LYS 18

588 6 0
                                    

Loving You Secretly

"Kaya naman ang isinagot ko ay tanong gusto moba? Hinihintay ko ang magiging sagot mo ngunit ilang minuto na ang nakalipas wala pa din akong nakukuhang sagot kaya naman sinabi ko nalang na marami pang susunod. Napansin niya pa nga na ngiting ngiti ako ng kinuha ko ang number niya. Iba yung nararamdaman ko."

"Nasa Mini stop ulit kami no'n ng biglang may babaeng lumapit sa'kin, napatingin siya sa'kin agad akong nakaramdam ng kaba at ng takot. Takot na iwanan niya ako bigla doon at kaba dahil baka magka totoo yung kinakatakutan ko. Ayokong isipin niya na niloloko ko siya. Ayokong isipin niya na may babae ako. Kaya naman pinaalis ko ng pilit dahil ayokong sayangin ng babaeng 'yon ang oras naming mag kasama. Gustong gusto ko yung oras na patuloy lang siya sa pag haplos sa pisngi ko ayoko siyang sawayin dahil nagugustohan ko ang ginagawa niya, ayoko ng hinahawakan ang pisngi ko o haplosin pero sakanya, nagugustohan ko....gustong gusto ko."

"Sobrang saya ko ng malaman kong kaklase ko siya, abala ako sa pag titig kay Christine at biglang may umagaw ng atensyon ko napatingin ako kay Kisha, pinipilit niya akong pumunta sa birthday niya, nakita ko ang pag tingin ni Christine sa'kin gusto kong isipin na pinipigilan niya ako at para bang kailangan ng pag payag niya," natahimik muna siya at parang nahihirapang sabihin ang nasa isip. He lick his lower lip. "Sobra akong nainis ako ng yayain ka ni Kenneth na kumain kasabay siya at nainis ako ng pumayag ka! Selos ba yung nararamdaman ko o inis? Dahil dapat ako yung kasabay niya at hindi si Kenneth! Kaya tuwang tuwa ako ng sabibin niyang walang makakapantay sa'kin."

"Gabi ng hindi ko matiis na hindi siya pigilan pumunta sa date, kaya naman pag kabukas na pag kabukas niya ng pinto ay niyakap ko siya. Hindi ko na alam kung ano ano ang lumalabas sa bibig ko dahil ang gusto ko lang ay huwag na siyang tumuloy, gusto ko sa tabi ko lang siya. Gusto ko sakin lang ang atensyon niya. Gusto ko sa'kin lang siya. Pumayag siya kaya sobra ang tuwang naramdaman ko...sobrang tuwa pa ang naramdaman ko ng sabay kaming kakain ngunit agad ding naudlot ang sayang naramdaman ko ng pupuntahan niya pa yung nag aya sakanya, kahit anong pigil ko. Wala! Mas pinili niya pa din yung lalaking yun kaya naman sinundan ko siya. Ilang minuto lang ay nakarating din ako at kitang kita ko yung pagya-yakapan nilang dalawa. Damn! It hurts! Sobra! Pero sino ba ako? Wala naman so, ayos lang. Ayos lang talaga."

Napabuntong hininga pa siya. Unti unti na akong nagugulohan.

"Nakatambay kami sa court kasama si Abby na girlfriend kona, kaya naman ng mag i love you sa'kin si Abby hindi ko alam kung anong sasabihin ko...dapat ko bang sabihin na mahal ko din siya? Kasi andun siya eh. Nagulohan ako ng matapos kong sumagot ay bigla siyang nag dahilan ng kung ano ano, nagugulohan ako gusto kong isipin na aalis siya dahil hindi niya gusto yung narinig niya, pero malabo yun eh! Kaya naman hinayaan ko na lang siyang umalis pero hindi din nag tagal ay sinundan ko siya at hindi ko alam pero nag seselos ako sa nakikita ko that time! Seeing her talking with other guy! I don't like it! Kaya naman imbes na lapitan ko siya umalis na ako, ayokong gulohin siya."

"Isang buwan! Isang buwan kong tiniis ang pag iinarte ni Abby, gustong gusto ko siyang hiwalayan pero dahil gusto ni Christine 'yon. Hindi ko magawa kaya naman ng may date kami niyaya ko siya. Naiinis ako! Kasi nagagawa niya na akong tanggihan ng dumating ang Joss na 'yon! Oo na! Gago ako para ayain siya sa date namin ni Abby, pero kasi...gusto kong kasama siya, gusto ko kahit may iba gusto ko andyan lang siya sa tabi ko, ayoko ng malayo siya sa'kin pero gusto kong masubukan kung anon mararamdaman niya kapag nawala ako," He looks so frustrated. Akala ko tapos na ang video ng bigla siyang lumingon ulit sa camera at nag salita. "I think, I am falling in love with my bestfriend." And the video ended.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko at sa nakita kong ekspresyon siya mukha niya, parang totoo yung sinasabi niya para galing pa sa puso. Hindi ako makapaniwala.

"Uminom ako, araw araw wala akong ibang ginawa kundi ang uminom! Mag mukmok! Si Abby na walang ibang ginawa kundi ang sigaw sigawan ako paulit ulit tinatanong kung ano bang nangyayari sa'kin at nagkaka ganito ako. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at nasigawan ko siya at nasabing....because I'm fvcking in love with my bestfriend! Sa sobrang lakas ng sigaw ko dinig na dinig sa buong condo unit ko! Napatahimik siya no'n at walang lingon lingong umalis. Hindi ko siya sinundan dahil ayoko siyang sundan, baka pag sinundan kopa siya lalo ko lang siyang masaktan. She's so desperate to be beloved by someone and I can't love her the way she wants to be belove because I'm in love with my bestfriend....in love with Christine." Halata sa mukha niyang nahihirapan siya. Naluluha ako dahil hindj ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Lahat ng ito halatang totoo walang biro biro dahil makikita mo din ang frustration sa mukha niya at ang pamumuo ng luha at ang pag gulo gulo ng buhok. "Linggo ang nakalipas at hindi niya alam kung gaano kahirap para sa'kin na hindi makita ang ngiti niya, hindi marinig ang tawa niya, hindi siya makasama. Sobra! Sobrang hirap!"

Natandaan ko yung araw na sinugod ako ni Abby, baka dahil dito kaya niya ako iniirap irapan.

Loving You Secretly (Completed)Where stories live. Discover now