Loving You Secretly
Una pala tayong nag kita ay nung isang beses na nag karoon ng isang booth sa school natin. Nakita kita hindi ko alam kung napansin mo ba ako kasi kung ako ang tatanungin pansing pansin kita. Bawat kilos mo nun ay napapansin ko.
Isang kanto nalang ang papasukan natin mag hihiwalay na tayong dalawa, ilang oras naman tayong nag kasama ngunit bakit parang kulang pa, hindi pa ako kuntento. Kaya naman humarap ako sayo at ngumiti.
"May susunod paba?" Seryosong tanong ko sayo ngunit may ngiti sa mga labi.
"Gusto moba?" Balik tanong mo sa'kin.
Hindi ko alam kung bakit kailangan mokong sagutin ng tanong. Bakit ano bang mangyayare pag sumagot ako ng OO? May susunod ba?
"Madami pang susunod." Nakangiting sabi mo sa'kin ng mapansing ilang segundo akong hindi naka sagot sa tanong mo.
"Best friends?" Matamis ang ngiti sa mga labi mo kaya hindi kita matanggihan.
"Best friends." Sagot ko sayo. Ngumiti ng pag kalaki laki.
Sumagot ako kahit hindi best friends lang ang gusto ko. Gusto ko ng mas higit pa do'n. Simula ng mapansin kita hindi ko namamalayang nagugustuhan na pala kita.
"Tara, isang kanto nalang malapit na." Sabi ko sayo.
Ngumiti ka naman, yung ngiting gustong gusto kong nasisilayan sa araw araw. Ito yung dare sa booth sa school kailangan naming mag date ng isang araw.
Andamin naiinggit dahil sa dinami dami daw ay ako pa ang napili ng mga kaklase niya.
"Dito na." Sabi ko sayo ng nasa tapat na tayo ng tinitirhan ko. Tumingin kapa ro'n.
"Ikaw lang mag isa?" Tanong mo sa'kin matapos tignan ang maliit na bahay sa tapat nating dalawa.
"Ako lang, bakit?" Nakangiting tanong ko sayo.
"Mag iingat ka lagi, call me wait, I'll give you my number." Sabay kuha ng cellphone sa bulsa mo. "Give me your phone." Utos mo sa'kin na agad ko namang sinunod at iniabot sayo.
Nang makuha mo ang numero ko ay ngiting ngiti ka hindi ko alam kung bakit pero ng ibalik mo sa'kin ang cellphone ko ay ngiting ngiti kana sobrang laki ng pagkaka ngiti mo.
"Why are you smiling like that?" I asked.
Natawa ka ng mahina at umiling iling.
"Sige na pumasok kana." Sabi mo sa'kin sabay hagod sa buhok ko, gusto kong pumikit dahil sa sarap ng pag hagod na ginagawa mo.
"Salamat sa pag hatid." Matamis ang ngiting sabi ko sayo, nakangiti ka namang tumango sa'kin.
"Ingat." Sabi ko bago tuluyang pumasok at hindi kana nilingon pa dahil baka hindi ko mapigilang tumakbo papunta sayo at yakapin ka.
Pag kapasok na pag kapasok ko ay umupo ako sa matigas kong sofa ng maramdaman kong mag vibrate ang cellphone ko.
Have a good night, take care, Christine.
Napangiti naman agad ako sa message mo. Akala ko numero mo ang kukunin ko hindi ang numero ko. Ito na yata ang pinaka magandang gabi sa tanang buhay ko ewan ko ba.
Ilang araw ang lumipas at naging araw araw na ang naging pag alis natin. Walang gabi na hindi maganda. At ito nanaman tayo mag kasamang dalawa sa lagi nating tinatambayan dito sa Paraiso.
"Sabay tayong mag enroll." Sabi mo sa'kin agad naman akong napatingin sayo.
"Seryoso ka?" Nagugulat pang tanong ko.
"Kailan bako nag biro sayo?" Natatawang sabi mo naman sa'kin. Para nanaman akong tangang pinapanuod ang pag tawa mo.
"Sige sabay tayo, bes." Nakangiting sabi ko sayo, ngumiti ka naman pabalik at kumain nalang ng binili nating pagkain sa Mini stop.
Nag tatawanan tayo ng biglang may lumapit sa tabi mo, pareho pa nga tayong nagulat.
"Hi, Louie." Bati ng babae sayo. Napatingin kapa sa'kin at nag katitigan tayo.
Kumapit 'yong babae sa braso mo at tinignan ako ng nakakainsultong tingin kaya naman nag iwas ako ng tingin.
YOU ARE READING
Loving You Secretly (Completed)
Teen FictionMinahal kita kahit alam kong hindi dapat. Minahal kita ng sobra sobra. Minahal kita ng hindi ko namamalayan.