LYS 4

802 12 0
                                    

Loving You Secretly

Ilang buwan na pala tayong mag kaibigan at ito parin ako, patuloy padin ang pagkaka gusto sayo. Hindi na yata mawawala 'to e. Isang araw nagulat ako sa ginawa mo.

Dapat ko bang bigyan ng malisya 'yon?

Dinalhan mo ako ng dalawang box ng dunkin' donut, nawala ka ng ilang araw sabay magugulat ako pupunta ka sa bahay at bibigyan ako ng ganito. Saktong kakatapos ko lang mag linis no'n ng bahay.

Binuksan ko ang pinto ng bahay kahit gulat pa din ako, may dala kapang Coco na inumin para sa'ting dalawa. Ngiting ngiti kapa ng pag buksan kita sabay sabi ng....

"Hi."

Pakiramdam ko, ito yung unang araw na pagkaka kilala na'tin sa Mini stop. Gulat ako ng ipinakita mo sa'kin ang bitbit mo.

"Para san 'to?" Takang tanong ko sayo, ngumiti ka sa'kin bago sumagot.

"Para sa bestfriend ko." Nakangiti ngunit seryoso sa sinasabi, hindi ko alam kung ako lang ba talaga itong nagbibigay ng kahulugan pero bullshit hindi ako manhid kahit alam kong hanggang bestfriend lang talaga dapat.

Nakaupo tayong dalawa sa sofa ko habang kinakain natin ang mga dala mo. Lumayo ako ng distansya sayo, taka kapang napatingin sa'kin ngumiti lang ako bilang sagot. Panay ang titig ko sa'yo para bang kinakabisado ko ang bawat sulot ng mukha mo, kahit alam kong hindi ko naman makakalimutan. Sana hindi mo napapansin ang ginagawa kong pag titig sa'yo dahil kahit ayokong ipahalata, alam kong pwede mo pading mahalata dahil nagiging balewala na sa'kin ang lahat basta matitigan ka lang ng pag katagal tagal.

Nagulat ako ng bigla mo akong nilapit sa'yo at pinahiga sa mga binti mo sabay haplos haplos sa ulo ko.

"Mag pahinga ka, nandito lang ako." Seryosong sabi mo sa'kin, okay na sana pero bakit kailangan mo pang lagyan ng.... "Bes."

Pumikit ako at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Nagising lang ako sa isang haplos agad akong napabangon.

"Anong oras na?" Agad kong tanong sayo. "Bakit pala andito kapa?" Takang tanong ko.

Seryoso kang nakatitig sa'kin.

"Binantayan ka." Tipid niyang sagot sa'kin.

Ramdam ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko. Ganito pala talaga pag yung taong gusto mo nag sasabi sa'yo ng hindi mo inaasahan.

"Anong oras naba?" Tanong ko sayo. Parang normal lang ang tono ng boses ko pero kakaiba ang nasa loob ko.

"Past nine." Tipid mo uling sagot, nananatili ang titig sa'kin.

Gulat naman akong tumingin ulit sa'yo.

"Seryoso?!" Gulat na gulat kong tanong. Tumango ka naman kaya naman agad agad akong umalis sa sofa at kinuha ang cellphone para tignan ang oras at oo nga past nine na.

Ibig sabihin ilang oras siyang nakaupo habang ako masarap ang tulog dahil sa mabango niyang amoy at pakiramdam kong ligtas ako kapag andyan siya.

"Bakit mo naman ako binantayan? Edi ngalay kana kasi ilang oras ka dyaang naka upo at haplos ng haplos sa buhok ko?!"

"Para sa bestfriend ko." At ngumiti ng pag katamis tamis sa'kin yung ngiting gustong gusto kong makita at gusto ko ng dahil lang sa'kin.

Tinititigan mo lang ako at parang wala kang balak umuwi sainyo. Tinanong kita kung uuwi kana, gusto ko pa sanang dito ka kumain ngunit ayokong sabihin 'yon.

"Mamaya na, gusto ko kumain dito, gusto ko matikman ang luto ng bestfriend ko." Sagot mo sa'kin. Gusto kong ipaulit sayo yung paulit ulit para tama talaga ang pagkaka rinig ko.

Ngunit meron pa akong gustong marinig maliban diyan, gusto kong marinig na sasabihin mo na....

Gusto ko ang bestfriend ko, hindi lang sa bestfriend mas higit pa doon.

Pero malabo, alam kong malabo at imposible, imposible na magustohan mo ako.
Imposible na ako lang yung makita mo.
Imposible na ako lang yung makakapag pasaya sayo.
Imposible lahat ng gusto ko para satin pero kahit gano'n kaimposible meron pading salitang....

Posible.

Loving You Secretly (Completed)Where stories live. Discover now