush-up siya sa garden.

Nanonood lang din ako sa kanya habang sumusubo ng chichiriya.

Siya lang yung nakakausap ko ngayon dahil nagtratraining yung apat, kasama si Calix at nandoon sila ngayon sa kabukiran kaya iniwan nila si Harvy para bantayan ako.

Its been 2 days na din simula ng malaman ko yung totoo nilang pagkatao. Sobrang laki talaga ng tulong ng tape na yun para tuluyan ng mahuli yung sindikatong iyun.

"Yes and finally, dahil sayo ay nakakuha na din kami ng ebidensya" saad pa niya kaya napatango nalang ako.

"Teka, ilang taon ka na pala? Mukhang ka same age lang din kayo nina Calix" saad ko ng matapos niya yung 50 push ups niya kaya napatayo ito at hingal na hingal.

"20" saad niya kaya nagulat ako. "As out? Grumaduate ka din ng maaga?" saad ko pero napailing siya.

"Sa aming lima, si Calix lang yung grumaduate ng maaga. Ako high school lang yung natapos ko pero sa military academy yun kaya nakakuha agad ako ng trabaho. Pasado din kasi ako sa training kaya ganun" saad niya kaya napa'wow' nalang ako.

"Grabe ang astig niyo talaga"saad ko habang nakasunod sa kanya ngayon na lumapit sa mesa upang uminom. "Kilala mo ba si Detective Conan?" tanong ko sa kanya habang umiinom ng tubig kaya napakunot-noo siya.

"Bakit? Sino yun?" Tanong niya kaya napanguso nalang ako. "Sayang, hindi mo pala yun kilala. Akala ko pa naman magkatrabaho kayo. Nadidinig ko kasi ang pangalan na yun sa facebook. Hindi ko lang alam kong sino yun" saad ko kaya napatango nalang si Harvy.














THE GUY THEY CALLED, Mr. ProgrammerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon