LYS 5

679 10 0
                                    

Loving You Secretly


Lumipas ang araw at pasukan na ulit. Tuwang tuwa ako dahil magka klase tayo. Unang araw puro pagpapa kilala ang nangyari hanggang sa uwian puro pagpapa kilala lang.

Minsan nahuhuli kitang nakatingin sa'kin ayokong bigyan ng malisya dahil ayokong umasang may pag asa. Mag kagrupo tayo sa isang subject at walang ginawa si Kisha kundi ang dikit dikitan ka.

"Pumunta kana kasi sa birthday ko." Pag pupumilit ni Kisha sayo.

"Sige,"sagot mo. Napayuko naman ako.

Ano nga bang karapatan ko na kailangan pa ng permiso ko sa bawat gagawin o pupuntahan mo.

"Pero pag hindi siya pumayag, hindi ako pupunta." Dugtong mo. Hindi ko inaasahan na dadagdagan mopa ang iyong sasabihin.

Gusto kitang tanungin kung sino ang dapat pumayag para makapunta ka sa birthday ni Kisha.

"Sino ba 'yan, Louie?!" Inis na tanong ni Kisha sayo. Tumingin ka naman sakanya at ganun nalang ang gulat ko ng tumingin ka sa'kin hindi manlang nag iwas ng tingin.

"Isang babaeng importante para sa'kin, maliban kay Mommy." Seryosong sagot mo kay Kisha habang sa'kin nakatingin. Tinignan ko ang reaksyon ni Kisha at halatang inis siya sa sinabi mo.

Gusto kitang tanungin kung ako ba 'yang tinutukoy mo. Nawala ang atensyon ko ng biglang lumapit sa'kin si Kenneth.

"Christine sabay tayo mamayang break, pwede ba?" Nakangiting niya sa'kin.

Ramdam ko ang tingin mo. Matagal bago ako umimik.

"Sige." Nakangiting sagot ko. Tuwang tuwa namang umalis sa harapan ko si Kenneth.

"Ano sasama kapa ba?" Pamimilit ulit sayo ni Kisha. Nanatili lang naman akong nakayuko habang pinapakinggan ang isasagot mo.

"Sige." Sagot mo.

Hindi ko alam pero nainis ako ng pumayag ka. Sinabi mopa na kailangan mo ang pag payag ko.

Sinabi niya ba 'yon? Nakakainis sana wala nalang akong tenga!

Natapos ang ilang subject at sa Bio tayo mag katabi. Hinihintay kong mag salita ka tungkol sa birthday na pupuntahan mo ngunit wala ka manlang nabanggit, puro tungkol sa pag sabay lang namin ni Kenneth. Gusto kong isiping nag seselos ka pero wala ka namang gusto kaya bakit ka mag seselos?

"Kumusta ang pagkain nyo ni Kenneth ng sabay? Natuwa kaba? Masarap ba siya kasama? Mas masarap ba siya kasama kesa sa'kin? Mas napapatawa kaba niya kesa sa'kin? Ano sagot." Dire-diretso mong sabi. Ako nagulat dahil ang tahimik mo tapos bigla kang mag sasalita at kung ano ano pa sinasabi mo.

"Okay naman ang pagkain namin ng sabay. Mas masarap kapa ding kasama...mas napapatawa mo padin ako kesa sakanya." Nakangiting sagot ko. Napailing ka naman sabay titg sa'kin at nag salita. "Wala namang mas hihigit pa sayo." Mahinang dugtong ko. Hindi mo narinig dahil kung narinig mo magre-react ka sa sinabi ko.

"Pupunta ako sa birthday ni Kisha." Bigla mong sabi sa'kin. Akala ko hindi mo sasabihin sa'kin gusto kong matuwa dahil kahit hindi mo hinihingi ang pag payag ko, sayo parin mismo nanggaling na pupunta ka.

"Ingat ka." Nakangiting sabi ko sakanya sabay kindat.

"Ah....Christine may nag papabigay sayo." Sabay abot ng isang papel, napatingin ako sayo at ganun ka din sa'kin. "Pre, Louie." Paalam sayo ni Joss. Tipid kang tumango kahit ang sama na ng tingin mo.

Binuksan ko naman ang sulat at....

"Pupunta ka?" Seryosong tanong mo sa'kin. Pakiramdam ko ayaw mo pero malabo.

"Oo naman." Nakangiting sabi ko sa'yo. Ang totoo hindi talaga ako pupunta, ayokong pumunta sa date na niyayaya sa'kin ni Bren mamayang alas otso.

Matagal bago ka umimik nanatili kalang na nakatitig sa'kin. Tinaasan kita ng kilay na parang nag tatanong na bakit? Kaya naman nag iwas ka ng tingin at inilipat sa harapan.

Hindi mo manlang ba ako pipigilan? Hindi mo manlang ba ako pag babawalan?

Gusto kong sabihin sa'yo ang mga 'yan. But damn! Sino ba ako? Isang hamak mo lang naman akong kaibigan. I hate this feeling, I really really hate this. I hate this kasi hanggang....

Bestfriend mo lang ako.

Loving You Secretly (Completed)Where stories live. Discover now