Loving You Secretly
Masyadong masakit.
Wala pang isang linggo ng ligawan ni Louie si Abby dahil sinagot agad ni Abby si Louie. Gaya nga ng napag usapan namin sa ilalim ng puno sa field, kinabukasan nga ay niligawan niya para pa nga siyang tinatamad.
Nandito kami ngayon sa court at parang third wheel ako sakanila ni Abby. Naiinis ako kay Louie dahil aayain niya pa talaga akong sumama sakanila kung pwede namang huwag na dahil naaasar lang ako pag hinahawak hawakan ka niya kung saan saang parte ng katawan mo at parang okay lang sayo dahil ni simangot hindi mo manlang mapakitaan.
"Kumain kana ba?" Nagulat ako ng bigla mo akong tanungin, hindi ako nagulat dahil tinanong mo ako kung kumain naba ako nagulat ako ng tanungin mo ako kahit andyan si Abby.
"Tapos na, ikaw ba?....kayo ba?" Pilit ang ngiting tanong ko sa'yo.
"Tapos na din." Tipid mong sagot. Ngumiti nalang ako at umiwas ng tingin.
"Babe, I love you." Kinikilig na sabi ni Abby sayo.
"L-Love you, too." Sagot mo. Hindi kita matignan dahil marinig ko palang ang mga katagang binitawan mo grabe na yung sakit na nararamdaman ko paano pa kaya pag nakita ko na ang pagkatamis tamis ng ngiti mo.
Humarap ako sayo at pinipigil ang pag tulo ng luha.
"Ah ano....s-sige...u-una na ako may ano pa kasi...m-may ano ahmm basta sige una na ako." Pilit ang ngiting ipinakita ko sayo bago ko kayo talikuran.
"Masyado ng masakit." I whispered.
Sabay ng pagtalikod ko sainyo ay ang pagtulo ng luha ko.
Fuck! Ang sakit!
"Hey, Christine!" Isang boses na nakapag patigil sa'kin sa paglalakad, mabilis kong pinunasan ang luha ko at inayos ang sarili bago humarap.
"Uy! Joss, ikaw pala." Nakangiting sabi ko.
"Huwag kang ngumiti dahil halatang umiyak ka." Seryosong usal niya. Nawala naman agad ang pekeng ngiti sa aking mukha.
"Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko.
Ngumisi lang siya at pumameywang pa.
"If you forgotten, building ito ng mga Senior."
Agad naman akong nakaramdam ng hiya at tingin sa paligid at totoo nga puro mga Senior ang mga studyante dito, nalaman ko lang dahil iba ang uniform nila sa uniform namin.
"Senior kaba?" Takang tanong ko.
"Hindi, pero may kaibigan akong mga Senior and that's the reason why I'm here." At ngumiti ng pagkalaki laki. Pinaka titigan niya naman ako at napakunot naman ang noo ko. "Ganyan kaba kawala sa sarili mo para hindi mo maalalang kaklase mo ako?" Natatawang sabi niya.
"Natatandaan na kita, kaibigan kaba ni Bren?"
"Yeah," tipid mong sagot.
"Gusto niya ba ako?" Agad akong nakaramdam ng hiya dahil sa sariling sinabi.
"I like you." Seryosong sabi mo na ikinalaki ng mata ko. "That's just a dare, hindi mo lang alam kung gaano kahirap tanggapin na niyakap ka niya!" Biglang galit na ang tono ng boses mo.
"A-Ano ba, Joss! Okay l-lang yan." Pilit ang ngiting sabi ko.
"Let's eat. Alam kong hindi kapa kumakain."
Natawa naman ako na agad na ikinakunot ng noo mo.
"Sige." Pag payag ko. Bakas naman sa mukha mo ang tuwa ng pumayag ako.
Nang makapunta sa cafeteria ay siya na mismo ang pumila para sa orders namin, kaya naman hinintay ko lang siya. Maya maya lang ay dumating na siya may dalang mga pagkain. Tinulongan ko naman siya sa pag aayos ng kakainan namin.
"You like him, right?" Seryosong sabi niya. Taka naman akong napatingin sayo.
"Huh?! Sino? Si Bren?" Natatawang sabi ko ng banggitin ang huling sinabi.
"Nope. You like, Louie...right?" Seryosong tanong mo.
"No, I don't like him," pag sisinungaling ko.
"Liking him is easy but, at the same time, It really hurts." Seryosong sabi mo na tumatak sa isipan ko.
Dahil totoo ang sinabi niya. Madali siyang magustohan pero at the same time masakit din.
Sana ikaw nalang ang ginusto ko para kahit anong tago ko mararamdaman at mararadaman mo.
"Bakit mo naman nasabi 'yan? Nararamdaman mo?" Pekeng tawang sabi ko. Ngumisi ka sa'kin.
"Medyo, pero kadalasan nakikita ko sa mga mata mo...hindi ka nagsasalita pero ang dalawang mata mo ang dami daming sinasabi palagi." Seryosong sabi mo.
"H-Hindi nga kasi," pilit ang tawang sabi ko.
Gusto kitang biruin para malaman mo na hindi ako naapektuhan. Na parang wala lang sa'kin. Dahil ang totoo....
Basta pag dating sakanya, apektado ako lalo na ang puso ko.
YOU ARE READING
Loving You Secretly (Completed)
JugendliteraturMinahal kita kahit alam kong hindi dapat. Minahal kita ng sobra sobra. Minahal kita ng hindi ko namamalayan.