Loving You Secretly
Nagising ako ng wala ng katabi, oo ng gumanti ako ng yakap diretso na akong humiga at ng isiksik niya lalo ako sa sarili niya ay agad naman akong nakatulog. Palagi nalang ganito pakiramdam ko lagi akong ligtas kapag kasama ko siya.
Gusto kong umiyak dahil hindi niya manlang ako binigyan ng pagkaka taon na pagka gising na pagka gising ko mukha niya na agad ang makikita ko, hindi ko alam kung guni guni ko lang ba yun o adik lang ako pero kasi ramdam ko yung pagkaka higpit ng yakap niya sa'kin.
Inalis ko nalang sa isipan ko na dito siya natulog at katabi ko at naligo na diretso. Kumakain ako ng tanghalian ng may kumatok sa pinto ko akala ko si Louie 'yon kaya dali dali akong pumunta sa pinto at binuksan 'yon ngunit gano'n nalang ang panlulumo ko ng si Joss ang nakita ko.
"What are you doing here?"
"Hindi pa tayo nag be-break, I just leave you that day."
Tumingin siya sa'kin at kita ko ang pamumula ng mata niya. Parang kakagaling lang sa pag iyak.
"Joss.." I called him softly. "Please, stop hurting yourself... I love him, I really am."
"Ako? Minahal moba ako?" Desperado ang tono ng boses niya. Napabuntong hininga ako at napahilamos sa mukha gamit ang mga palad. Nahihirapan sa sitwasyon.
"I did, pero mas mahal ko si Louie... I'm sorry, I really am sorry...please, stop hurting yourself...nasasaktan din ako, nasasaktan ako as a...friend." Naiiyak ako ngunit pinipigilan ko. Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.
"Haha! Wala talaga akong pag asa, wala na talaga. Kahit anong gawin ko siya padin talaga, gusto kong magalit sa'yo kasi simula't sapol hindi mo sa'kin sinabi na mahal mo siya kahit alam kong siya naman talaga ang mahal mo, umasa kasi ako eh! Umasa ako na pwedeng mapalitan siya diyan sa puso mo, na pwedeng ako naman! Siguro nga, siguro nga sarili ko lang ang sinasaktan ko," saktong pag tulo ng luha niya. Napaiwas ako ng tingin, nakakaramdam ako ng awa at sakit.
Sana sinabi ko, sana hindi ako natakot mag sabi! Pero huli na, huli na! Nakakabobo!
"Break na tayo." Bigla niyang sabi. "I'm letting you go but, don't forget that I'm always here...kapag sinaktan ka ni Louie andito lang ako handa akong makinig sayo, handa akong damayan ka kahit nasasaktan ako kapag nakita kitang nasasaktan ng dahil sakanya." He smiled at me. A fake smile. "I'm not asking you a favor, I'm asking you to do me a favor as a friend. Damn! It still hurts." At natawa siya, natawa din ako sa huling salitang binitawan niya kaya naman walang paga ano'y niyakap ko siya ng mahigpit na napapikit pa ako, maya maya lang ay nararamdaman kona ang pag gapang ng kamay niya sa likod ko at mas lalong hinihigpitan ang pagkaka yakap naming dalawa.
"Are you mad at me?" I asked.
"Nung una but, now? Nope. I'm not mad at you."
"Thank you! Thank you sa lahat lahat! Lagi kang andyan sa tabi ko! Thank you, Joss." Nakangiting sabi ko. Umalis ako sa pagkaka yakap at ngumiti sakanya.
"Huwag na huwag mo akong makakalimutan, babe!" May halong pagbabanta sa boses niya kahit alam kong biro lang.
"Sa gwapo mong 'yan? Never! Malabo na makalimutan kita." Humalakhak pa ako.
"Kaya nga sa gwapo kong 'to, sinaktan mo lang ako." Seryosong sabi niya na agad namang nakapag patahimik sa'kin.
"I'm sorry."
And he smiled, not a fake smile.
"I'm just kidding, babe! Haha! Bawal naba akong mag joke?"
"Hindi kasi maganda yung joke mo kanina eh." Napakamot pa ako sa batok ko at napanguso.
"I'm sorry, babe! Una na ako, papahinga na muna ako. I'm tired. Halos wala akong tulog kakaiyak! Haha!" Bahagya siyang natawa sa sarili. Nakaramdam ako ng awa nanaman.
"It's my fault, I'm sorry! Alam ko hindi madadaan sa sorry ang nagawa ko kaya sabihin mo lang ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako." I desperately said.
"I want us to be friends, yun lang. You'll be forgiven." He smiled sweetly. Tumango tango ako.
"Then, we're friends now."
"Can I still call you, babe?"
"Oo ba!" Natatawang sabi ko. Natawa naman siya.
"Alis nako! Bye, babe. Ingat ka lagi dito." And he hugged me again before leaving. Ngumiti ako ng pagka tamis tamis bago pumasok sa loob.
YOU ARE READING
Loving You Secretly (Completed)
Teen FictionMinahal kita kahit alam kong hindi dapat. Minahal kita ng sobra sobra. Minahal kita ng hindi ko namamalayan.