CHAPTER 4- THE OWNER'S SON

26 2 0
                                    

"What's happenning to you?" Takang tanong ni Shekiah at agad na ibinaba yung mask na suot ko kaya dali-dali ko itong sinuot muli.

Simula kasi nung nangyari eh naging paranoid ako. My god! Nakakahiya kaya! at sa tingin ko kasali pa yung lalaking yun sa isa sa mga visitors na nandito ngayon sa University. Huhu ayokong makita siya.

"Tsk, bakit ano ba yung nangyari kanina?" Tanong niya habang inaayos yung bag niya. Napatingin muna ako sa paligid at nakita ko na busy yung mga kaklase namin sa pag-aayos dahil mamaya darating na yung visitors namin.

"Ganito kasi yung nangyari" sabi ko at agad ko nang kwenento sa kanya yung mga nangyari. "Hindi ko naman kasi alam na marunong pala siyang mag tagalog eh!" Maktol ko piro tumawa lang siya ng malakas kaya marami sa aming mga kaklase ang napapatingin sa kanya.

"Grabe ka besh! Hindi ko talaga inaakala na magagawa mo yun" sabi niya kaya napairap nalang ako dahil pulang pula na yung nukha niya sa kakatawa. Grabe siya.

Ting ting ting

Agad na kaming napaupo ng maayos at ganundin si Shekiah. Time na kasi at ngayong 10pm na pupunta sa amin yung Visitors kaya mas lalo akong kinabahan.

Inayos ko ng mabuti yung mask na suot ko nang sa gayun ay hindi ako makilala nung lalaki kanina. Napatingin ako kay shekiah na ngayon ay tinitikom yung bibig niya na tila pinipigilan ang pagtawa niya kaya napairap nalang ako.

Napatahimik ang lahat ng pumasok si maam at yung sampung visitors kaya agad kaming tumayo at bumati. "Good Morning Maam! Good morning visitors" at agad kaming umupo.

"So before we proceed on our lessons, lets welcome first our visitors from different countries" pangunguna ni maam kaya agad silang nag palakpakan.

Hindi ko makita yung mga mukha nila dahil naka yuko ako at pilit na tinatago ang mukha ko. Mabuti nalang at nasa gilid kami naka pwesto ngunit nasa second row kami.

"So Hi Ladies and Gentlemen's. I am Mr. Eric Steinberg from America. I am a College Professor from Harvard University and also a business icon" napatingin ako sa nagsalita at hindi ko mapigilan ang mamangha dahil sa ganda ng kulay asul niyang mata.

"This is Mr. Yuchiro uschkji, a Traditional Culture and History teacher from China" pakilala niya sa isang medyo may katandaan na chinese kaya agad itong kumaway.

"and this is Mr. Lee Hyung Kim, a Business man from south korea" at agad na nagbow yung oppaaaaaaa. Sa tingin ko ay nasa edad na 25 palang siya kaya hindi mapigilan ng ibang kaklase ko ang kiligin. "Aneoyong sayo!" Sabi niya kaya mas lalong kinilig yung mga kaklase ko.

"And this is Mr. Steven Ford, a singer, composer and a teacher in a Musical Dream High from Australia" sabi niya kaya agad na naman kaming nagpalakpakan.

"Omg Beshy! Siya yung sinasabi ko sayo!" Napalingon ako sa likod namin ng ituro ni Shekiah ang isang lalaking nakatayo pala sa duluhan nitong room.

Gulat ako ng makita ko kung sino yun. My god! Siya yung lalaki kanina!

"Together with the only child of Mr. and Mrs Anderson. Let's welcome Mr. Even Jayheart Anderson" sabi ni maam at agad na nagpalakpakan yung mga kaklase ko na may halong kilig.

Agad na naglakad yung lalaki papuntang harap kaya mas lalo akong napayuko. Sh*t! Kailangan hindi niya ako makita.

Wait ano?! Siya yung anak ng owner ng Anderson University? Oh my god Hyacinth! Gumawa ka nang kahihiyan sa harap pa mismo ng anak ng may ari ng Anderson's University.

"Hi my Dear Students" dinig kong sabi niya kaya mas lalo akong napayuko. Kinakabahn talaga ako and i don't know what to do.

"Before we proceed on announcing, can I ask something guys?" Tanong niya kaya maslalong kumaba yung puso ko.

"Earlier I meet a girl." paunang salita pa lamang niya ay tuluyan nang nanlambot ang tuhod ko at muntik na akong himatayin. My god! Ipapakulong niya kaya ako? Teka, wala naman akong kasalanan kaya dapat hindi ako kabahan. Oo tama!

"She stole something from me..." dinig kong sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko ng mapatingin ako sa kanya. Nagsimula ring magbulong bulongan yung mga kaklase ko dahil sa narinig nila.

Gosh! Wala kaya akong ninakaw sa kanya!

"And I badly need to see her" pagpapatuloy niya kaya napapikit nalang ako sa sobrang kaba. Kinakabahan kasi ako dahil baka ipatanggal niya ako sa scholarship katulad ng nangyari kay Nami ng kinalaban niya si Bryle Stanford. Char girlfriend for hire lang ang peg.

"She is Ms. Alquez. If you know her please tell where she is" sabi niya kaya natahimik ang lahat.

"She is Ms. Alquez. If you know her please tell where she is"

"She is Ms. Alquez. If you know her please tell where she is"

"She is Ms. Alquez. If you know her please tell where she is"






Paulit-ulit na nagprocess sa utak ko yung huling sinabi niya hanggang sa ma realize ko na kilala niya ako. O_O

Agad akong napatingin sa paligid at nakita ko na lahat sila nakatingin sa akin at ganundin yung lalaki...

Agad akong napatayo at tinanggal yung walang kwentang mask.

"Wala naman akong kinuha sayo po ah" magalang kong sabi habang nakatingin ng masama sa kanya. Oh diba kakaiba yng talent ko.

Agad siyang naglakad papalapit sa akin at yung footstep lang talaga niya yung umaalingawngaw sa room dahil sa sobrang tahimik.

Agad siyang lumapit sa tenga ko at bumulong kaya tuluyan ng nagwala yung puso ko.

"You stole my heart without my permission and as a punishment you need to give your heart too" sabi niya sabay smirk kaya tuluyan ng nanlambot yung mga paa ko.

What the heck ano bang galawan to?

THE GUY THEY CALLED, Mr. ProgrammerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon