Loving You Secretly
Isang buwan. Isang buwan na ang lumipas at kayo pa din. Gustong gusto mo akong sinasama sa mga dates nyo, ngunit tumatanggi ako. Gusto kong sabihin sayo ang dahilan kapag tinatanong mo ako.
"Bakit ba ayaw mong sumama?" Inis kong tanong. Peke naman akong ngumiti.
"Ano ba! Date nyo yun eh! Moment nyo yun!" Natatawang sabi ko. Pekeng tawa nanaman.
"Sumama kana. Gusto kong andun ka." Seryosong sabi mo na ikinainis ko.
Bakit gusto mong andun ako? Bakit? Huwag mong gustohin dahil nasasaktan ako. Bawat araw, bawat araw nasasaktan ako.
"Ayoko nga kasi, Louie."
"Ngayon ka lang tumanggi sa'kin."
"Kayo nalang kasi, kaya nyo na 'yan." Peke nanamang natatawa ako sa harapan mo.
"Why is it because of Joss? Nililigawan kaba niya? Does he likes you? Tell me!" Bigla mong sigaw. Mabuti nalang at break time kaya tayong dalawa lang ang nandirito sa loob ng classroom, buti naman at naiwanan ka ni Abby dahil pinilit mong iwanan ka muna.
"Papayag kaba?" Seryosong tanong ko sayo. Matagal bago ka umimik.
"Sige, ingat ka nalang palagi." Seryosong sabi mo. Napakunot noo naman ako at napanguso.
"Bakit ka ganyan? Para kang mawawala. Nakakainis!"
Hindi mo na ako sinagot at tinalikuran mo na lang ako basta basta. Gusto kitang tanungin kung ano ba ang problema mo! Masaya ka naman, hayaan mo namang maging masaya din ako. Hayaan mo namang sa iba matuon ang atensyon ko. Hayaan mo naman akong may ibang magustohan.
Bumuntong hininga nalang ako. Lumipas ang ilang linggo ay wala akong nakitang anino ni Louie. Nanliligaw nadin sa'kin si Joss.
"Hey, Love! Are you okay?" Bakas ang pag aalala sa boses niya. Nandito kami sa loob ng cafeteria at sabay na kumakain.
"Okay naman ako, let's just eat." Pilit ang ngiting sabi ko.
Hindi ko alam pero nung nakaraan naman ay nakita kopa siya nung uwian. Bakit hindi ko manlang siya makita, eh si Abby nakaka salubong kopa minsan at grabe ang pag irap na ginagawa niya sa'kin. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan niya para irapan nalang ako kahit wala naman akong ginawang ikakainis niya sa'kin. Kaya naman ng minsan kaming magka salubong ay hindi na ako nakapag timpi pa at hinarangan ko ang dadaanan niya.
"Ano bang problema mo sa'kin?" Hindi galit ang tono ng boses ko pero bakas ang pang gigigil.
"Talagang tinatanong mo pa 'yan?! Kapal mo, Christine! Alam mo yun? Napaka kapal mo!" Galit na sabi ni Abby sa'kin. Napakunot ang noo ko sa inis.
"Hindi kita maintindihan! Bigyan mo ako ng rason para maintindihan kita!"
"Sa susunod nalang, sa susunod tandaan mo!" May banta sa tono ng boses mo.
Walang ano ano'y tinalikuran ako ni Abby. Napapailing naman ako at lumakad nadin papunta sa field sa palagi kong tinatambayan, kaya ganun nalang ang gulat ko ng makita ang taong miss na miss ko na, na gustong gusto ko ng makita.
Patakbo akong lumapit sakanya at yumakap.
"Where have you been? Ang tagal mong nawala." Halos mabasag na ang boses ko. "Hindi mo manlang sinabi sa'kin kung saan ka pumunta! Hindi mo manlang inisip na may naghahanap sayo at ako 'yon! Hindi mo manlang inisip na may mag aalala sayo at ako 'yon! For fvck's sakes, hindi mo manlang ako naalala."
Hindi kona napigilan ang sarili at tumulo na ang luha ko. Naramdaman ko ang dahan dahang pag gapang ng kamay niya papunta sa likoran ko, patuloy ako sa pag iyak lalo pa akong naiyak ng mas higpitan niya pa ang pagkaka yakap sa'kin at mas lalong idiin ang katawan ko sakanya. Patuloy ako sa pag hagulgol.
"Why are you crying?" Seryosong tanong mo. Kaya naman napahiwalay ako sayo.
"Because, I fvcking missed you! Bvllshit, Louie! Hindi mo alam kung anong naramdaman ko na ni isang text o tawag manlang ay hindi mo nagawa!" Pinigilan ko ang pag hikbi.
Good god! I really really missed him!
"Ano ba talaga ang iniiyak iyak mo? Ano ang dahilan niyan?" Seryosong tanong mo sabay gulo ng buhok.
Gwapo ka parin!
"Pinag alala mo ako!" Sabay tulo nanaman ng pesteng luha ko.
Wala ka bang balak maubos?!
"Nandyan naman si Joss diba? Kayo na nga." Sabay tawa at biglang ngisi. Agad namang napakunot ang noo dahil sa pag tataka at nagulat din ng kaunti.
YOU ARE READING
Loving You Secretly (Completed)
Teen FictionMinahal kita kahit alam kong hindi dapat. Minahal kita ng sobra sobra. Minahal kita ng hindi ko namamalayan.