LYS 6

605 8 0
                                    

Loving You Secretly


Hanggang sa mag uwian wala akong ibang inisip kundi ang tungkol sa birthday ni Kisha pero ang iniisip ko ay ang mangyayari pag nagpunta si Louie do'n. Kaya naman inabala ko ang sarili ko, kahit kakalinis ko lang ng electricfan ko nilinis ko ulit ito. Nang matapos ay parang hindi kuntento kaya naman nag walis ako at nag punas ng mga tukador. Ala sais ng matapos ako, pagod na pagod ako kaya naisipan kong mag pahinga at pag katapos mag pahinga ay naligo na ako at nag palit ng pang alis para sa date kuno namin ni Bren.

Ala syete na ng matapos ako, nilugay ko lang ang buhok ko at nag lagay ng kaunting blush on pati nadin ang labi ay nilagyan ko ng kaunting lip gloss. Pakiramdam ko tinatamad akong umalis ng bahay, ayokong tumuloy. Nagulat ako sa sunod sunod na katok na nagmula sa likod ng pinto.

Pagka bukas na pagka bukas ko iniluwa no'n si Louie. Nakayuko siya ng mag angat siya ng tingin walang ano ano'y niyakap niya ako.

"Huwag ka nang tumuloy, dito lang ako...hindi ako pupunta sa birthday ni Kisha...dito ka lang huwag kanang umalis. I promise I'll stay here with you so please don't leave." Tuloy tuloy mong sabi.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para bang ayaw mo akong mawala, ayaw mong mawala ako sayo. Gumanti ako ng yakap sing higpit ng iyo.

"Wala naman talaga akong balak na pumunta e, pero kasi pupunta ka sa birthday ni Kisha----"

"Hindi na nga ako tutuloy, bes, so please...huwag ka nang tumuloy dito ka nalang...dito nalang tayo."

Ang sarap pakinggan ng mga salitang binibitawan mo ngayon, gusto kitang kotongan para mahimasmasan ka. Okay na sana pero sinamahan mo pa ng bes ang sakit lang.

"Para sayo," naiiyak ako pero pinipigilan ko. "Bes."

Ganito ba talaga pag gusto mo ang isang tao? Ganito ba talaga yung pakiramdam no'n? Ganito ba talaga pag nagkagusto ka sa isang bestfriend mo?

Oo nga pala, bestfriend nga pala tayo.

"Let's go." Yaya ko sa'yo sabay singhot singhot. Kunot noo ka namang napatingin sa'kin.

"May sipon ka?" Masungit mong tanong. Gusto kong matawa ng palihim.

"Wala, bes." Pilit ang ngiting sabi ko.

Naiiyak kasi ako bes kaya parang may sipon ako.

"Please, Christine. Alagaan mo ang sarili mo kapag bukas meron kapang sipon na 'yan, dito ako titira. Try me." Mawtoridad mong sabi sa'kin.

"Talaga?" Hindi ko alam pero parang excited ang boses ko ng tanongin kita.

"Yes, so please lang kung ayaw mong dito ako tumira alagaan mo ang sarili mo." Seryosong sabi mo sa'kin.

"Huwag ka ngang mag biro ng ganyan, mamaya maniwala ako e." Pilit ang tawang sabi ko sayo.

"Gusto moba?" Bigla mong tanong sa'kin agad naman akong napatingin sayo.

"Ewan sayo, kumain kana lang dyan." Pilit ang tawang sabi ko sabay talikod at kunyari may inaayos.

"Sabayan moko." Seryosong usal mo. "Ayokong kumain ng hindi ka kasabay." Ng sabihin mo ang salitang yon ay agad agad akong napalingon sayo at dali daling lumapit.

"Sige tara kumain na tayo." Nakangiting sabi ko sayo ng biglang may maalala. "Paano pala si Bren?" Tinignan mo ako na para bang wala kang pake sa tao.

"Hayaan mo siya roon."

Gulat na gulat naman ako ng sabihin mo 'yon.

"Sandali, pupuntahan ko lang yung tao...kawawa naman e." Sabi ko sayo at dali daling kinuha ang sling bag pati ang cellphone paalis.

Hindi na kita nilingon dahil baka mapilitan nanaman akong mag stay. Sumakay ako sa jeep ng walang ano ano at ng makarating sa park na tinutukoy ni Bren ay nakita kon si Bren, nakatayo sa may bakal ng swing habang ang dalawang kamay ay nakapasok sa loob ng bulsa.

Sakto namang pag lingon niya ay nakita ako, pilit akong ngumiti. Patakbo naman siyang lumapit sakin at walang ano ano'y niyakap ako.

Bakit kailangang may yakap?

Loving You Secretly (Completed)Where stories live. Discover now