Loving You Secretly
Nakahiga na lang ako at tulala habang nakatingin sa kisame. At nang bigla kang tumawag agad agad kong inabot ang cellphone ko.
"Hello, Louie?"
"I need you, please... Pumunta ka sa Mini stop." And the call ended.
Agad agad akong bumangon para mapuntahan kita agad. Nakaramdam ako ng sobrang pag alala, andami kong naiisip. Kaya naman binilisan ko ang paglalakad ng makababa sa jeep pinag titinginan pa nga ako dahil nakasuot ako ng pajama at isang simpleng t-shirt. Wala na akong pakielam sa sasabihin nila o iisipin nila ang pake ko ay nasa sayo dahil kailangan mo ako.
Nasa tapat na ako ng Mini stop ng may mapansing kakaiba sa parteng gilid ng Mini stop kung saan wala gaanong tao. Para akong biglang binagsakan ng langit at lupa dahil sa nasaksihan ko. Masakit sobrang sakit! Agad namang namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung sinadya mo akong papuntahin para lang makita ko ang bagay na 'yon.
You fvckin' kiss Abby in front of me and I swear to god it hurts so much! It kills me! It kills me inside! Oh fvck! I can see that you enjoyed it! Bvllsh1t!
Kaya naman napailing nalang ako at tumalikod kasabay ng pag tulo ng luha sa mata ko. Sinadya mobang tawagan ako at kung sinadya mo, fvck! Nasasaktan ako! Ang sakit! Habang nag lalakad ay patuloy kong hinahampas hampas ang dibdib sapat lang para hindi ako masaktan, gusto ko lang maibsan ang sakit pero wala e! Mas lalong sumasakit ng makita ko kung paanong ilapit mo ng bigla biglaan ang mukha mo sa mukha ni Abby at ang pag dikit ng labi nyo sa isa't isa na halos patayin ang puso ko ng dahil sa sakit.
Sana sinabi mo na wrong number lang ang natawagan mo para hindi ako nag effort na pumunta at para hindi ako nasasaktan ng ganito.
"You loved him." Isang pamilyar na boses, dahan dahan ko itong nilingon at nakita ko ang mukha ni Joss na puno ng lungkot at may kaunting awa, hindi ko alam kung para sa sarili niya o para sa'kin dahil nakita niya akong luhaan. Patakbo akong nilapitan siya at niyakap. Napahagulgol ako. Lalo akong napahagulgol ng maramdaman ko ang pag ganti ng yakap niya at ang pag higpit nito.
"Ang sakit! Sobrang sakit! I loved him, I really loved him! Makita ko siyang may ibang kasamang babae at hindi ako 'yon, makita ko siyang may kahalikang babae at hindi ako 'yon! Fvck! Pinapatay ako sa sakit! Hindi ko kinaya yung nakita ko! Eto ako umiiyak dahil sa sakit at selos....dahil gusto ko ako yung nasa pwesto ni Abby kanina....dahil doon ang tagpuan namin!" Halos hindi na ako makahinga kakaiyak, nasasaktan talaga ako! Masakit! Mahal kona nga talaga siya, mahal na mahal. Patuloy ako sa pag hagulgol lalo na ng haplos haplosin ni Joss ang likod ko, pinapatahan.
"Nasasaktan din ako..." Biglang sabi ni Joss kaya naman napahina ang pag iyak ko. Nanatiling nakasiksik ang mukha ko sa dibdib niya habang pinapakinggan siya. "Nasasaktan akong makita kang umiiyak ng dahil sakanya, ako kasi hindi kita kayang paiyakin ng ganyan...makita pa lang kitang nasasaktan, pati ako nadadamay...pati ako naiiyak...dahil umiiyak ka...hindi sa bakla ah pero kasi...minahal kita, minahal kita ng sobra kaya nasasaktan ako ng ganito...kaya kitang pasayahin pero hindi ako yung hinahanap mong makakapag pasaya sayo yung tipong kahit simpleng biro matatawa kana...wala eh mas matimbang kasi siya kesa sa'kin...bakit kasi siya pa kung pwedeng ako nalang?" Naramdaman ko ang pag tulo ng luha ni Joss. Agad akong napaalis sa pagkaka yakap sakanya at nakita ko ang mga luha na nag babadyang tumulo.
Tumingala siya para pigilan ang pag tulo ng luha.
Ganito ba ako kamanhid para hindi maramdamang nasasaktan ko din siya? Ganito ba ako kamanhid para hindi manlang maramdaman na may taong nag mamahal sa'kin na handang masaktan mapasaya lang ako?
I'm really sorry, Joss.
YOU ARE READING
Loving You Secretly (Completed)
Teen FictionMinahal kita kahit alam kong hindi dapat. Minahal kita ng sobra sobra. Minahal kita ng hindi ko namamalayan.