"Hmm" nagising ako ng yumakap sa akin si Shekiah. Magkatabi kami ngayon sa pagtulog at masasabi ko talagang sobrang likot niya.
Agad kong kinuha yung cellphone ko para tignan kung anong oras na. "4:25" dahan dahan kong tinangal ang kamay ni Shekiah sa akin at agad akong bumangon. Kailangan kong umuwi para maayos ko na yung regalo ko kay Shekiah.
Dahan dahan kong sinara ang pinto at agad na naglakad pababa ng mansion nila. Flashlight lang din ng cellphone ko ang gamit kong pang-ilaw. Mahirap na baka pagkamalan akong magnanakaw.
"Are you leaving now?" Halos ma pa lundag ako sa sobrang gulat ng may magsalita sa likuran ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko habang nakatingin sa kanya ng masama. "Grabe! Nakakagulat ka" sabi ko habang pinapakalma yung sarili ko.
"I'm sorry" sabi ni Emman habang may hawak siyang kape. "Oo aalis na ako, may aasikasuhin pa kasi ako" sabi ko at nagsimula ng maglakad. Gosh! Nakakahiya! Naalala ko kasi yung sinabi niya ka gabi.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng agad niya akong inunahan na buksan ito kaya napatingin nalang ako sa kanya. Nakasuot na siya ngayon ng leader jacket habang may hawak na susi. "C'mon, hatid na kita" sabi niya sabay diritso sa parking lot kaya napatulala nalang ako. Oh? Aarte ka pa ba self? Ibang galawan na yun.
"Yeahyyy! Natapos ka rin!" masaya kong saad habang nakatingin sa human size na painting ko. Canvas lang yung gamit ko at ipininta ko ang larawan ni Shekiah bilang birthday gift ko sa kanya. Wala eh, yun lang talaga yung afford kong ibigay sa kanya. A painting that full of efforts and love <3
Napatingin ako sa oras at nakita kong 5 pm na pala. Paano ba naman kasi ang tagal kong maayos yung painting lalo na't first time kong gumawa ng painting na human size kaya kabadong kabado talaga ako.
Beep! Beep!
Napatingin ako sa text message na na receive ko. Napangiti ako ng makita kong galing ito kay Shekiah.
From: Shekiah Girl <3
Beshy! Be on time ha? Hihintayin kitaaaa. Ingat! Kitakits nalang sa venue ^__^ btw, I send Kuya Emman to fetch you yieeee :*Napanugtong hininga nalang ako matapos kong mabasa yung message niya sa akin. Ang hilig talaga niyang ipagkasundo ako sa kahit sino.
Napangiti ako ng malapad ng mapatingin ako sa box na nasa mesa ngayon. Its a royal blue gown na binigay sa akin ni Shekiah para raw sa susuotin ko sa debu niya. Formal attire kasi yung motif kaya hindi na ako nakatanggi sa kanya and I really love this gown. Feeling ko tuloy ako si cinderella ^_^
Agad akong nag-ayos. Babae din ako kaya kahit papaano ay marunong akong maglagay ng make up. Ito yung mga make up at pang-ayos na binili sa akin ni Shekia sa tuwing mag shoshopping siya at ngayon ko lang din magagamit ang lahat ng yun.
After 30 minutes ay natapos na rin ako. Napatingin ako sa salamin at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang ganda kooo ^_^
Tok! Tok! Tok!
Napatingin ako sa pinto ng madinig ko doon ang sunod sunod na katok. Siguro nandiyan na si Emman na siyang sundo ko.
Agad kong binuhat yung human size na painting na ngayon ay nakabalot na. Medyo nahihirapan nga ako sa pagbuhat paano ba naman kasi ang bigat bigat.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ko binuksan ang pinto. Laking gulat ko ng hindi si Emman ang tumambad sa harap ko. "Calix?" Tanong ko sa harap niya kaya napangiti ito. Nakasuot siya ngayon ng black tuxedo tapos bagong gupit pa siya. "Yes, its me" sabi niya sabay wink kaya agad akong napangiwi sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Inis kong sabi sa kanya kaya muntik ko pangmabitawan yung painting mabuti nalang talaga at nahawakan niya. "Ako ang susundo sayo" simple niyang sabi sabay buhat ng painting. "Btw, what's this?" Sabi niya sabay lagay sa kotse. Mabuti nalang talaga at open yung klase ng sasakyan ang gamit niya.
"Its nothing, just mind your own business" inis kong sabi sa kanya. Ewan ko piro naiinis ako sa kanya. Ang hambog kasi ng dating niya.
"So you are mad now? Bakit? Dahil ba hindi si Emman ang sumundo sayo?" Sabi pa niya kaya agad ko siyang tinaasan ng kilay. Wow ha! Kung makapagsalita siya akala mo naman jowa ko siya.
"May sinabi ba ako ha?" Bulyaw ko sa kanya kaya napailing iling nalang siya sabay bukas ng pinto sa akin. "Oh. that's cute" sabi ko at umaktong kinikilig sa harap niya kaya napangiti siya ng malapad. "but I can open my own doors" pagpapatuloy ko sabay rolled eyes sa kanya kaya napatawa nalang siya.
Tahimik lang kami sa biyahe. Hindi na rin siya nagsalita at halatado sa kanyang mukha na badtrip siya.
Around 7pm ay nakarating na kami sa royal hotel at masasabi ko talagang mukha itong palasyo. Kitang kita talaga sa mga design ng hotel na only rich people can afford to rent this kind of venue.
"Ehem!" napalingon ako sa gawi ni Calix na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Nakita ko din na may dalawang lalaki na ngayon ay nagbubuhat ng human size painting ko.
"C'mon let's make an entrance" sabi niya sabay hatak sa akin papalapit sa kanya kaya muntik na akong mapayakap sa kanya. Nanatili akong nakatingin sa kanya at ganundin siya. Unti-unting gumuhit sa mga labi niya ang nakakalokong ngiti kaya agad ko siyang tinulak ngunit hinigit na niya ulit ako papalapit sa kanya.
"Kahit anong paglayo mo sa akin, still hindi ako magsasawang lapitan ka" bulong niya sa akin kaya agad ko siyang tinignan ng masama. "Utot mo, playboy ka talaga! Pa fall ka!" Bulyaw ko sa kanya kaya seryoso siyang tumingin sa akin.
"I am a programmer student. I break keyboards not heart" sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya agad akong nanigas. Omg!
BINABASA MO ANG
THE GUY THEY CALLED, Mr. Programmer
RomantizmEvery people has their ideal man. Yung tipong mabait, matapang, matalino, talentado, gentleman, makadiyos, at higit sa lahat yung gwapo. Lahat ng yun ay nandiyan na kay Calixtrou Flinn Montefalquez, ang perfect guy kung ituring ng mga kababaehan and...