Loving You Secretly
Hindi ko alam kung dapat ba akong umalis sa pwesto ko. Walang ginawa ang mga kaklase natin kundi ang asarin kayong dalawa ni Abby, naiinis ako dahil sinasabi nilang bagay kayo e kung tutuusin...
Mas bagay tayo.
Maganda naman talaga si Abby hindi ko 'yon mapag kakaila, may katangkaran din at sexy malaki ang bo*bs. Kahit hindi mo sabihin alam kong gusto mo ang mga ganyang klase ng katawan ng babae. Naiinis ako dahil hindi mo manlang sila pigilan sa ginagawa nila at ang mas kinaiinis ko ay parang tuwang tuwa kapa sa ginagawa nila.
Hindi ko mapigilang hindi sumimangot parang wala lang naman ako dito e, so ano pang kwenta ng pilit na pag ngiti ko kung ikaw mismo hindi maramdamang nandito ako, nakikinig sa mga kantyawan ng nga kaklase natin. Saktong pag tingin ko sayo ay ang pag tama ng tingin natin, hindi ko alam kung kanina kapa nakatingin sa'kin o nag kataon lang. Nakangiti kapa at biglang nawala 'yon ng makita mo ako.
Nararamdaman mo ba ang talas ng tingin ko?
Walang ano ano'y umalis ako sa kinauupoan ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta basta patuloy lang ako sa paglalakad at ang iniisip lang ay makalayo ako do'n. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa ilalim ng puno sa field, tahimik at napaka sariwa ng hangin.
Ilang minuto lang ay biglang may nag salita sa likuran ko.
"Bakit ka umalis?" Tanong ng isang boses na gustong gusto kong naririnig.
"Masyadong maiinit dahil madami masyadong tao ang nasa pwesto natin kanina." Malamig ang boses kong sabi sa'yo. Nilingon kita at nananatili kalang na nakatayo sa likuran ko. "E ikaw? Bakit ka umalis?"
Nag kibit balikat ka.
"Hindi na ako natutuwa."
Sinungaling!
"Oh? Talaga? Nung iwan kita ngiting ngiti kapa ah." Pekeng tawang sabi ko sa'yo. Naramdaman kong umupo ka sa tabi ko.
"Gusto mo bang ligawan ko siya?" Seryosong tanong mo sa'kin.
"Sige, ligawan mo." Agad kong sagot. Dahil baka yun ang ikasaya mo.
Para sa ikakasaya mo, kahit na ikakasakit ko basta para sa ikakasaya mo, handa akong tanggapin kahit anong sakit.
"Okay lang sayo?" Seryosong tanong mo. Natatawa naman kitang tinignan sabay siniko, tama lang para hindi ka masaktan.
"Para sayo, bes." Nakangiting sabi ko sayo. Pilit na ngiti.
Ayoko. Ayokong ligawan mo siya. Ayokong gawin mo dahil lang sinabi ko. Ayoko na sa iba ang atensyon mo. Gusto ko...
Akin ka lang...
"Kailan mo gustong simulan?" Tanong mo.
For fvck's sake! Gusto kitang sapukin para matauhan ka. Ganyan kaba kamanhid? Gaano ba karaming anesthesia ang inilagay sayo para maging ganyan ka kamanhid? Hindi mo ba mabasa sa mga mata ko, ang mga salitang gustong pumigil na ligawan mo siya!
Masakit pero...kakayanin kopa kakayanin ko hanggang sa wala nang matira sa'kin at ako naman ang maging manhid sa ating dalawa.
"Bukas na mag sasayang kapa ng araw kapag pinatagal mopa."
Ako na yata ang pinaka magling umarte pag dating sa pag tago ng pagkaka gusto sa isang tao.
"Talaga bang bukas na?"
"Oo nga! Ano ba gusto mo? Paabutin pa ng pasko?" Natatawang sabi ko sakanya.
Ang galing mo, Christine...ang galing.
"Sige sisimulan ko na bukas, gusto mo eh." At walang ano ano'y, niyakap ako.
Gusto kitang tanungin kung bakit napapa dalas ang pag yakap mo, ngunit natatakot ako sa magiging sagot mo.
"Excited ka noh?" Natatawang tanong ko sayo. Pilit na tawa.
"Bakit mo naman nasabi?"
"Ang bilis kasi ng tibok ng puso mo, ramdam ko." Sabay galaw ng palad ko sa dibdib niya at pinakiramdaman ulit. "Mas lalong bumibilis oh. Sobrang excitement naman ata ang nararamdaman mo." Pilit nanaman akong tumawa.
Naiinis ako sa sarili ko, ang plastick ko na masyado.
"Sa ibang dahilan kasi kaya 'yan mabilis." His voice was husky. Halos mapapikit pa ako ng maramdaman ang kaunting hangin na lumabas galing sa bibig mo, "isang tao lang ang nakakapag pagawa sa'kin nyan."
Sana kasi ako nalang...
YOU ARE READING
Loving You Secretly (Completed)
Teen FictionMinahal kita kahit alam kong hindi dapat. Minahal kita ng sobra sobra. Minahal kita ng hindi ko namamalayan.