LYS 1

4.9K 28 0
                                    

Loving You Secretly

"Hi." Salitang una nating binitawan ng una tayong mag kita sa ating tagpuan dito sa Paraiso. Sa Mini Stop.

"Kumusta?" Tanong ko sayo habang nakangiti.

Ngumiti ka ng pag katamis tamis sa akin kaya naman sinuklian ko ito ng kasing tamis ng ngiti mo.

"Okay naman." Sagot mo sa tanong ko.

Nag usap tayo, kung saan saan na napunta ang usapan nating dalawa, tawanan at biruan. Isa lang ang masasabi ko.

"Ang sarap mo palang kasama." Sinabi ko sa mismong harap mo napatigil ka pa nga sa pag tawa ng sabihin ko ang mga salitang 'yon. Kaya naman taka akong tinignan ka para ka pa ngang tanga na umiling iling sabay sabi ng...

"Palabiro ka pala." Natatawang sabi mo sa akin.

Gusto kong sabihin sayo na seryoso ako ng sabihin ko 'yon kaya lang naisip ko mas mabuti nading akalain mong biro 'yon.

"Medyo." Sabay tumawa ako ng pag kalakas lakas ng sabihin ko 'yon.

"Mag kakasundo tayo bilang mag kaibigan niyan."

Hindi ko alam kung dapat bakong matuwa ng sabihin mo ang mga katagang 'yon. Wala akong masagot sa sinabi mo kaya ngumiti lang ako....ngiting dimo aakalain na peke dahil pilit pinapaabot hanggang mata.

"Sandali ah," bigla mong sabi. Nakangiti naman akong tumango sayo. Maya maya lang ay may inilabas kang cellphone at bigla mo iyong itinutok sa'kin. Ngiting ngiti ka ng ibalik mo 'yon sa bulsa mo.

"Bakit?" Tanong ko sa'yo. Ngumiti ka lang at umiling iling.

Medyo madilim na ang langit at mukha talagang kailangan ko ng umuwi sa bahay.

"Aalis kana?" Tanong mo ng makita mong inaayos ko ang gamit ko.

"Gusto mo ba?" Hindi ko alam kung bakit gano'n ang sinabi ko sayo, halatang gulat ka sa sinabi ko. "bes." Dagdag ko.

"Stay can you?" Seryosong sabi mo sa'kin. Ngumiti ako sayo at inilabas ang cellphone at tinignan ang oras sabay balik ulit ng tingin sayo.

"Sige, para sayo bes." Nakangiting sabi ko sayo, ngumiti ka naman ng pagka laki laki at bakas ang tuwa sa mapupula mong labi. Hindi ko alam pero nakaramdam din ako ng tuwa ng malaman kong gusto mong manatili pa ako.

Ilang sandali lang ang itinagal natin do'n sa Mini Stop. Nag katitigan pa tayo at sabay tumango at sabay ding tumawa na para tayong nakakapag usap gamit ang mga tingin nating dalawa.

"Pinag titinginan tayo ng nga tao." Natatawang sabi ko sayo.

"Hayaan mo sila, Christine." Sabi mo sa'kin. Kaya naman nakinig ako sayo at pinag patuloy ang malakas na pag tawa.

"Tara na nga, Louie...pinag titinginan na tayong dalawa e." Nahihiyang sabi ko sayo parang wala lang naman sayo ang mga taong nasa paligid natin dahil naka titig kalang sa'kin habang nakangiti.

Napa kunot naman ang noo ko at kinapa ang mukha dahil baka may dumi ito at nakakahiya dahil hindi lang ikaw ang makakakita dahil hindi lang tayo ang tao rito sa Mini Stop.

"Maganda ka pala." Biglang usal mo na ikinagulat ko at talagang naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko.

Pilit kong tinatakpan ngunit talagang malakas ka kaya natatanggal mo ang kamay ko sa aking mukha na nakatakip.

"You're so cute when you're blushing, Christine." Nakangiting sabi mo sa'kin.

Wala akong magawa kundi ang tumalikod sayo para hindi mo nanaman mapuna ang pamunula ng pisngi ko.

"Uuwi na ako." Sabi ko habang nakatalikod sayo.

"Ihahatid kita." Walang pagdadalawang isip mong sabi sa'kin.

Tumanggi ako ngunit mapilit ka.

"Sige na, ihahatid lang naman kita." Malambing ang boses mo ng sabihin 'yon. Wala akong magawa kundi ang sumuko.

"Sige na nga, mapilit ka e." Sumusukong sabi ko.

Tuwang tuwa ka ng pumayag ako at hindi na pinilit ang gusto kong huwag mo na akong ihatid. Unang araw palang natin na nag kasama nakuha mo na agad ang tiwala ko, puro ka kwento tungkol sa mga nangyari sayo nung kabataan mo sabi mo pa nga dahil sa kakulitan mo hindi mo napansin na mauuntog kana sa pinto.

"Iyak ako ng iyak no'n, ang sakit kaya mauntog." Parang batang sabi mo sa'kin.

Wala akong magawa kundi ang matawa sa mga ikinukwento mo.

Masarap ka nga talagang kasama.

Loving You Secretly (Completed)Where stories live. Discover now