LYS 17

562 7 0
                                    

Loving You Secretly

"Sobrang pag titiis ang ginawa ko! Tinitiis ko lahat ng selos! Lagi nalang isinasagot ko sakanya para sayo, bes! Lagi nalang para sakanya! Kahit si Joss ang kasama ko siya lang ang nasa isip ko! Iniisip ko kung sumasaya naba siya sa feeling mo? Pero nung makita ko siyang nakangiti habang kasama ka, pinapatay ako sa sakit! Sobrang sakit! Gusto ko kasi sa'kin lang siya sumasaya and it hurts like hell seeing him smiling with other girls! Bestfriends kami kaya takot akong malaman niya na gusto ko siya, na gustong gusto ko siya! Mahal kona siya na hindi ko din namamalayan! Parang gumuho ang mundo ko ng malaman kong kayo na! Ni minsan hindi ko ginustong sirain kayo o bigyan manlang kayo ng problema! Ang gusto ko lang ay kahit konting oras, kahit konting atensyon lang basta mabigyan niya lang ulit ako ng pansin okay na ako do'n! Okay na okay na! Kaya hindi kita maintindihan kung bakit ako ang sinisisi mo sa mga nangyayari sainyo!"

"Sa totoo lang na-mimiss ko yung mga yakap niya, yung pag haplos haplos ng buhok... Lahat. Lahat ng mga bagay na sa'kin niya pa lang ginagawa nung wala kapa."

"Swerte ka, swerte ka kasi lahat ng ginagawa niya sayo ay ni minsan hindi niya nagawa sa'kin o sa ibang babae dahil lagi akong nakabuntot sakanya, kahit yung pag tulog niya sa bahay mo nung umuwi siyang lasing andoon ako at pinipilit ko siyang sumama sa'kin pero ayaw niya talaga ikaw daw ang gusto niya, sayo lang daw siya sasama."

Inaalala ko ang gabing 'yon na wala siyang ibang ginawa kundi ang isigaw ang pangalan ni Abby at na mahal niya ito. Nagugulahan ako hindi ako maka imik, wala manlang masabi. Wala manlang pumapasok sa isip ko. Namuo ang katahimikan at hindi din nag tagal ay siya na ang bumasag niyon. Hinablot ang kamay ko at inilagay do'n ang isang cellphone na may kasamang earphone, nagugulohang tumingin ako sakanya.

"Eto! Panoorin mo lahat 'yan! Walang password 'yan, ibalik mo nalang sa'kin kapag okay na." Sabay talikod sa'kin habang ako nananatiling nakatingin sa likod niya ng bigla siyang tumigil. "Aalis na pala siya, alam moba ang bahay niya?"

Saan siya pupunta?

"Hindi," napapahiyang sagot ko.

"Wala ka talagang kwenta! Base Village Phase Four ang kanila."

Natahimik ako. Bakit si Abby ipinunta niya do'n samantalang  ako hindi. Ang sakit!

"Huwag kang mag inarte dyan! Basta panuodin mo ang nakalagay diyan dahil mapalitan 'yang pag iinarte mo dyaan." Mataray niyang sabi at tinalikuran ako. Imbes na umuwi ay dumiretso ako sa Mini stop at umupo sa lagi naming pwestong dalawa.

Binuksan ko ang cellphone at dumiretso agad sa video sabay pindot sa pinaka una. Sinalpak ko na sa tenga ko ang earphone at mas nilakasan pa lalo ang volume, napangiti ako ng lumabas ang mukha mo do'n at ngiting ngiti ka nasa kwarto ka pa nga yata.

"Unang kita na'tin, hindi kita pinansin yung hindi manlang kita kinausap yung ganun ba...kasi nahihiya ako, kaya ang ginagawa ko patago kitang tinitignan. Hahahaha! Para nga akong tanga nun eh! Para akong wala sa sarili lalo na pag minsan nakikita kitang nakatingin sa'kin nawawala ako sa sarili ko, bumibilis yung tibok ng puso ko. Yung kakaiba yung pakiramdam ko, ewan basta ayun na yun! Kasalanan kasing booth na yun eh!" Natatawa akong napatingin sa kawalan, parehas pala tayo ng nararamdaman. Matapos ng unang video ay ang pangalawa naman ang pinindot ko. Lumabas nanaman ang ngiting ngiti niyang mukha.

"Ito na! Ito na yung araw na mag kikita tayo sa Mini stop dito sa Paraiso, excited ako! Gusto ko na kasing makasama ka, makausap ka," tumingin siya sa suot na relo at bumuntong hininga sabay tumawa at tingin ulit sa camera. "Masyado akong napaaga kaya naman ang gagawin ko ay mag aantay ng mga ilang oras pa! Nakakainis naman ang bagal kasi ng oras eh," natawa ako sa hitsura niya. When he pouted. "Mamaya na nga lang ulit, babye." At pinatay niya na. Kaya naman pinindot kona ang pangatlong video na alam kong kadugtong pangalawa.

Lumabas do'n ulit ang ngiting ngiti na mukha mo at nasa Mini stop kana no'n.

"Nandito ako sa sulok, hinihintay nalang si crush, ang napaka ganda kong crush. What the?! Para akong bakla HAHAHAHA! What is happening to me?! Seriously?! This is not me! Wait andyan na siya andyan na! Napaka ganda niya talaga, yung makita mo palang yung mukha niya mapapangiti kana. Osige! Mamaya nalang ulit lalapitan kona eh, panget pag hintayin ang mga babaeng maganda na katulad niya." At do'n ulit natapos ang video.

Natatawa ako. Para siyang vlogger. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang inaalala ang pagkikita namin sa Mini stop. Sinunod ko naman ang pang apat.

"So ayun! Nakaka enjoy! Eto na 'yata ang pinaka masayang araw sa tanang buhay ko yung makasama yung babaeng crush ay hindi na pala crush kasi gusto ko na siya hindi na ito paghanga lang. Grabe yung tuwa ko ng payagan niya akong ihatid siya syempre malalaman kona kung saan siya nakatira kaso habang naglalakad kami parang gusto kong bumalik kami ulit sa Mini stop tapos yung lakad namin papunta sakanila ay sobrang bagal yun sobrang liliit lang ng pag hakbang, nang makarating kami sa tapat ng bahay niya at ng sabihin niyang siya lang mag isa, nakaramdam ako ng matinding pag aalala. At nung tanungin niya ako kung merong susunod pa hindi ko alam kung anong isasagot ko ayokong kasi mahalata niya na gusto kong may susunod pa."

Loving You Secretly (Completed)Where stories live. Discover now