LYS 14

497 5 0
                                    

Loving You Secretly

"Tama nga ang hinala ko, gusto mo siya hindi mo lang masabi sa'kin...alam mo bang masasaktan ako kaya hindi mo sinabi sa'kin? Sana maaga palang sinabi mo na oh wait! You don't need to tell me kasi sa kilos at tingin mo palang mahahalata ng gusto mo siya pero pag andyan na siya sa harapan mo natatakot kang ipakita ang totoo mong nararamdaman sakanya dahil iniisip mong malalayo siya sa'yo kapag sinabi mo ang sikretong pinaka tatago tago mo...handa ba talaga ako? Kasi kung handa ako hindi ako iiyak sa mismong harapan mo...it hurts me and see you crying because of that guy, it hurts me more! Papalayin na kita..dapat ba kitang palayain kahit alam kong ni minsan hindi ka nag pakulong sa mga bisig ko dahil iba ang gusto mo at hindi ako...hahayaan na kita dapat ba kitang hayaan kahit alam kong hindi kailangan ng permiso ko ang mga bagay na dapat mong gawin at gusto mong gawin...don't worry about me, naging masaya naman ako nung mga araw na kasama kita kahit  wala sa'kin ang atensyon mo dahil nasa sakanya kahit wala siya sa paligid mo...siya ang hinahanap hanap mo kahit ako ang kasama mo... Mahal kita kaya hahayaan na kitang maging masaya kahit sa piling ng iba at hindi sa'kin." He smiled, a one sad smile and after that he left...me alone.

Hanggang sa nakauwi ako na ako ay nag papaulit ulit padin sa utak ko ang mga binitawang salita ni Joss. Naiinis ako sa sarili ko dahil iniisip ko lang ang sarili ko, iniisip ko lang ang feelings ko para kay Louie pero ang feelings ni Joss hindi ko manlang iningatan.

Nasaktan ko siya.

Lumipas mga araw at nakikita ko minsan si Abby na ibang lalaki ang kasa kasama ngunit hinahayaan ko nalang, iniisip na baka kaibigan nyo lang. Nakahiga ako sa kwarto at tulala nang biglang sunod sunod na malakas na katok ang narinig ko kaya naman dali dali akong bumaba. Pag kabukas na pag kabukas ko ay bumungad sa'kin ang lasing na Louie.

Amoy alak.

Amoy sigarilyo.

At amoy babae.

Agad kitang inalalayan para hindi ka matumba dahil sa kalasingan. Nangangalingasaw ka. Hindi mabaho pero halo halong amoy ng alak at sigarilyo. Imbes na sa sofa kita pahigain ay dinala kita sa kwarto ko. Pinahiga kita roon at pinunasan kinuha ko agad ang t-shirt na ireregalo ko sa birthday mo dahil tatlong tulog nalang ay kaarawan mo na, masyado akong excited kaya naman binilhan kita sa penshoppe ng t-shirt.

Pinunasan muna kita bago kita bihisan, ang sakit ng katawan ko dahil sa bigat mo pati ang kamay ko ay nangalay sa pag buhat sayo.

"Abby!" Sigaw niya kaya naman nagulat ako.

"Anong nangyayari sa'yo?"

"Abby! I love her! I really love her!" Paulit ulit mong sabi.

Durog na ako, Louie! Binubuo ko na yung sarili ko! Ano nanaman ba 'to?! Ano 'to?!

Bakit ba kasi? Bakit kailangan kong magka gusto sa isang tulad mo? Dati naman hindi pa ganito kalakas ang epekto ng pag ngiti ngiting ginagawa mo. Dati naman hindi pa ganito kalakas ang epekto ng pag akbay akbay mo. Dati naman hindi pa ganito kalakas ang epekto ng pag yakap yakap mo at ang pag haplos haplos sa buhok ko. Pero ngayon sobrang lakas na, bumibilis ang tibok ng puso ko na parang tumatakbong kabaho dahil sa sobrang bilis at parang may mga paro paro sa tiyan kong nag liliparan.

"I really like her! I love her! Abby! Please! I love her!"

Napapapikit ako dahil sa sakit! Ang sakit sa dibdib! Pinipigilan ko ang sariling umiyak habang patuloy sa pag punas punas.

Kaya kaba nagpaka lasing dahil iniwan ka niya? Dahil may iba na siya? Gano'n mo ba siya kamahal para paulit ulit mong sabihin 'yan at ang masakit pa ay sa'kin mo pa sinasabi. Nagulat ako ng bigla mo akong hilain pahiga at niyakap ng sobrang higpit na para bang ayaw na akong mawala sa tabi mo.

And it hurts me more when...

"I love you..." He murmured.

Mapait akong ngumiti kahit masakit at gumanti ng yakap sa'yo. Marupok na kung marupok wala e mahal ko.

I love you so much.

Loving You Secretly (Completed)Where stories live. Discover now