CHAPTER 13- LIVING WITH THEM

11 0 0
                                    

Nagising ako ng may tumamang malamig na bagay mula sa braso ko.
Saka ko lang napansin na umaga na pala.

"How are you?" Bungad sa akin ni Emman habang hawak yung Icebag na siyang nilalapit niya sa pasa ko sa braso.

Napatingin ako sa paligid at napansin kong nandito ako sa bahay. Gosh? What is he doing here? Siya ba yung nagligtas sa akin?

Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. As far as I can remember ay nakasuot ng itim na cap at mask ito tapos nakasuot din ito ng itim na Jacket.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong naka suot ng itim na jacket si Emman kaya agad akong napaupo sa kama.

"Ouch!" Bulaslas ko habang nakahawak sa tiyan ko. Ang sakit kasi ng sikmura ko siguro ito na yung resulta ng pagsuntok sa akin ng lasing na yun.

Nagsimula na namang manginig ang kamay ko ng bumalik sa alaala ko ang nangyari. "Shekiah!" Dinig kong tawag ni Emman mula sa baba at sobrang nag-aalala ito habang nakatingin sa akin na ngayon ay umiiyak habang nakayakap sa sarili ko.

Napayakap nalang ako kay Shekiah habang umiiyak. "Huwag kang mag-alala Hyacinth, napakulong na namin sila" saad niya kaya napapikit nalang ako habang pinapakalma ang sarili ko.

"Calm down, Hyacinth" napatingin ako sa pinto ng makita kong nandoon si Calix habang may dala ng tray na pagkain.

"Please kumalma kana beshy. Everything is fine. Nandito na kami" saad pa ni Shekiah habang pinupunasan ang luha ko kaya napatango nalang ako habang nakangiti.


"Kumain ka muna" saad ni Calix habang nakatingin sa akin. "Ako na pre" saad ni Emman sabay kuha ng tray ng pagkain sa kanya at agad itong lumapit sa akin.


"Sa baba muna kami beshy" kinikilig na bulong sa akin ni Shekiah at agad na silang umalis ni Calix.

Natuon ang pansin ko kay Emman na ngayon ay sinusubuan ako ng pagkain. "Ako na, kaya ko naman" saad ko pero umiling siya.

"Just let me do it" saad niya habang nakatingin sa akin kaya ngumiti nalang ako. "Uhm? Thank you pala" saad ko habang kumakain.

Nakita ko ang pagkunot-noo ni Emman at napatawa. "Thank you for what?" Tanong nito kaya pilit akong tumawa. "Diba, you're the one who save me that night?" ani ko habang nakatingin sa kanya.

"Actually, I'm not. Ngayon palang umaga kami nakapunta dito when Calix called Shekiah and inform her about what happened to you" saad niya kaya nagulat ako. Gosh! So it means hindi siya yung lalaking yun?


"Pero magkatulad kayo ng suot" saad ko kaya natawa siya habang nakatingin sa akin. "Calix told us about what happened. Sabi niya na may lalaking pumunta dito na nakamask habang buhat ka na walang malay" saad niya kaya napayuko nalang ako. Hindi ko inakala na ganun pala yung nangyari.


I thought he's the one who saved me.























Nang makaalis na sina Emman at Shekiah ay agad na akong lumabas ng kwarto. Ginawan ako kanina ni Shekiah ng excuse letter kaya hindi na muna ako papasok para makapagpahinga.

Pagkababa ko ay nagulat ako ng makita ko si Calix na nanghuhugas ng plato. "Bakit ka nandito? Dapat nagpapahinga ka sa loob" saad niya at nagpatuloy muli sa panghuhugas kaya  lumapit ako sa kanya.

Curious kasi talaga ako sa lalaking nagligtas sa akin. Gusto ko talagang makilala siya at mapasalamatan manlang.

"Uhm Calix? Is it true na may guy na pumunta dito sa bahay, wearing black mask and cap habang dala ako na walang malay?" tanong ko kaya napatingin siya sa akin. "Yes, why?" Tanong niya habang nilalagay na sa lalagyan ang mga plato.


THE GUY THEY CALLED, Mr. ProgrammerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon